Chapter 21

9.4K 293 4

HABANG kaharap ni Ashley at Vince ang ginoo ay makikita mo sa mukha nito ang kalungkutan ng marinig niya ang dating kaibigan. Ilang taon na ang lumipas ngunit wala parin nakukuhang hustisya ang mga ito. Dahil gamitin man niya ang lahat ng kuneksyon niya ay alam niyang hindi parin iyon sapat.

"So, paano kita matutulongan hija?" Pag-iiba nito ng usapan at agad itong nagseryuso ng mukha.

"Ito po ang ilang mga documents na magpapatunay po sa mga illegal transactions ni Mr. Cristoval. At ito naman po ang CD copy when he kill my grandparents, my Dad's parents," ani Ashley sa ginoo. "At isa pa po ay inutusan ko na ang kaibigan kung lawyer na magsumiti sa korte ng court appeal, para po mabuksan ulit ang case tungkol sa Villanueva and Villarde murder case." Anito sa kay ginoong Del Rio.

"Ibinibigay ko lang po yan sa inyo dahil hindi ko naman po alam kung anong tulong ang hihingin ko sa inyo. Kaya, kayo na po ang bahala. I know matalik niyong kaibigan si Daddy Arthur. Kaya inimform ko kayo about this." Saad nito.

"Napaka walang hiya talaga ng Romulo Cristoval na yan," anang ginoo na iiling-iling sabay hinga niya ng malalim. "Don't worry hija dahil kasama mo ako sa laban mo. And I have my own way para maningil sa kanila." Anito kay Ashley.

"Thank you po."

"At sa tingin ko kailangan mong mag-ingat mula ngayon hija. Dahil hindi natin alam kung ano ang plano nila para sa'yo. Siguradong ikaw ang isusunod nilang pupunteryahin." Anang ginoo.

"Wag po kayong mag-alala, dahil kaya ko naman po ang sarili ko." Ani Ashley sa ginoo. "Pero kailangan mo parin mag-ingat hija." Paalala ng ginoo sa kanya.

"Don't worry Dad. I'm here, hindi ko naman po siya pababayaan." Sabat ni Vince sa usapan ng dalawa.

"Mabuti naman kung ganon hijo, alam mo namang tusong kalaban ang isang Romulo Cristoval." Ani Mr. Del Rio. "Pero hindi niya alam kung ano ang kayang gawin ng isang Vince Del Rio Dad." Makahulugan nitong aniya sa ama.

SAMANTALA nakapamaywang na hinarap ni Ederlyn si Mark sabay arko ng kilay nito. "Hoy! Impakto, don't tell me na kahit dito sa unit ko ay makikitulog ka?" Ang pagalit na ani Ederlyn kay Mark.

"Oo, alangan sa labas ako matutulog." Ani Mark dito, magsasalita pa sana si Ederlyn ng biglang tumunog ang tawagan ng binata. Agad naman sinagot ni Mark ang tumatawag.

"Hello! Napatawag po kayo Yaya?" Anito sa kausap.

"Hijo, gusto ka kasing makita ng ama mo." Anang yaya ni Mark sa kabilang linya.

"Bakit po, anong kailangan niya?" Kunot noo niyang tanong. "Hindi ko alam, hijo?" Sagot ng nasa kabilang linya. Napabuntong hininga naman si Mark.

"Ya, pakisabi po sa kanya na busy ako sa trabaho ko. At isa pa nandyan naman po ang asawa niya. Kaya wala akong oras ngayon para harapin siya." Ani Mark. At habang nakikipag usap ito ay nakamasid lang si Ederlyn sa kanya at base sa kinikilos ng binata ay mayron itong pinagdadaanang hindi niya mabasa.

"Sige po, Yaya! kailangan ko na pong patayin ang tawagan, may importante pa po akong ginagawa." Ani Mark sa kausap. At walang nagawa ang kausap niya ng patayin na ni Mark ang tawagan. Agad namang ibinulsa ng binata ang tawagan nito sabay hilamus niya ng mukha.

"May problema ba?" Ani Ederlyn, sabay upo nito sa katabing couch, kung saan nakaupo si Mark na hinihilot ang sintido habang nakapikit ang mga mata. Agad naman itong napatingin sa nagsalitang si Ederlyn.

"Huh! Wala napatawag lang si Yaya, gusto daw akong makita ng akin ama." Anito.

"Eh! but ayaw mo siyang puntahan?" Curious nitong tanong sa binata. "Hindi pa ako handang harapin sila." Anito sabay buga ng hangin na muling hinilot ang sintido. At dahil sa tinuran ni Mark ay hindi na muling inusisa pa ito ni Ederlyn.

The Mistress Revenge(Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!