“Umm… okay lang ba kung sumama ako sa inyo? Wala kasi akong kasama habang nagste-stay ako dito eh. At tsaka, I want to meet Dylan’s friends.” Sabi niya at ngumiti na parang nahihiya.

 

“Sure. Wala naman sigurong problem about that. And the more the merrier, right?” sabi ni Kurt at ngumiti. Napangiti naman si Andrea at todo pasasalamat siya sa amin.

 

Ilang oras pagkatapos kumain, napagtripan naming magvolleyball. Magkakampi kami ni Mich habang sila Dylan at Andrea naman ang magkakampi. Ayaw kasing sumali ni Kurt kasi hindi siya makapili ng side kaya naging referee na lang siya. Nagkamayan muna kami bago maglaro, “Good luck, umm…”

 

“Elaine.” Sabi ko at ngumiti.

 

“Right. Good luck, Elaine. May the best girl win.” Sabi ni Andrea at nakipag-shake hands sa akin. Ano daw? Best girl?

 

Nagpapasahan lang kami ng bola sa laro, naghahabulan ng score, and in the end, kaming dalawa ni Mich ang nanalo sa game.

 

"Congratulations! I didn't know that you're good at this sport!"

 

“Oh, hindi naman masyado, hobby ko lang talaga. Ikaw din, congrats, may skills ka rin naman eh.” Sabi ko at ngumiti. Mabait naman pala siya eh, ano ba yung kutob na naramdaman ko kanina? Masyado naman ata akong naging judgemental.

 

"Kurt says that I am going to stay with you in your room, wala na kasing extra room eh."

 

"Oh, that's great. Tara, balik na tayo sa rest house para naman madala mo na yung gamit mo sa kwarto natin.”

 

Pagdating sa kwarto namin sa resthouse, laking gulat ko nang may nakita akong dalawang naglalaking maleta sa harap ng pinto namin. Huwag mong sabihing gamit niya ‘to lahat?

 

“U-uhh. Bakit ang dami mo naman atang dala? Magstestay ka ba rito after naming umuwi? Last day na kasi namin bukas eh.” sabi ko habang tinutulungan siyang maglabas ng mga damit niya.

 

"Oh, mapili kasi ako sa damit eh. At tsaka, kakauwi ko lang kasi galing ng States kaya ganyan kadami yung gamit ko. Hehe.”

 

Halos kalahating oras kaming nag-ayos ng gamit niya. Nagkwentuhan na rin kami sa mga oras na yun, ayos din naman pala siya kasama kahit papaano. Magkaugali sila ni Mich, kalog pero mas kalog pa rin si Mich kesa sa kanya, haha.

 

"Ah, lalabas muna ako ha. Magpapahangin lang.” sabi ko at umalis na. Dumerecho ako sa garden nila Kurt, nasa bandang likod ito at wala masyadong tao kaya ang sarap tumambay dito. Kahapon ko lang nadiscover na may garden sila kaya ngayon ko lang naisipang tumambay sa lugar na ‘to.

 

May naririnig ba talaga akong kumakanta o guni-guni ko lang yun? Naglakad pa ako papunta sa boses na naririnig ko. May pagkalaki rin kasi yung garden na ‘to kaya medyo may kalayuan din yung nilakad ko.

 

Nakita ko siyang nakasandal sa may puno, naka-earphones at kumakanta mag-isa. Bigla akong nakaramdam ng pagkahiya kahit hindi niya pa naman ako napapansin. Paalis na sana ako ng narinig ko siyang magsalita, “Stalker talaga kita noh?”

Just The Boy I'm Looking For (EDITING)Where stories live. Discover now