Huminga muna ako ng malalim bago lumingon, “Excuse me?”

 

“You’re excused.” Sabi niya at ngumiti. Ang sarap talaga batuhin ng sapatos ng lalaking ‘to, napakahangin!

 

“Ewan ko sayo. Akala ko makakahanap ako ng peace of mind sa lugar na ‘to, war pala! Bahala ka, aalis na ako. Psh.” Bago pa man ako makaalis, bigla niya akong tinawag.

 

“Elaine. Sorry pala kanina.”

“Ha?” Ano daw?

 

“Hindi ko na uulitin. Ang bingi mo talaga.” Sabi niya tapos kumunot nanaman ang noo niya.

 

“Eh sa hindi ko narinig eh! Sorry ha! Ang hina hina naman kasi ng boses mo.”

 

“Sabi ko sorry! Sorry kasi tinawag kitang tanga…”

 

Okay na sana eh, kaso may dinugtong pa siya pagkatapos nun, “kahit tanga ka naman talaga dahil sa ginawa mo.”

 

“Ang sama sama talaga ng ugali mo!” sabi ko tapos hinampas ko siya, pero hindi ganun kalakas.

 

“Ayan ka nanaman, wag mo na nga akong bugbugin. Nag-sorry na nga ako diba?!”

 

“Eh mali naman yung pagsosorry mo! Bakit may kasama pang panglalait?!” sabi ko. Nag-sorry siya ulit pero hindi na niya dinugtungan pa ulit. May binulong pa siya pero hindi ko masyadong narinig, ano nanaman kayang panglalait yun?!

 

***

 

Nagtipon-tipon kami sa sala kinagabihan, gusto daw kasi nilang magkwentuhan ng nakakatakot. Ako lang yung tumanggi but since pinilit talaga nila ako ng bonggang bongga, napapayag din naman. Kahit alam nilang malaki akong duwag sa mga multo multo na yan, hindi nila ako pinalagpas. Huhu.

 

"Alam niyo, may nagpapakita daw na batang babae dito kapag 3:00 ng madaling araw. Di nila alam kung bakit di matahimik yung kaluluwa niya eh. Nakwento sa akin ito nung caretaker namin dito. Nakita niya daw sa may kitchen mismo, umiiyak pa nga minsan eh." nakikinig ang lahat kay Kurt. Ako naman, nakatakip lang ang tenga ko.

 

Takte naman kasi. Pauso 'tong Kurt na 'to eh! Alam niya namang takot ako sa mga ganyang bagay! Ba't ba kasi pumayag ako dito sa kwento kwento na 'to.

 

"Why are you covering your ears?" tanong ni Andrea.

 

"Ah, ayaw ko kasi sa mga ganyang bagay. Napakalaki kong duwag pagdating dyan." Hindi na ulit siya sumagot at nakinig na sa magkwekwento. Halos lahat ng kinekwento nila eh true-to-life stories kaya mas lalong nakakatakot. Buong oras akong nakatakip lang ng tenga, pero waepek. Rinig ko pa din yung mga pinagkwekwentuhan nila. Kung anu-anong klase pa naman ng kababalaghan ang kinekwento nila. Ayaw ko na dito, wah! Pwede na ba akong umuwi?

 

"I guess let's call it a night. Tulog na tayo. 1 am na pala oh. Ang bilis ng oras. Good night." yaya ni Kurt at nagsibalikan na kami sa mga kwarto namin. Sa kwarto muna ako ni Mich tumambay, hindi kasi ako makakatagal ng walang kasama sa kwarto.

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Место, где живут истории. Откройте их для себя