Chapter 9

11.6K 370 5

RATED SPG:

NAGISING si Ashley nang maramdaman nitong bumabaliktad ang sikmura niya. Kaya dali-dali itong nagtungo ng banyo kahit papungas pungas pa siya. Nang mailabas niya lahat sa loob ng banyo ay hinang hina siyang napaupo sa sahig. Binuksan nito ang shower at duon siya umupo habang bumubuhos ang tubig sa kanyang katawan, parang wala siya sa sarili habag nakababad siya sa ilalim ng dutsa.

Nagising naman si Vince nang maramdaman niyang wala sa kanyang tabi ang dalaga kaya napabalikwas ito ng bangon. Agad niyang narinig ang lagaslas ng tubig sa loob ng banyo at dahil nakabukas ang pinto ay sinilip niya ito. Bigla ito nakaramdam ng kaba ng makita si Ashley na nakababad sa ilalim ng shower habang yakap-yakap nito ang kanyang mga paa. Agad itong nilapitan ng binata at pinatay niya ang gripo para matigil ang shower. Maingat nitong inangat ang mukha ni Ashley. Nahimasmasan naman ang dalaga ng makita niya ang mukha ng binatang puno ng pag-aalala.

"V-vince?"

Walang sagot mula sa binata bagkos ay niyakap nito ang dalaga. Kaya napaiyak si Ashley habang yakap-yakap siya ng binata. Pakiramdam niya ay lagi siyang iniiwan ng mga taong nakapaligid sa kanya. At ang binatang gusto niyang paghigantihan dahil sa isiping ito ang dahilan ng pagkawala ng kapatid niya ay parang gusto niyang pagsisihan ang pinangako nito sa kanyang kapatid.

"Ssshhhh! Enough, don't cry." Anang binata, habang hawak-hawak nito ang mukha ng dalaga.

"Bakit lagi niyo na lang ako iniiwan, malas na ba ako sa inyong lahat?" Anito sa mahinang boses.

"Hey! don't say that, hindi naman kita iiwan. Nandito lang ako." Saad ng binata dito sabay halik nito sa labi ni Ashley.

"You can't do that Vince, may asawa kana." Anito sabay patak ng mga luha niya. Hindi niya mawari kung bakit siya nasasaktan sa isiping may asawa na ang lalaking kaharap niya.

"I don't care kung may asawa ako. Hindi ko naman siya ginusto. Senet'up lang nila ako and hundred percent na ginawa nila yun para makakapit ang pamilya nila sa pamilya namin. Pero, darating din ang araw na mabubunyag rin ang lahat ng gawain nilang bulok." Anang binata na kakikitaan mo ng bagsik ang mukha.

"Anung ibig mong sabihin?" Nagtatakang tanong ni Ashley sa binata, huminga muna ito ng malalim bago nagsalita.

"Ang pamilya ng Cristoval ay kinamumuhian ng aking ama, marami daw itong ilegal na trabaho. Sangkot ang pamilya nila sa mga smugling. But I don't know that before, dahil walang nababanggit ang aking ama tungkol sa pamilya nila,"

"Hanggang ngayon ay hinahanapan ni Dad ng butas ang matandang Cristoval, makulong lang ito at magbayad sa batas. Malakas kasi ang kutob ni Daddy na ang mga Cristoval ang sangkot sa pagkamatay ng kaibigan niya kasama ang asawa nito,"

"Kaya lang malinis magtrabaho ang mga ito, pero pinangako ng aking ama na habang buhay siya ay bibigyan niya ng hustisya ang pagkamatay ng kaibigan niyang si Mr Villanueva at asawa nito." Paliwanag ng binata kay Ashley. Halos hindi makagalaw ang dalaga dahil malinaw pa sa sikat ng araw na ang magulang niya ang tinutukoy ng binata.

"Oh! My God," mahina nitong aniya habang nakamata sa binata. "I think kailangan kung paimbistigahan ulit sa agent ko kung ano ba talaga ang tunay na dahilan ng pagpaslang kina Mommy at Daddy? At kung ano ang tunay na dahilan ng pagkamatay ni ate." Ani Ashley sa isip.

Napansin naman ng binata ang pananahimik niya. Kaya agad itong nag-alala na baka magkasakit ito. Dahil basang-basa na pala ang suot nitong damit.

"Honey. Kailangan mong tanggalin ang damit mo dahil basang basa kana oh!" Ani Vince sa dalaga ngunit wala parin itong imik.

Samantala si Ashley ay malayo ang iniisip nito. Kaya hindi niya namalayang kinakausap pala siya ng binata. Nabalik lang siya sa malalim na pag-iisip ng biglang dumampi sa labi niya ang labi ng binata.

The Mistress Revenge(Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!