Chapter 18

10.3K 327 5

ARAW ng pagpunta nila Ashley sa resort na sinabi ni ginang Lourdes sa kanila. Sakay sila ng dalawang sasakyan na maghahatid sa kanila sa pier kung saan naghihintay ang yatch na sasakyan nila patungo sa Isla Idyll.

"Dad, ayaw mo ba talagang sumama?" Muli na namang tanong ni Ashley kay Leynard.

"Don't worry, susunod ako agad doon anak." Ani Leynard sa anak sabay yakap dito at hinalikan niya sa buhok.

"Promise me Dad." Ani Ashley sa ginoo kaya natawa na lang itong inakbayan si Ashley dahil mula pa kahapon ay gusto siya nitong sumama. Ngunit hindi siya pwede. Nakaplano na ang lahat kaya kailangan niyang samantalahin ang pagkakataon habang nasa ligtas na lugar ang anak niya.

"Ang kulit talaga ng prinsesa ko. At promise, may kailangan lang akong tapusin at pagkatapus ay susunod agad ako sa inyo." Anitong nakangiti.

"Sige! Basta susunod ka agad sa amin. And please take care, Dad. I'll miss you." Anito na humigpit ang pagkakayakap niya sa ginoo.

"Okay," anito sabay tango. "Sige na naghihintay na yung yatch na sasakyan niyo anak. La, kayo na pong bahala dito sa makulit nating prinsesa." Ani Leynard kay ginang Lourdes.

"Wag kang mag-alala hijo, ako ang bahala sa kanya. Ikaw ang mag-iingat." Ang makahulogang anang matanda at isang ngiti lang ang tinugon nito.

Matapus magpaalam ng mga ito kay Leynard ay agad na nilang tinungo ang yatch na naghihintay sa kanila na siyang maghahatid sa kanila sa private island na nabili ni Leynard. Ng marating nila Ashley ito ay bahagya pang nilingon ng dalaga ang ginoo. Agad siyang kumaway dito kaya nakangiti naman itong ginantihan ng dalaga.

"Mahal na mahal kita anak, gagawin ko ang lahat maprotiktahan ka lang." Anito sa isip sabay hinga ng malalim. Ng makita niyang umusad na ang yatch na sinakyan nila Ashley ay saka siya umalis sa kinatatayuan. Agad nilang tinungo ang dala nilang sasakyan na naghihintay.

"Hello! boss, nakaalis na po ang dalagang Villanueva at nagpaiwan po si Leynard." Anang lalaking nakamata sa lahat ng kinikilos ni Leynard.

"Okay! Siguradohin niyong hindi na yan sisikatan ng araw. Ayaw kung mayron humaharang sa mga plano ko." Habilin ng lalaki sa kabilang linya. "Sayang at binuhay pa kita, sana sinama na kita sa mga magulang mo ng maglaho sa mundong ito." Ang iiling-iling na ani Romulo sa isip.

Agad na naghanda ang mga taohan ni Romulo para tambangan ang sinasakyan ni Leynard. At walang kamalay-malay sina Leynard na mayrong nagbabadyang panganib para sa kanila. Dahil dalawa ang dala ng mga itong sasakyan ay si Leynard ang sumakay sa sasakyan nilang van samantalang si Nick naman sa toyota corola sumakay.

At habang binabagtas nila ang daan palabas ng lungsod ay parang nakaramdam ng kakaiba si Nick. Kaya tinawagan nito ang mga kasamahan nila para sunduin sila sa daan. At agad naman ang mga ito nagmadaling lumakad.

Patungo ang grupo nila Leynard sa nabili niyang property sa Batanggas. At kampante si Leynard na walang nagbabadyang panganib para sa kanya.

"Men, asintahin niyo ang van at make sure na walang matirang buhay sa mga sakay nito." Anang isa sa mga taohan ni Romulo.

"Copy Narding." Anang isa.

SAMANTALA habang nasa daan sila Leynard ay bigla siyang binigyan ng isa sa mga budyguard niya ng bullet protection na kinakunot noo niya. "Boss! Isuot niyo na lang po. For self protection lang, bullet proof vest po yan." Anang kasama niyang budygurd.

"Bakit?" May pagtatakang tanong nito. "Mayron po kasing sumusunod sa'ting sasakyan, that's why you need this for your safety." Anang budyguard niya kaya agad naman itong tumalima.

The Mistress Revenge(Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!