Chapter 4

13.4K 341 0

HINDI alam ni Vince kung ano ang gagawin niya sa babaeng natutulog sa passenger seat ng kotse niya. Nakahawak ito sa manibela ng kotse niya habang nag-iisip, hanggang sa napagpasyahan niyang pakyalaman ang gamit ng babae. Agad nitong dinamput ang pouch ng babaeng mahimbing ang tulog at agad niya itong binuksan ngunit sa kasamaang palad ay tangin phone, susi at kunting cash money lamang ang laman nito. Kaya agad nitong inilabas ang phone nito at bubuksan na sana niya ng biglang 'battery empty.'

"Anak ka ng." Naisatinig nito sabay buga ng hangin. Dahil sa wala siyang makuhang sagot sa babae kung saan niya ito ihahatid ay napagpasyahan nalang niyang dalhin na lamang ito sa condo unit niya.

Ng marating ng sasakyan niya ang parking lot sa harap ng malaking gusali kung saan ang condo unit niya ay agad siyang bumababa at binuhat niya ang babae. Nangingiti nalang siya dahil sa tingin niya ay nasa 5'5 or 5'6 ang tangkad nito at katamtamang laki ng katawan ngunit ang gaan naman.

"Kumakain pa ba ang babaeng ito?" Tanong nito sa sarili na naiiling habang buhat-buhat niya ito. Agad nitong binuksan ang kanyang condo unit ng marating nila ito at agad pumasok sa loob. Pagkapasok nila sa loob ay biglang umungol ang babae sabay nagsalita.

"Bakit lahat nalang kayo ay iniiwan ako, ang daya niyong lahat. Lagi nalang ako ang napag-iiwanan, lagi nalang ako mag-isa. Ayaw niyo ba sa akin?" Anito habang nakapikit ang mga mata.

"And hey! I'm Ashley and no one's care about my feelings. All of you, your leaving me behind." Muli ay anito kasabay ng luha nitong umaagos sa kanyang pisngi.

Hindi naman malaman ni Vince kung ano ang ibig sabihin ni Ashley. Kaya dali-dali niya ito pinahiga sa kanyang kama at dito tumambad sa kanya ang maamong mukha ng dalaga ngunit halatang may mabigat itong dinadala. Bigla tuloy nakaramdam ng habag ang binata rito lalo pa't nakita nito ang isang butil ng luhang kumawala sa mata ng ni Ashley. Ng makita ng binatang tulog na ulit si Ashley ay bahagya niyang pinunasan ang butil ng luhang pumatak sa pisngi ng dalaga gamit ang kanyang hintuturo. Pagkatapus niyang pagmasdan ang payapa ng natutulog na si Ashley ay agad niya itong kinumutan at agad siyang nagtungo sa bathroom para maligo.

Pagkatapus niyang maligo ay agad siyang lumabas ng bathroom na nakatapis lang ng towel. Bahagya niyang tingnan si Ashley na nakatagilid na itong natutulog sabay ngiti niya. Agad na kinuha ni Vince ang isang unan at ipinayakap niya ito kay Ashley dahil nakatagilid itong nakahiga habang nakapamaluktot kaya muli niya itong inayos sa pagkakahiga.

Dakilang womanizer man siya ngunit hindi naman siya mapagsamantala ng mga babaeng inosente. Ang sa kanya ay kung sino ang kusang lumalapit sa kanyang mga babae para paligayahin siya ay hindi niya ito tatanggihan. Ngunit ang inosenting tao gaya ni Ashley na natutulog sa kanyang kama ay hindi niya kayang pagsamantalahan ito. Matapus niyang maisaayus muli ang pagkakahiga ng dalaga ay agad na siyang nagtungo sa lalagyan niya ng mga damit. Nagsuot siya ng boxer short at white pants na pinarisan niya ng black sando. Ng makapagbihis siya ay agad niyang kinuha ang isang unan at kumot. Agad nitong tinungo ang folded couch niya at dun siya nahiga.

KINABUKASAN maagang nagising si Vince at agad siyang bumangon. Bahagya niyang sinipat si Ashley sa kanyang kama at nakita niyang tulog parin ito kaya agad siyang pumasok sa loob ng banyo para sa morning retwal nito. Ng makalabas siya ng banyo ay agad siyang nagtungo ng kusina at naghanda ng breakfast.

Nagising naman si Ashley na masakit ang kanyang ulo dahil sa hangover. Maging sikmura nito ay kumakalam narin, saka lang nito naalala na hindi nga pa pala siya kumain ng dumaan siya ng CZ's bar.

"Aray ko," daing nito sabay sapo niya ng ulo. "teka nasaan ako? Hindi ko naman ito kwarto?" Nagtataka nitong tanong sa sarili ng igala nito ang paningin sa loob ng kwarto. Sakto namang pumasok si Vince sa loob ng kwarto niya.

The Mistress Revenge(Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!