Binaba ko ang baso saka siya tinitigan. "That's why she's my girlfriend, right?" Umiwas ako ng tingin dahil sa titig ni manang at tinuloy ang pag-inom ng tubig.

"Sinong niloko mo? Ako Drake 'wag mo akong pinagloloko. Ultimo pag-ihi mo sa salawal dahil sa kalasingan alam ko, 'yan pa kaya." Napangiwi ako sa sinabi niya. Alam niya kasi ng isang beses ay naihi ako dahil sa kalasingan. That was long time ago. I was fifteen then. Siya lang ang nakakaalam no'n.

"What do you mean?" Nagkunwari akong busy sa pagbibilang ng wine glass sa cabinet. Mukhang may alam na siya pero hindi ako magpapahalata.

"May mata ako pero di ako bulag. Alam ko namang nagpapanggap ka lang." Natigilan ako. Damn. She knew it!

"H'wag kang mag-alala safe ang sikreto mo sa akin gaya ng dati." Hindi ko alam kung ngingiti ako o sisimangot sa sinabi niya. Alam ko na safe nga sikreto namin kay manang. Mahal niya ako, e.

"Thanks manang." I murmured then hug her again.

"Alam ko gusto mo na siya." Sumimangot ako sa kanya.

"Sa lahat ng joke mo manang 'yan ang waley." Sarkastikong sabi ko. Ngumiti siya sa akin.

"Deny pa more." Aniya saka na ako iniwan bitbit ang niluto niya. Naiwan na lang ako ng nakanganga sa sinabi niya.

Deny pa more? Bagets na ba si manang ngayon? Saka anong deny wala naman akong dapat i deny!

Lumabas na ako ng kusina para sana gisingin si Rea kaso nakita ko na siyang naghihikab habang nakapikit na bumaba ng hagdan. Sabog pa ang buhok nito. Mukhang nakalimutan na niyang itali dahil wala pa siya sa sarili niya. Sana naghilamos man lang siya, tsk.

"Tulog pa silang lahat." Wika ko habang naghihikab pa si Rea at pumipikit pa. Umupo ito sumunod naman ako. Kinusot nito ang mata saka nakatuon ang mata sa pagkaing nakahapag, parang go signal sa kanya kaya bigla siyang ngumiti at kumuha agad ng kanin.

"Next time don't drink too much. Nagmumukha kang engot kapag nalalasing ka." Sabi ko pa sa kanya. Tiningnan niya ako bago umirap.

Magana siyang kumakain habang ako ay pasimple siyang tinitignan. Kapag siya ang kasama ko kumain napapalakas din ang kain ko dahil sa gilas niya sa pagsubo.

Nabaling ang mga mata ko sa kanyang bibig na ngayon ay puno ng pagkain. Napalunok ako habang nakikita kong gumagalaw ang labi niya. Suddenly, the kiss flashed in my mind. Dammit!

Tingin ka sa kabila, Drake. H'wag mo na siyang titignan. It was an accident, alright? Just pretend nothing happened. You're too good in pretending, just fucking do it.

Tanging kutsara lang niya ang aking naririnig. Maya maya siniko niya ako kaya tinagilid ko ang aking ulo para makita siya.

"Anong nangyari kagabi?" Usisa niya. Pakiramdam ko nawalan ako ng dugo sa katawan dahil sa tanong niya.

Wala naman akong ginawang masama pero damn, bakit ako nakokonsensiya? Easy man. Pretend. Pretend. Pretend.

"W-wala kang maalala?" I simply replied. She just shrugged then stared at me for a while. Napaiwas ako ng tingin.

"Panaginip lang siguro iyon. Alam mo keroppi ang ganda ng panaginip ko." Sambit niya. Nagkunwari akong hindi interesado. Pinagtuunan ko ng pansin ang pagkain sa aking harapan.

"Alam mo kung anong panaginip ko?" Deadma ka lang Drake. Wag kang sasagot. Kumain ka lang. Bulong ko sa utak ko.

"Nagkiss daw tayo." Nagulat ako dahilan para mabulunan ako. Damn!

"Hala!" Inabot nito ang tasa sa akin at ininom ko iyon. "Fuck!" Kape ang pinainom niya. Shit! Napaso ako sa init ng kape. Napaubo na naman ako sa nangyari.

The Best Pretending RoleWhere stories live. Discover now