Chapter 32

9.6K 242 7

{Behind the past of Leynard & Aira}

-----NAKARAAN-----

PALABAS ng Villanueva Company si Aira ng matanaw ito ni Leynard. Dali-dali itong lumabas ng sasakyan niya at sinalubong ang naglalakad na si Aira.

Aira, can we talk?" Ani Leynard.

"What do you want from me?" Pabalang nitong tanong.

"Aira, please kahit ngayon lang ay makinig ka naman sa'kin." Makaawa nito kay Aira. Ngunit poot at galit ang bumabalot kay Aira.

"At ano namang kasinungalingan ang sasabihin mo sa'kin ha! I am old enough Leynard para bilugin mo ang ulo ko." Ani Aira na nanginginig na sa galit.

"Kahit, ngayon lang Aira ay makinig ka. Minahal kita at mahal kita at kahit kailan ay hindi yun nagbabago at magbabago. Pero anong magagawa ko kung nakatali ako sa aking ama. Ang lahat ng gusto niya ang nasusunod." Anito kay Aira.

"Duwag ka kasi." Sagot nito sa lalaki.

"Alam ko, marahil tama ka." Ani Leynard sabay hinga ng malalim. "Pero bago pa mahuli ang lahat ay iwan niyo na ng kapatid mo ang bansa, hindi kayo ligtas dito." Anito. Ngunit hindi na natapos ng pagsasalita si Leynard ng biglang natumba si Aira at umaagos na ang dugo sa kanyang ulo.

"God. Damn it. Aira, hold on, dadalhin kita sa hospital." Ani Leynard kay Aira.

"L-leynard, makinig ka." Anito sabay labas ng dugo sa kanyang bibig.

"Sssshhhh. Please, don't talk, don't say anything." Pakiusap ni Leynard kay Aira.

"Leynard makinig ka." Pagpupumilit parin nito kahit hirap na itong magsalita. "Kung ano man ang kailangan niyo sa pamilya ko, parang awa mo na. Wag mo pababayaan si Ashley dahil anak mo siya. Bunga siya ng ating nakaraan, inako nila Daddy at Mommy ang pagiging magulang sa kanya." Ani Aira kahit hirap na ito magsalita ay nasabi parin niya bago ito tuluyang mawalan ng malay tao.

"Aira. Aira."


Tawag ni Leynard kay Aira kasabay nito ang pagtama ng kung anong bagay sa ulo niya.

"Bilisan niyo, dalhin niyo sa sasakyan ang anak ni Boss. Kundi malilintikan tayo dito." Anang pinagkakatiwalaan ni Romulo. Agad namang tumalima ang mga ito. Binuhat nila ang walang malay na si Leynard at isinakay nila sa dala nilang van.

"Boss, anong gagawin natin dito sa babae?" Anang isa sa mga ito.

"Isakay niyo sa van. Kaloy, ikaw ang magdrive ng sasakyan ni Miss Villanueva." Utos nito sa nagngangalang Kaloy. Agad naman itong tumalima.

"Men, let's go." Utos ng tinatawag nilang Boss sa mga ito. Maya't maya ay may tinawagan ito.

"Hello, nakuha niyo ba ang CCTV footage?" Tanong ng pinaka pinuno ng grupo nila sa kausap nito sa tawagan. "Oo, boss." Sagot ng nasa kabilang linya.

"Good, sige umalis na kayo dyan bago pa kayo matunugan." Utos niya sa mga ito.

Sa isang lugar na hindi matao na  pumunta ang mga taohan ni Romulo. Huminto ang van ng mga ito at bumaba ang leader ng grupo nila.

"Ipasok niyo sa loob ng kotse niya si Miss Villanueva." Utos nito sa mga kasamahan niya. At agad naman tumalima ang mga ito.

"Boss, buhay pa to e. Humihinga pa oh!" Anang isa sa mga ito.

"Hayaan muna, matutuloyan din yang malagutan ng hininga." Anito. Kaya nagkibit balikat na lang ang mga ito sa tinuran ng boss nila.

Matapus nilang maisakay muli si Aira sa sasakyan nito ay agad nilang nilisan ang lugar.

The Mistress Revenge(Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!