Chapter 33

12.4K 296 17

{THE FINALLE}

["Bawat pagsubok ay may katapusan. Sa pagkadapa ay muling bumangon, masalimuot man ang ating dinanas ay muli nating harapin ang panibagong pag-asa. Ang madilim na kahapon ay muling sisikatan ang liwanag. Sa pagsibol ng bukang liwayway ay kasabay nito ang panibagong yugto ng ating buhay."]

HABANG nasa loob ng banyo si Ashley ay natatawa itong pinapakinggan ang asawa niyang natataranta. Hindi nito alam kung paano patatahanin ang anak nilang lalaki.

"Oh! budy, wag kana umiiyak." Alo ni Vince sa anak. Ngunit wala parin itong tigil sa kakaiyak. Mas lalo itong nataranta ng umiyak ang isa. Dahil sa kakaiyak ng anak nilang lalaki ay nagising ang tulog nilang anak na babae.

Nang manganak nga si Ashley ay tama ang hinala ng ina nitong kambal ang pinagbubuntis niya. At pinangalanan nila itong Aeron Vince and Amarah Valene.

Dahil sa walang tigil sa kakaiyak ang kambal ay agad na lumabas ng banyo si Ashley. At doon nakita nito ang asawang hindi alam kung sino sa kambal ang papatigil sa pag-iyak.

"Oh! Yan ba ang gagawa ng isang basketball team. Dalawa pa nga lang yan ay natataranta kana." Ani Ashley sa asawa. Napakamot naman ng ulo si Vince dahil sa tinuran ng asawa niya.

Agad kinuha ni Ashley sa kuna si Amarah at ibinigay kay Vince. "Si baby Amarah ang patahanin mo." Utos ni Ashley kay Vince. Agad naman itong kinuha ng asawa niya at sabay karga niya dito.

Si baby Aeron naman ay agad itong tiningnan ni Ashley kung basa ba ang diaper nito. Ganun kasi ito, kapag basa ang diaper ay bigla na lang iiyak.

"Kaya pala umiiyak ang baby boy namin ay dahil basa ang diaper. Pero si Daddy hindi marunong magpalit ng diaper ni baby Aeron." Ani Ashley na nakangiti sabay binalingan niya ng tingin ang asawang natatawa rin. Habang karga naman ni Vince si baby Amarah ay muli itong nakatulog.

"Napaka good girl ng baby princess natin honey." Ani Vince na hindi hinihiwalay ang mata sa anak.

"At itong si Aeron, wag lang sana niya manahin ang pagkawomanizer mo noon honey." Ani Ashley habang pinapalitan niya ng diaper si baby Aeron.

LUMIPAS ang araw, buwan at taon. Magkasamang itinaguyod ni Vince at Ashley ang mga anak nila. Ang ilang kumpya ng mga Villanueva at Villarde ay pinamamahalaan na ito ng mga inaanak ni Leynard. Samantala ang mag-asawang Leynard at Aira ay ginugol nila ang kanilang panahon sa paglibot ng buong Europe. Gustong bumuo ni Leynard ng bagong alaala kasama ng babaeng mahal niya.

"Hey! honey, bakit ba iniiwasan mo ako huh!" Ani Dwayne kay Amarah.

Bigla namang pinaksi ng labing pitong taong gulang na si Amara ang kamay ni Dwayne. "Don't ever touch me. And please stop calling me honey, your not my boyfriend." Pagmamaldita niya dito.

"Talaga, e paano kung gusto kitang maging girlfriend." Nakangisi nitong turan sa dalaga.

"Leave me alone asshole. Wala ka bang magawa sa buhay mo at ako ang binubweset mo Dwayne. Pwedi ba doon kana lang sa mga fling girlfriend mo." Nakapamaywang na ani Amarah.

"I don't need them and one more thing I don't want them. You, your the one I want. Touching your body and kissing your pinkies lips, making me bonner over there." Ani Dwayne na kinalaki ng mata ni Amarah.

Saktong hahawakan ni Dwayne si Amarah ng may humawak ng kwelyo ng damit nito. "Try to say that again with my sister or I swear I'll kick your damn fvcking ass asshole." Ani Aeron na galit ang mukha.

"I-i I'm just kidding." Takot nitong saad kay Aeron. All student in there university scared with Aeron Vince. Kilala itong badboy sa murang edad. At wag lang binabastos ang kakambal niya dahil mababasag talaga ito ng mukha.

The Mistress Revenge(Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!