Chapter 17

10.4K 321 1

Pasensya na po kayo kung may mga wrong typo at grammar. Thank you po

HABANG nagkukukwentuhan sina Ashley ng bigla itong magtanong kay ginang Lourdes. "Nana, sa makalawa na po ang birthday niyo. Saan niyo po gustong magbakasyon?" Tanong ni Ashley dito sabay yakap niya sa matanda.

"Hija kung hihiling ba ako sa'yo ay pagbibigyan mo ba ako?" Sa halip na sagutin niya ang tanong ni Ashley sa kanya ay nagtanong siya sa dalaga.

"Oo, naman po basta po ba kaya kung gawin." Anito sa matanda.

"Okay! Dahil gusto ko hija sa kaarawan ko ay pupunta tayo sa tabing dagat." Anito kay Ashley.

"Game po ako dyan, kaya nga po tinapus ko ang mga papeles na dapat kung permahan sa opisina para masamahan kayo sa kaarawan niyo." Saad nito sa matanda.

Kaya sinabi ng matanda kung saan niya gustong magtungo at sa isang private island ang napili nitong puntahan na lingid sa kaalaman ni Ashley ay pag-aari ito ni Leynard.

"Dad, bakit po ayaw niyong sumama?" Maya ay ani Ashley kay Leynard.

"Baby busy kasi si daddy sa opisina, kaya hindi ko ito maiwan iwan sa ngayon. But don't worry dahil nandyan naman sina Mark at kuya George para samahan kayo." Ani Leynard dito.

"Okay!" Anito kay Leynard ngunit naging malungkot naman ang boses nito. Hindi maipaliwanag ni Ashley kung bakit siya nakaramdan ng lungkot ng marinig nitong hindi makakasama sa kanila si Leynard. At ng mapansin naman ito ni Leynard ay agad niyang inakbayan si Ashley.

"Baby don't be sad, kung matapos ko agad ang trabaho ko ay susunod agad ako sa inyo dun." Anito kay Ashley kaya agad namang nagliwanag ang mukha ni Ashley ng marinig ito.

"Talaga, Dad?" Ang nakangiti nitong paniniguro sa ginoo. "Yes! baby." Sabay halik ni Leynard so noo ni Ashley.

SAMANTALA nagkaayaan naman ang magkakaibigan na Vince, Bruce, Jude, Troy, Geon at Nick na magbar hopping sila sa CZ's bar. Kaya kinagabihan ay nagtungo silang magkakaibigan sa tagpuan nila. At naunang dumating doon sina Bruce, Troy, Jude at Geon.

"Hays! Ang hirap ng may mga asawa. Dahil kailangan pa ng matagal na paliwanagan bago makawala sa asawa." Ani Troy sa mga kasama niya na siyang narinig ni Nick.

"Langya kayo, hindi ganun ang fiance ko. She's a nice girl, kaya nga mahal na mahal ko yun." Ani Nick sa kanila. Kaya nagkatawanan ang mga ito dahil sa tinuran ni Nick.

"Mukhang nagkakasayahan na kayo dito?" Anang bagong dating namang si Vince.

"Oh! Mabuti naman at nakarating kana bro. Akala namin ay nagpapaliwanag ka parin hanggang ngayon sa asawa mo payagan ka lang na umalis." Ani Geon na nakangisi kay Vince.

"Tangna mo. Hindi nga ako umuiwi doon e. Sa ibang bahay ako nakikitulog." Anitong nangiti.

Napailing na lang ang mga ito sa kanya bago sila umorder ng maiinum nila. At habang nagkakatuwaan ang magkakaibigan sa mesa nila ay bigla silang linapitan ng isang babae at agad itong nagpakandung kay Vince.

"Hi. Babe, how are you? Do you wanna come with me?" Mapang akit nitong anya kay Vince.

"I'm sorry. I can't because I have to finish my work later." Agad nitong tanggi sa babae na ipinagtaka ng mga kaibigan niya. Dahil sa unang pagkakataon ay tumanggi ito. Sumimangot naman ang babaing nagpakandung kay Vince at agad itong tumayo sabay martsa nito paalis sa table nila Vince.

"Bro, may lagnat ka ba?" Ani Jude dito sabay hawak nito sa noo ni Vince. "Langya ka bro, wala akong sakit." Anito kay Jude sabay iwas niya sa kamay nito ng tangkain nitong salatin naman ang leeg niya.

The Mistress Revenge(Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!