Chapter 13

11.7K 328 12

{Father and Daughter}

NAPABALIKWAS ng bangon si Leynard ng may biglang tumalon sa kanyang kama sabay sigaw nito ng sunog. Ngunit ng mabungaran nito si Ashley sa isang sulok na naka peace sign ay agad itong natawa sa kalukuhan ng anak. "Silly girl." Anitong nangingiti sabay kamot ng ulo.

"Dad, sorry po. Hindi po ako ang salarin si kuya George po at kuya Mark." Anito sabay turo kay Mark na dali-daling umalis na natatawa.

"Luko talaga sila, halika ka nga dito anak at payakap si daddy." Ani Leynard kay Ashley at agad naman lumapit dito si Ashley at yumakap. "Do you eat your breakfast?" Tanong nito kay Ashley bahagya naman itong umiling bilang sagot.

"Mmmm. Gusto mong ipagluluto na lang kita ng breakfast mo?" Anito sa dalaga at napaangat naman ng tingin kay Leynard si Ashley.

"Wow! talaga po?" Paniniguro niya dito, na-excite tuloy siya sa narinig Leynard. "Ipagluluto niyo ako ng breakfast?" Saad pa nito.

"Yeah. Just for my Princess and I'll make here delicious breakfast." Anito kay Ashley.

"Okay! Dad. I'm excited kaya hihintayin kita down stair." Anito at hinalikan pa niya sa noo si Leynard bago niya iniwan itong nakangiti.

Dali-dali naman pumasok sa loob ng banyo si Leynard. Dahil sa excited siyang ipagluto ang anak niya. Si Ashley naman ay kay lapad ng ngiti niya, excited na siyang matikman ang ihahandang breakfast sa kanya ng daddy Leynard niya.

"Ganun pala ang feeling ng may tinatawag kang Daddy at masyado itong caring sa'yo and take note ipagluluto ka niya ng breakfast mo. Ang sweet ng bago kung Dad," nakangiti nitong aniya. "Sana siya na lang naging Dad ko." Anito na biglang nalungkot dahil naalala na naman ang sinapit ng magulang niya noon.

"Oh! baby, why you look sad?" Tanong ni George dito ng makalapit siya sa mga ito. Kaya agad naman siya nabalik sa malalim na pag-iisip.

"H-huh! Wala. Namiss ko lang ang Dad ko. Pero masaya na ako ngayon because I have a new Dad at napakabait niya sa'kin gaya ng namayapa kung ama." Anitong nakangiti na siyang naratnan ni Leynard. Kaya narinig nito ang tinuran ni Ashley kaya agad itong lumapit sa mga ito at hinawakan niya sa ulo si Ashley at hinalikan sa buhok.

"Don't be sad any more Princess, dahil magiging ama ako mula ngayon till my last breath." Anitong nakangiti kay Ashley. "Okay! Boys prepared the kitchen. Dahil ipagluluto natin ang ating prinsesa dito." Ani Leynard na nakangiti sabay halik nito sa noo ni Ashley. Kaya napayakap ang dalaga sa ginoo at sabay hilig nito ng ulo sa bandang tiyan ni Leynard dahil akaupo ito at nakatayo naman ang ginoo.

"Tito. Ano pong lulutuin natin?" Tanong ni Grorge kay Leynard na sinapak naman ni Mark.

"Labas mo ang mga sariwang gulay sa ref at isasahog natin, mayron tayong chicken and fish, yun ang lulutuin natin. Dahil itong bunso ay kailangan niya ng more protein para tumaba naman siya." Ani Mark kay George. Napahagikgik naman si Ashley sa kalukuhan ng dalawa.

"Kuya, hindi na ako tataba ah! At kapag tumaba ako, baka pumangit na ako." Kunwa'y nakasimangot nitong aniya na nakayakap parin kay Leynard. "Dad, love mo parin po ba ako kahit pumangit ako?" Wala isip na tanong niya dito at kumalas sa pagkakayakap kay Leynard sabay tingala niya sa ginoo.

"Of cours your still my Princess even you are the fat ugly duckling," anito. "Pero yun ang hindi mangyayari ang pumangit ka. Because they said father and daughter look a like." Sabay kindat nito sa anak na kinatawa nilang lahat. We'll that's true, kung ikaw ba naman ang mayrong daddy na kamukha ng hollywood actor na si Hugh Jackman, katawan pa lang ay nganga na ang mga kababaihan.

"Tito. Wala naman po atang kumakain ng heavy meal sa umaga." Ani Mark na napakamot ng ulo. Napakamot na rin ng ulo ang ginoo. Dahil kahit kailan itong dalawa niyang inaanak ay minsan mga isip bata parin kung umasta. But he love this two men of him. Paano nga ba niya nakilala ang dalawang ito?

The Mistress Revenge(Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!