Chapter 11

10.8K 360 9

BANAYAD na hinihimas ni aling Lourdes ang larawan ni Arthur. Sabay hinga nito ng malalim.

"Arthur, hanggang kailan ko ililihim ang lahat kay Ashley? Malaki na siya, nasa tamang edad na. Ngunit natatakot ako, kung sakaling malaman niya ang totoo. Mabait siyang bata, ngunit paano kung matuklasan niya ang katotohanan? Baka poot at pagkasuklam ang pumuno sa kanyang pagkatao." Kausap ng matanda ang larawan ni Arthur na hindi nito maiwasang hindi maluha.

---NAKARAAN---

Habang nakaupo si Arthur ay nakayukong lumapit sa kanya si Aira. Tila hindi nito alam kung paano magsisimulang magsalita sa harap ng ama.

"Dad, patawad." Ani Aira kay Arthur na agad umiyak sa harap ng ginoo.

"Ano bang pinagsasabi mo Aira? At bakit humihingi ka ng tawad sa'kin?" Ang naguguluhang tanong ni Arthur sa kinse anyos na si Aira.

Kung titingnan mo ang dalawa ay hindi mo aakalaing magkapatid ang dalawa. Mula ng sumakabilang buhay ang ina ni Arthur ay muling nag-asawa ang ama nito. Ang ina ni Aira ngunit sa kasamaang palad ay binawian rin ng buhay ang ina nito nang isilang niya si Aira. At dahil sa dalawang babaeng dumating sa buhay ng ginoo na kinuha sa kanya ng Nasa itaas ay dinamdam niya ito, sanhi ng pagkakasakit niya na ikinamatay nito makaraan ang dalawang buwang pagkakaratay.

Kaya mula noon ay itinuring ng anak ni Arthur ang bunso nitong kapatid na si Aira at tanging si aling Lourdes ang nakakaalam at ang kaibigan nitong si Victor na hindi nito anak si Aira kundi kapatid niya ito sa ama.

"Dad."

"Aira, tell me what is going on?" Sabay yakap nito sa dalaga.

"Dad. I'm pregnant." Kagat labi nitong aniya kay Arthur habang nakayuko.

"What?"

"I'm pregnant Dad." Naluluha nitong anang sa ginoo.

"Sinong ama?" Tanong nito sabay tampal niya sa noo. Ngunit sa halip na sagutin niya ito ng tuwid ay iba ang sinagot niya.

"Dad, akala ko mahal ako ni Leynard. Nagtiwala ako sa kanya, ngunit nagkamali pala ako. Ginagamit lang niya ako dahil sa hangarin nilang isang bagay." Anitong kinakunot noo ni Arthur.

"Dad. Hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan nila ng pumunta ako sa bahay ni Leynard, sasabihin ko sanang buntis ako ngunit hindi ko inaasahan ang narinig ko. Mayron silang hinahanap na golden key at mapa daw. At isa daw sa pamilya ng mga Villanueva ang nakakaalam nito, gusto nilang makuha ang susi na yun at ang mapa. At ang hadlang daw sa kanila ay itutumba nila." Saad nito kay Arthur na kinabigla ng ginoo.

"Nakita ka ba nila?" Tanong ni Arthur kay Aira, bahagya lang itong umiling bilang sagot niya.

"Okay! don't cry, ipapadala kita sa Canada. Itutuloy mo ang pagbubuntis mo doon, sasamahan ka ni manang Lourdes doon hanggang manganak ka." Anito kay Aira sabay yakap niya dito.

"Thanks Dad." Anang dalaga sa ama. Kaya mula noon ay pinaayos ni Arthur ang papers ni Aira at aling Lourdes patungong Canada.

---KASALUKUYAN---

"Leynard, hanggang ngayon ba ay wala ka parin alam kung nasaan ang golden key at ang mapa? Ang hina mo, kay tagal ng panahon ay hindi mo parin ito nahahanap. Kapag wala parin kayong nakuhang impormasyon ay itumba niyo rin ang natitirang Villanueva dahil wala namang kwenta." Ani Romulo sa anak na si Leynard. Napakuyom naman ang kamay ng lalaki ng marinig ang tinuran ng ama.

"Subukan mo lang siyang hawakan, maging dulo ng buhok niya at makikita mo at makakalimutan kung naging ama kita. At panahon na rin siguro para suwayin kita sa pagiging sunud-sunuran ko sa'yo." Saad nito sa isip.

---FLASBACK---

Matyagang naghintay si Leynard sa parking lot ng kumpanya ng mga Villanueva sa paglabas dito ni Aira. Hindi naman siya nabigo sa paghihintay kaya ng makita niya si Aira ay agad niya itong sinalubong.

"Aira, can we talk?" Ani Leynard.

"What do you want from me?" Pabalang nitong tanong.

"Aira, please kahit ngayon lang ay makinig ka naman sa'kin." Makaawa nito kay Aira. Ngunit poot at galit ang bumabalot kay Aira.

"At ano namang kasinungalingan ang sasabihin mo sa'kin ha! I am old enough Leynard para bilugin mo ang ulo ko." Ani Aira na nanginginig na sa galit.

"Kahit, ngayon lang Aira ay makinig ka. Minahal kita at mahal kita at kahit kailan ay hindi yun nagbabago at magbabago. Pero anong magagawa ko kung nakatali ako sa aking ama. Ang lahat ng gusto niya ang nasusunod." Anito kay Aira.

"Duwag ka kasi." Sagot nito sa lalaki.

"Alam ko, marahil tama ka." Ani Leynard sabay hinga ng malalim. "Pero bago pa mahuli ang lahat ay iwan niyo na ng kapatid mo ang bansa, hindi kayo ligtas dito." Anito. Ngunit hindi na natapos ng pagsasalita si Leynard ng biglang natumba si Aira at umaagos na ang dugo sa kanyang ulo.

"God. Damn it. Aira, hold on, dadalhin kita sa hospital." Ani Leynard kay Aira.

"L-leynard, makinig ka." Anito sabay labas ng dugo sa kanyang bibig.

"Sssshhhh. Please, don't talk, don't say anything." Pakiusap ni Leynard kay Aira.

"Leynard makinig ka." Pagpupumilit parin nito kahit hirap na itong magsalita. "Kung ano man ang kailangan niyo sa pamilya ko, parang awa mo na. Wag mo pababayaan si Ashley dahil anak mo siya. Bunga siya ng ating nakaraan, inako nila Daddy at Mommy ang pagiging magulang sa kanya." Ani Aira kahit hirap na ito magsalita ay nasabi parin niya bago ito tuluyang mawalan ng malay tao.

"Aira. Aira."

Yun na ang huling natatandaan ni Leynard bago ito mawalan ng malay tao matapus tamaan ng kung anong bagay ang ulo niya. Kaya ng magkamalay siya ay nasa loob na siya ng kanyang kwarto.

Napabalikwas nalang ito ng bangon ng maalala si Aira at ang huling katagang sinabi nito sa kanya.

---END OF FLASBACK---

Kaya mula noon ay lihim ng binabantayan ni Leynard ang anak niya sa malayo. Hindi niya tinangkang lumapit dito para na rin sa kaligtasan nito.

HABANG naglalakad si Ashley sa garden ng mansyon nila ay pakiramdam niya ay may mga matang nakamata sa kanya, ngunit di nito mawari kung saan. Kaya nagpasya nalang itong maupo sa isang upuan sa kanilang harden habang nakaharap sa isang mansyon na bakod lang ang pagitan sa kanilang mansyon.

Samantala, habang tanaw ni Leynard si Ashley ay parang gusto na niya itong takbuhin at pugpugin ng halik, ngunit hindi niya magawa, hanggang tanaw na lang siya sa dalaga.

"Kaya pala, ng una kitang makita ay ang gaan na ng loob ko sa'yo. Dahil dugot laman kita anak." Hindi maiwasan ni Leynard ang hindi maluha habang tanaw niya ito. Sinadya pa nitong bilhin ang mansyong pag-aari ng mag-asawang nagmigrate sa America malapit sa mansyon ng mga Villanueva upang malaya niyang matanaw ang anak.

"Patawarin mo ako anak kung naging ama ko ay halang ang kaluluwa, sana ako ang kinalakihan mong ama at sana buhay pa ang tunay mong ina. Ngunit pinapangako kung kahit dulo ng buhok mo ay hindi malalagas. Dahil handa kung itaya ang buhay ko para sa kaligtasan mo wag ka lang mapahamak." Ani Leynard.

Ang mansyong binili ni Leynard ay lihim ito sa kaalaman ng kanyang ama, hindi niya ito pinaalam para sa kaligtasan ni Ashley. Gusto niya itong bantayan. Kumuha narin ito ng ibang mga tauhan niya na magbabantay sa dalaga. Maging sa loob ng pamamahay ng mga Villanueva ay mayron narin pinapasok dun si Leynard para sa seguridad ng anak niya. Sinisiguro nitong hindi mapapahamak si Ashley sa kamay ng ganid nitong ama.

"Sana pagdating ng araw ay mapatawad mo ako anak." Ani moy kaharap ni Leynard ang dalagang si Ashley sabay lagok nito ng alak sa basong hawak niya.

TBC.

The Mistress Revenge(Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!