Chapter 7

12.3K 351 4

GAYA ng napagkasundoan ni Vince at Ashley ay hinatid siya ng binata sa bahay ng kaibigan nito kung saan niya naiwan ang kotse. Matapus maihatid ni Vince ang dalaga ay sumaglit muna siya sa bahay ng magulang para alamin ang plano nito tungkol sa mga Cristoval.

"Hi Mom. Where is Dad?" Bungad nito sa inang nakaupo sa kanilang sala. "Nasa library hijo." Anang ina nito.

"Okay. Kausapin ko muna siya Mom." Sabay tungo nito sa library kung saan ang ama.

"Tok tok"

Katok nito sa pinto ng library. "Bukas yan." Anang ginoo sa loob, kaya agad niyang pinihit ang seradura ng pinto at tinulak yun papasok.

"Hi Dad." Anito sa ama pagkapasok. "Oh! Son, ikaw pala?" Anang Ginoo sa binata.

"Ano pong balita Dad about the Cristoval?" Agad nitong tanong sa ama.

"Naihanda ko na ang lahat hijo, bukas ang kasal niyo. Ako na ang kumuha ng judge na magkakasal sa inyo. Don't worry everything well be fine. Just give me a time para ako mismo ang lumayo sa pamilyang yan sa pamilya natin. But not yet now." Anang Ginoo sa binata.

"Okay Dad. I trust you." Anito sabay tayo niya. "Sige po Dad. I have to go. Pupunta pa kasi ako sa house nila Jude, birthday niya ngayon" Anito sa ama. Tumango lang ang ama nito sa kanya bilang tugon.


PAGDATING ni Ashley sa mansyon nila ay agad siyang sinalubong ng nag-aalalang mukha ng yaya nito. Kaya bago pa ito makapagsalita ay niyakap na niya at hinalikan ang matanda.

"I'm okay Nana. So, please stop worrying about me." Anitong nakangiti sa matanda. "Ikaw bata ka, pinag-aalala mo ako. Dalawang gabi kana hindi natutulog dito sa bahay." Anang matanda sa kanya.

"Nasa bahay ako ng friend ko po natulog, at promise po okay lang ako. Kaya wag na po kayo magworry pa sa'kin." Paglalambing nito sa matanda.

"Oh! siya, alam kung hindi ako mananalo sa'yo. Kumain kana ba?" Pagsuko nito kay Ashley.

"Opo. kumain na ako, sige po akyat lang po ako sa kwarto ko." Anito sabay halik niya sa matanda at nakangiting iniwan niya ito. Naiiling nalang ang matanda sa inasal ng dalaga.

Pagkapasok niya sa kanyang silid ay agad siyang pumasok sa loob ng banyo at nagmadaling maligo. Nang matapus siya ay agad niyang tinuyo ang basang buhok gamit ang hair blower. Matapus niya itong tuyoin ang buhok ay agad siyang naghanap ng simple dress na maisusuot niya. Ng makita nito ang light brown lace-tie dress na hanggang tuhod ang haba ay agad niya yun kinuha at isinuot agad. Pinarisan niya ang suot na dress ng dark white beaded pump. At habang nag-aayus siya ay biglang tumunog ang tawagan niya.

"Hey! Sleeping beauty, I'm on my way, be ready."

Basa nito sa message ni Vince kaya dali-dali na siyang nag-ayus at nagbihis. Saktong natapus siyang mag-ayos ay siya namang pagtunog ng tawagan niya. At ng tingnan niya ito ay si Vince na tumatawag kaya agad niya itong sinagot.

"Hello."

"I'm here. Hihintayin kita dito sa labas ng house niyo." Anang binata sa kabilang linya. Kaya bahagyang sinilip ni Ashley ito sa bintana ng silid niya. At doon ay natanaw nga niya ang kotse ng binata.

"Okay! Just a minutes and i'll be there." Sabay patay nito ng tawagan. Agad nitong dinampot ang diamante satin clutch niya at sinukbit sa kanyang balikat bago lumabas ng silid niya. Nang makita niya ang kanyang yaya ay agad siyang humalik muna dito.

"Aalis po ako Nana, but don't worry I'll promise na uuwi po ako ng bahay mamaya." Anito sa matanda at dali-daling lumabas ng bahay. Agad itong nagtungo sa labas ng mansyon nila kung saan naghihintay ang binata.


The Mistress Revenge(Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!