Hindi ko talaga ma imagine na ganito ang ginagawa niya. "Louder!" Sigaw ni Keith. He glared at him. Tumawa lang si Keith.

"Mag-exercise tayo..duling si Rea. Duling si Rea." Kanta niya habang nakapikit ng mariin.

"Pfft! Hahaha!" Yan ang narinig ko sa kanila. Si Keith ay nahiga na sa buhangin. Walang kwentang bestfriend talaga!

"Langya!" Di mapigilang sabi ni Harry.

"Hindi ko lubos maisip na darating ulit ang araw na magiging ganito ulit si Drake." Sabi ni Justine na nawala na ang ngiti pero mga kasamahan namin ay tumatawa pa rin.

Nawala ang ngiti ko at napaisip. Posible kayang nakapag move on na talaga siya? Sana nga...sana nga.

Narinig ko na naman ang halakhak nila kaya tinanaw ko na ulit si Drake na parang engot at nakapikit sa harapan ng magkasintahan. Walang tigil ito sa pagkanta at paggawa ng sariling steps.

Tumayo ang magdyowa at tinalikuran siya. Tumigil saglit ang babae saka siya sinigawan.

"Baliw!" Aniya bago tuluyang umalis. Halatang inis na inis ang mga ito dahil naudlot ang romansa.

Panay naman ang mura ni Drake bago bumalik sa amin. Tawang tawa pa rin kami sa ginawa niya.

Swear. Lakas ng tawa ko as in hagalpak. Si Drake na masungit ay kumanta ng ganoon? Nakakatawa di ba? Madilim ang mukha nito habang nakikita niya kaming tumatawa.

Never pumasok sa utak ko na gagawin niya iyon. Para siyang ewan. Ang putla nito at halatang nahihiya sa ginawa. Hindi ko expect na mapapasunod siya sa kalokohan nila.

"May talent ka na man pala, bro!" Tukso ni Justine sabay ngisi. Umirap ito sa kuya niya bago umupo. Ako naman ay pinipigilan ang tawa kasi alam ko na naiinis na siya.

"Sige tumawa kapa, kabagin ka sana." Sabi niya sa akin na nakanguso kaya humalakhak na ako. Pulang pula naman buong mukha niya habang nakatingin sa akin.

Hindi ko mapigilan ang pagtawa ko kasi naman nakasimangot siya parang bata. Sa inis niya at inakbayan ako sa leeg saka tinakpan ang aking bibig manahimik lang ako sa kakatawa. Kung hindi ko lang alam, baka paniwala na rin ako na totoo kaming magkasintahan.

Walang tigil kami sa pagtawa kaya sumimangot siya. Pinaikot niya ang bote habang si Keith ay tumatawa pa rin kaya kumuha siya ng maliit na kahoy sa likuran niya at binato sa bestfriend niya. Napa aray naman ito pero tumawa pa rin.

Habang umiikot pa ang bote ay hindi na niya tinanggal ang pagkakaakbay sa akin. Aaminin ko kinikilig ako at gusto ko na ganito kami kahit nagpapanggap lang. Masaya na ako sa simpleng galaw niya sa akin. Para sa akin sweet na ito what more kung kami na, di ba? Wait...baliw na nga ako. Imposible na maging kami. Umiral na naman ang imagination ko.

Naka dalawang bote na pala ako ng hindi ko namamalayan marahil sa sobrang tawa. Huminto sa pag-ikot ang bote at tumapat iyon kaya Kean. Umayos ito ng upo at mukhang excited sa ipagagawa sa kanya. Buti na lang hindi pa kami na 'dare' ni Jess. Marunong makisama ang bote sa amin.

"Can you see those girls?" Turo ni Wayne sa babaeng nagtatawanan sa isang cottage.

"I'm not blind, dude." Sarkastikong sabi niya. "Ipapahalik mo sila sa akin?" Ngumisi ito. Uminom ito ng beer saka hinintay ang dare sa kanya.

Busy ako sa pag nguya ng chips at hindi ko namalayan na ubos na pala. Hahanap pa sana ako ng iabot ni Drake ang isa pang chichiria sa akin.

Napangiti ako. Galawang Drake. Simpleng galaw pero nakakakilig.

Kinuha ko iyon at nagpasalamat sa kanya. Nang buksan ko iyon ay kumuha din siya. Napatingin ako sa kanya. Nasasanay na siya sa akin. Mukhang hindi ko na kailangan pa ng bonggang effort para mawala ang kasungitan sa akin.

The Best Pretending RoleWhere stories live. Discover now