Chapter 1: Lost

18K 300 31
                                    


"Uy guys saan tayo pupunta ngayon?" Tanong ko kila Aira.

Nandito kami ngayon sa labas ng school. Practice talaga namin ngayon eh. Kaso yung mga masisipag kung mga kaklase nagsipuntahan, kaya ayun 14 lang kami dito out of 75. Dami namin no? Hahaha XD!

"Hindi ko din alam Marvs eh. Ayoko din munang umuwi sa bahay ngayon dahil wala naman akong gagawin don." Sabi ni Aira.

"Hahaha ako rin naman. Kaya nga ako nagtatanong eh."

"Gusto niyo punta na lang tayo sa may PARANG, masaya don. Akyat tayo sa may tangke." Napatingin kami kay Samonte ng magsalita 'to.

"Ay bawal ako dun, magagalit si mama." React naman ni Glazel. Classmate ko din.

Yung PARANG na sinasabi nila ay isang lugar dito na parang subdivision na walang nakatira. Malawak doon at kalimitang pumupunta doon ay mga estudyante na nagkaka-cutting sa kanilang mga klase. Dahil practice naman namin ngayon, so hindi ito cutting.

"Guys punta tayo PARANG Pleasee! Para adventure." Sabi ko sa kanila. Gusto ko ulit makapunta doon eh. Atsaka mahangin din kaya doon.

Nagsalita si Maika. "Sige sama ako. Hindi ko pa kasi napupuntahan yun eh." Hahaha, buti pa si Maika hindi KJ. Si Glazel kasi eh.

"Uy Glazel sama ka na. Dali na." Sabi ko sa kanya.

"Guys ano na? Punta ba tayo ngayon?" Singit naman ni Samonte.

"Sigee na nga, ngayon lang ah!" Sabi naman ni Glazel.

Pansin ko lang. Bakit parang may kakaiba kay Glazel ngayon. Parang takot na takot siya na ewan. Hindi ko alam kung yun lang ba yung nakikita ko sa kanya o guni-guni ko lang.

Maya-maya pa nag-umpisa na kaming maglakad papunta doon. Sabi ni Samonte mahigit isang oras daw bago kami makarating sa lugar na yun. So malayo nga talaga.

Ako, si Aira, Jennie, Maika, Justin, Samonte, Glazel, Lloyd, Bobby (girl siya), Jessica, Alyssa, Joshua, Arth, Julia, ang mga magkakasama ngayon.

Habang naglalakad kami, bigla na lang huminto si Glazel sa paglalakad. Tiningnan namin siya at hinintay ang sasabihin niya.

"Guys wag na tayo tumuloy. Please!" Ang KJ talaga ni Glazel.

"Ano ka ba Glazel, adventure nga 'to eh. Wag ka ng KJ dyan, kaya halika na." Sabi naman ni Bobby sa kanya.

Tumingin naman ako sa relo ko para tingnan yung oras. Pagtingin ko 4:30 na pala ng hapon. Pero bakit ganun? Habang papalapit kami ng papalapit sa PARANG, may nararamdaman akong kakaiba dito. Hindi ko din naman maipaliwanag kung ano ito.

Hindi naman kasi ganito yung naramdaman ko noong huling punta ko dito. Siguro napa-praning lang talaga ako at dala na din ng pagkahawa kay Glazel. Haha!

"Guys nandito na tayo. Yipiieeeee!" Sabi ni Samonte na sumisigaw pa sa sobrang tuwa. Mukha tuloy siyang bata.

Nandito na nga ata kami kasi nandito na yung tangke na sinasabi nila. Tanda ko pa 'to eh. Pangalawang beses ko ng makapunta dito. Medyo malayo din pala kasi nakaramdam kami ng pagod.

Pinagmasdan ko lang ang paligid at mukhang wala pa ding pinagbago dito. Mukha pa din siyang abandoned na lugar na mukhang village at the same time.

"Uy Marvs punta lang kami doon ah. Mag-lilibot libot lang kami." Paalam ni Justin sa akin. Dahil kasama naman niya si Lloyd, okay lang.

"Oh sige. Bumalik kayo agad Aah! Pag hindi kayo bumalik iiwanan namin kayo dito." Pananakot ko sa kanila.

Umalis na sila at naiwan na akong mag-isa dito. Habang pinagmamasdan ang paligid at nakaupo sa may damuhan, bigla kong naramdaman na parang may kumalabit sa may likuran ko dahilan para magulat ako ng husto.

"Ay pusang kalabaw!" Tiningnan ko yung kumalabit sa akin at nakita si Glazel na kakaiba ang mga titig sa akin. "Ay sorry, bakit?"

"Marvs uwi na lang tayo. Feeling ko may mangyayari talaga eh." Sabi niya sa akin na may halong panginginig yung boses.

"Huh? Anong mangyayari? Hindi ko maintindihan." Promise hindi ko talaga siya maintindihan kanina pa. Ayaw naman kasing sabihin.

Umiling siya. "Wala pala. Sige wag mo na lang akong pansinin." Sabi niya at biglang tumayo. Ang weird niya ngayon ah.

"Uy Marvs ang saya pala dito," Napatingin ako bigla kay Aira.

"Oo nga eh. Nga pala nasaan sila Maika at Jessica?" Tanong ko.

"Kumukuha ata ng picture yung dalawang yun eh. Alam mo naman, ngayon lang mga nakapunta yan dito. Haha! parang ako hindi eh."

Maya-maya pa umalis na si Aira sa tabi ko at pumunta dun sa lugar nila Jennie, Alyssa at Julia na nag-hahabulan. Ako? Nandito mag-isa, tinitingnan sila. Medyo mag-gagabi na din ng mapatingin ako sa orasan. 5:45 na din kasi eh.

"Guys uwi na tayo. Mapapagalitan na ako nito ni mama eh." Sigaw ko sa kanila. Totoo naman kasi eh, mapapagalitan talaga ako kapag ginabi ng uwi

Matapos ko silang tawagin ay nagsilapitan sila isa-isa

"Uuwi na ba tayo Marvs?" Tanong ni Maika.

"Alangan, gabi na po." Sagot ko. Pero bago umalis ay binilang ko muna ang mga kasamahan namin. "Guys sandali lang. Parang kulang tayo."

Binilang ko ulit pero kulang talaga kami ngayon. "Sila Samonte, Justin at Lloyd. Nasaan na yung mga yun?"  Tanong ko.

Habang tumatagal kami dito ay medyo nagdidilim na din ang paligid. Nakakarinig na din kami ng ingay ng mga kuliglig sa paligid at iba pang insekto dito.

"Oo nga no? Nasaan na yung tatlo?" Sabi ni Joshua.

Nagpalinga-linga kami sa buong paligid hanggang sa nakita namin si Samonte sa 'di kalayuan na hinihingal papunta sa pwesto namin ..

Lumapit kami kaagad sa kanya. "Uy Samonte nasaan sila Justin at Lloyd?" Tanong ni Alyssa. Lahat kami ay nagkatinginan at hinintay ang susunod na sasabihin ni Samonte.

Nakita namin siyang huminga ng malalim bago sumagot.

"Guys... sila Lloyd at Justin—"

Itutuloy...

PARANG (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora