Chapter 36 His Friends

En başından başla
                                    

"Miss, one room lang." Bumaling ang atensyon nila sa akin. Kumunot ang noo ni Drake habang ako naman ay plastic na ngumiti sa babae.

"Po?" Tanong ng babae.

"Ikaw naman kasi, baby, dati naman tayong magkatabi. Ba't two rooms?" Ngumuso ako. Naguguluhan naman si Drake na napatingin sa akin.

Binalingan ko ang babae na hindi matanggal ang tingin sa kasama ko. Uminit tuloy ang dugo ko sa kanya.

"Miss, nasaan na ang susi?" Tinaasan ko siya ng kilay. Sumama naman ang tingin niya sa akin tapos binalingan si Drake at ngumiti ng ubod ng tamis.

Aba nakakagigil! Sarap i ngudngud ng isang ito. Mas maganda naman ako sa kanya. Binagsak ko ang kamay sa desk niya kaya napatalon ito.

"Akin na nga yan!" Inis na sabi ko saka inagaw ang card sa kanya. Natigilan ang dalawang babae sa ginawa ko. Hindi ko na tinapunan ng tingin si Drake baka sigawan niya ako.

"Next time miss, unahin ang work ha. Nakakairita ka e. Harap harapan kang nagpapacute sa asawa ko." Umirap ako saka hinila ang kamay ni Drake.

Bahala na kung nakatunganga ang mga iyon. Habang nasa elevator kami ay naririnig ko ang tawa ng katabi ko. Siniko ko siya kasi pinagtitinginan na kami. Baka sabihin nila may kasama akong baliw. Nakakahiya.

"What?" Aniya pero natatawa pa rin

"Huwag kang tumawa. Tumahimik ka nga!" Sita ko sa kanya. Pinagtitinginan nila kami sa loob ng elevator. Lima katao ang nandito sa loob kaya konti na lang ang space.

Narinig ko na naman ang tawa niya kaya hinampas ko na siya sa braso sa inis. Nang tumunog ang elevator at bumukas ay lumabas na ako. Nahuli naman siya sa paglabas.

"Pasensiya na. Nagseselos kasi ang asawa ko." Dinig kong bulong niya sa mga tao sa loob bago iyon sumara.

Nakatunganga lang ako hanggang saka pinagapang niya ang kamay sa aking bewang bago bumulong sa tenga ko.

"Let's go, asawa ko."

Natulala na lang ako habang naglalakad na kami papunta ng room namin. Shet. Lumipad yata ang puso ko. Pakihanap naman oh.

MASARAP ang tulog ko kayakap ang gwapong nilalang na nasa aking tabi. Napangiti pa ako habang nakikita siyang nakayakap sa likod ng bewang ko habang magkadikit kami. Bahagyang nakabuka ang bibig at naglalabas iyon ng munting hilik.

Inayos ko ang nagulo niyang buhok. Malambot pala iyon kahit na magulo. Hindi mawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang mukha niya. Hindi ko mapigilang hawakan ang matangos niyang ilong pati na ang malambot niyang labi.

Hindi na ulit kami naghalikan simula ng una naming ginawa iyon. Napapitlag ako ng naramdaman kong kinagat niya ang daliri na nasa labi niya. Nagkatitigan kami habang nasa bibig niya ang aking daliri.

Pakiramdam ko nakuryente ako at ramdam ko ang init na dumaloy do'n. Napalunok ako habang nakatitig sa kanya. Bumaba naman ang tingin niya sa aking labi kaya kinagat ko iyon.

Ito na ba? Hahalikan niya ulit ako? Shit. Nae-excite ako. Tumatakbo na naman ng mabilis ang puso ko sa sobrang lapit niya. Bakit kaya laging ganito si Heart?

Bahagya siyang yumuko saka unti unting lumalapit sa akin.

Hayan na...maghahalikan na naman kami. Ramdam ko na ang hininga niya sa sobrang lapit niya. Konting push na lang magdidikit na ang labi namin. Natigilan ako ng may maalala.

"Ay, teka..Drake..t-toothbrush muna ako." Bulong ko para hindi niya maamoy ang hininga ko.

Patakbo akong pumunta ng bathroom para magtotoothbrush. Excited ako sa halikan namin kaso hindi pwede na mabaho ang hininga ko. Makalipas ang dalawang minuto ay natapos din at nagmadali ang tumakbo palabas ng banyo. Excited na ako!

The Best Pretending RoleHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin