Chapter 1

22.7K 462 3

(WARNING: Rated SPG 18+)

ANG bigat ng pakiramdam ni Ashley habang pinagmamasdan niya ang ataol ng kapatid niyang unti-unting binababa sa ilalim ng lupa habang umiiyak. Ang tanging nag-iisang pamilyang mayroon sana siya ay kinuha narin ng Nasa itaas. Para sa kanya ay mahirap tanggapin ang pagkawala ng ate niya.

At ayun sa imbestigasyon ng pulisya ay nagpakamatay ito. At ang suspetsa nila ay dahil sa lalaking minahal niya at tinalikuran siya't iniwan.

"Hija, condolence. Magpakatatag ka dahil nauna lang ang ate mo, ang lahat ng nilikha ng Nasa itaas ay panandalian lang sa mundong ito." Anang tita nitong nakatira sa Canada at umuwi agad ng Pilipinas ng malaman nito ang nangyari sa ate ni Ashley. Tanging tango lang ang ginanti niya dito. Matapos mailibing ang ate ni Ashley ay pinili niyang magpaiwan muna sa puntod nito. Kahit anong gawin niya ay hindi niya maiwasang hindi mapaluha.

"Ate, pati ba naman ikaw ay iniwan na ako." Anito habang hinahaplos ang pangalan ng ate niyang nakasulat at patuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha.

"Humanda sa akin ang dahilan ng iyong pagkawala ate at sisingilin ko ng mahal. Mahal ang nawala sa akin kaya mahal din ang kapalit ng paniningil ko." Anitong sabay balong ng masaganang luha sa kanyang mga mata. At maging ang panahon ay tila nakikidalamhati rin sa kanya dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Ngunit hindi niya ito alintana at hindi niya iniinda ang lakas ng ulan na tumatama sa kanyang balat, kumapara sakit na dinadala ng kanyan puso sa pagkawala ng kanyang ate.

SAMANTALA habang naglalakad papasok sa isang kilalang bar si Vince ay lihim siyang natatawa. Dahil bawat madaanan niya ay napapatingin sa kanya.

"Hey! Bro, saan ka ba galing at ngayon ka lang? Kanina pa ako dito." Ani Bruce kay Vince ng dumating ito sa tagpuan nilang magkaibigan.

"Pasensya kana bro, may tinapos lang ako sa opisina." Sagot nito sa kaibigan na agad umorder ng tequila. "What?" Natatawa nitong tanong kay Bruce na tila hindi naniniwala sa kanya.

"Alam ko na ang likaw ng bituka mo bro,  kaya hindi kapanipaniwalang nalate ka dahil busy ka sa work." Natatawa nitong aniya na kinailing ni Vince.

"Bahala ka." Natatawa nitong aniya. At habang nag-iinumam ang dalawa ay bigla silang nilapitan ng isang babae.

"Hi baby. Do you wanna come with me tonight?" Mapang akit na anang babae sa kanya na sa tanya ng dalawa ay isa itong Korean kung hindi ay Chinese. At dahil kay Vince ito nakatingin ay natawa na lang sa kanya si Bruce.

"Sure baby." Pilyo nitong sagot. "Tangina mo Del Rio, kahit sino pinapatos mo." Ani Bruce kay Vince sabay simsim nito sa hawak na basong merong lamang whisky.

"Bro, palay na ang lumalapit sa manok bakit hindi mo pa tukain. Kapag hindi mo pa tinuka yan, baka makawala pa at iba ang tutuka." Anitong nakangisi sa kaibigan.

"Gago, sige na lumayas kana at baka mainip yang babae." Pagtataboy ni Bruce sa kanya na agad namang tumayo at agad niyang hinapit sa baywang ang babae.

"Let's go baby," anito. "By the way, what's your name?" Maya ay tanong niya sa babae.

"Oh! I'm Sukkie from Japan." Pakilala nito kay Vince. Napatango naman siya akala niya kasi kanina ay taga Korea ito o di kaya ay China.

"Nice to meet you Sukkie. I'm Vince." Pakilala naman niya sa babae.

"Oh! It's my pleasure to meet you Vince." Anito kay Vince at gaya ng dating gawain ng binata ay dinala niya si Sukkie sa kanyang condo unit.

"Please, feel at home baby." Ani Vince sa babae at agad siyang kumuha ng dalawang glass of wine at nagsalin siya doon ng wishkey. At agad naman niyang inabot ang isang baso kay Sukkie. Habang nakaupo ito sa couch na nakadekwatro ay kita ang makinis nitong mga hita.

The Mistress Revenge(Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!