***

 

"Gising na, Elaine." ramdam ko ang pag-alog sa akin ni Mich. I opened my eyes and yawned. Anong oras na kaya? Kinuha ko yung phone ko para i-check yung time. Hmm… 6:00?! Ang aga naman manggising ng mga 'to. Kitang puyat yung tao oh.

 

"Matutulog pa ako. Ang aga pa oh." sabi ko then I tried sleeping. She started jumping up and down sa bed ko kaya nahilo lang ako lalo, "STOP! Eto na, babangon na nga eh." sabi ko at nagstretch ng braso. Ay nako, pag ako nahimatay sa pagod mamaya, patay sa akin 'tong Mich na 'to. Kasalanan niya kung bakit ako napuyat eh!

 

Nagready na kami for the next trip, di ko alam kung saan kami dadalhin nitong si Kurt eh, basta daw mag-eenjoy kami. Hindi na nakasama sa amin si Andrea dahil biglaan siyang pinauwi sa Manila. Important matters daw kaya agad agad siyang umalis. Sayang naman, last trip na lang hindi pa siya makakasama. Anyway, magkatabi kami ni Kurt sa kotse, ngayon lang ulit kami nakapagkwentuhan, masyado kasing busy sa school yang bestfriend ko, tumatakbong vice president next school year eh.

 

“Best, may incoming projects ba ang student council? Hindi ako naka-attend nung last meeting eh.” tanong ko, habang kumakain ng doughnut, binilhan kasi nila ako bago umalis. Ako na lang daw kasi yung di kumakain. Haha.

 

“Hmm... yung Intrams natin malapit na. Same routines, then there will be a competition involving the muse and escort of each class. And yung mananalo magiging model ng school magazine and there are additional prizes like money and other stuff. I didn’t quite get the details because I wasn’t listening. Hehe.”

 

“Sir Kurt, andito na po tayo.” Sabi ni mamang driver. Tumingin ako sa labas, nasa parking lot pala kami. Puro kotse eh, malamang parking lot nga eh.

 

“Asan ba tayo, best?” tanong ko habang nakatingin sa labas, wala akong makita talaga kundi sandamakmak na kotse at puno. Halatang liblib yung lugar, mukhang back part pa ‘to ng mismong pupuntahan namin. Paglingon kasi puro damo na lang at kalsada.

 

“You’ll like it here. I promise.”

 

Pagkababa namin, ni-lead kami ni Kurt sa entrance. Amusement Park?! Grabe, sobrang tagal na nung huli kong punta sa amusement park. Batang bata pa ata ako nun, tapos kasama pa namin ni Kuya Paul sila Mama at Papa.

 

“Wow! Sa inyo ‘to Kurt?” tanong ko. Kumikinang nanaman ang mga mata ko sa sobrang tuwa.

 

“Yeah. It just opened this week. We’re part of the first batch to try out everything. I knew you’d like it here.”

 

“OO NAMAN BEST. Alam mo namang I love amusement parks diba? At tsaka kalma naman sa pag-English oh, nakakadugo sa ilong eh.” sabi ko tapos nagtawanan kami. Grabe naman kasi kapag kausap mo si Kurt mapapanganga ka na lang sa sobrang straight niya mag-English.

 

Una naming sinakyan yung carousel, kahit ayaw pa nila Kurt at Dylan nung una (pambata daw kasi), napilit pa rin namin sila. Shempre, mild rides muna bago pumunta sa extreme. Nung natapos na yung ride, nagkayayaan mag Anchor’s Away. Di pa ako nakakasakay dun kaya ninenerbyos ako. Baka humiwalay kaluluwa ko sa katawan ko pag sumakay ako dyan. Masyado pa akong bata para mamatay, marami pa akong pangarap na gustong makamit.

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon