Chapter 23

11.1K 325 1

MASAYANG umuwi ang mag amang Jelouh at Romulo galing airport. Kagagaling lang ng mag-ama sa isang business trip sa Los Angeles California. Nasa bandang likuran silang mag-ama at sa harap ang isa sa mga bodyguard nila at ang driver nila.

"Dad that was great. Isang negosyo na naman ang na close natin. Meaning we are going stronger and more money comes along." Ani Jelouh.

"Ako pa anak, kayang kaya ko iyan para sa ikalalago nang ating negosyo." Sagot nito sa anak.

"I believe on that Dad," pagsang ayun nito sa ama. "So, saan po tayo ngayon tutuloy sa mansiyon po ba?" Maya ay tanong nito sa ama.

"Bakit may pupuntahan ka ba?" Tanong rin ng kanyang ama sa kanya. "Wala po. Pero, gusto kung umuwi muna kasi sa condo ni Vince. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita." Sagot nito.

"Wag ka muna pumunta doon, dahil may dapat muna tayong tapusin sa probinsiya___

"Boss, pasensiya na may humarang sa dinadaanan natin." Hinging paumanhin ng driver. Dahil sa muntikang pagkauntog ng mag-ama dahil sa biglang pag preno nito.

"Larry, lumabas ka at tingnan mo kung sino ang mga iyan." Utos nito sa kasama nilang bodyguard.

Agad namang lumabas ito at ng makilala niya kung sino ang mga ito ay agad siyang sumenyas sa mga ito. And as they planned he did his part.

"Bo-boss mga kala___

Hindi nito natapos ang sinasabi ng walang babalang itulak siya ng lalaking kilalang kilala niya ang likaw ng bituka. Agad binuksan ng lalaki ang pintuan sa bandang kaliwa ng sasakyan kung saan nakaupo si Romulo. Agad niya itong hinablot palabas ng sasakyan at tinutukan ng baril sa ulo.

"V-vince, what's the meaning of this?" Biglang tanong ni Jelouh kay Vince na siyang humablot kay Romulo palabas ng sasakyan.

"Do I need to answer your question?" Matigas nitong tanong kay Jelouh. Lihim naman itong natakot lalo pa at wala siyang makitang emosyon sa mukha ni Vince.

"Honey. Kung ano man ang problema natin ay let's talk about it. So, please put the gun down." Pakiusap niya sa binata.

"Shut up," sigaw nito. "Hindi bagay sayo ang magmakaawa. Dahil halang naman ang kaluluwa niyong mag-ama. Hindi nga naawa ang ama mo sa mga taong pinatay niya." Ang pasigaw na ani Vince sabay diin niya kay Romulo sa gilid ng sasakyan kaya bahagya itong napaigik.

"How dare____

"Yes, how dare I am dahil nagpabilog ako sa inyo, pero salamat pa rin. Dahil doon natuklasan ko ang katutuhan tungkol sa kademonyuhan ninyong mag-ama." Anitong kinatigil ni Jelouh.

"Men take them and let's go, the chopper is waiting for us." Mando niya sa mga ito.

Naalarma naman si Romulo. Dahil dito ay nagtangka siyang lumaban pero sipa at suntok lamang ang nakuhang sagot.

"Letse kang matanda ka papahirapan mo pa ako." Ani Nick.

"Kasama mo sila?" Gulat nitong tanong kay Nick na agad ngumisi. "You're fucking bastard, ahas ka palang hayop__

"Ikaw ang hayop Romulo. Dahil isa kang ganid sa kayamanang hindi naman sayo." Singhal dito ni Nick.

"Vince. help me help!" Sigaw ni Jelouh nang pakaladkad siyang ipinasok nina Melody at Larry sa chopper. "Vince. I'm your wife. How dare you for doing this to me." Pasigaw nitong aniya kay Vince.

"Hoy! Tangna mong babae ka, manahimik ka kung ayaw mong ipagahasa kita sa kasama ko." Singhal ni Melody dito.

"Tsk! She's not my type, baka ikaw puwedi ko pang pagtiisan." Sagot dito ni Larry na kinatawa nilang lahat. "In your dreams Larry, dahil hindi tayo talo." Sagot naman nitong diniinan ang pagkakahawak kay Jelouh.

The Mistress Revenge(Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!