Chapter 31

10.7K 258 2

{THE WEDDING}

MATAPUS ang mahabang paghahanda sa kasal nila Vince at Ashley ay finally natapus rin ang paghahanda dito. The place, venue, church, sponsors and so much more is ready.


Kaya habang nakatingin si Ashley sa harap ng salamin ay bigla itong napangiti ng makita niya ang Mommy at Daddy niyang lumapit sa kanya. Yes, after all ang mommy niya ay tuluyan ng gumaling. Wala man itong naalala sa nakaraan niya ay masaya na sila ng daddy niya dahil kahit papaano ay nabuo parin sila.

Agad na ipinulupot ni Leynard ang dalawang kamay sa baywang ni Ashley at ipinatung nito ang mukha sa balikat ng anak. "You really like your mom baby. So, beautiful," anito sa anak. "Thanks God for giving me this two girl in my life." Ani Leynard sa isip.

"Of course may pinagmanahan kasi ako Dad." Ani Ashley na nakangiti. "My God. My grandchild is moving baby." Anang ginoo ng maramdaman nitong biglang gumalaw ang nasa tiyan ni Ashley. "Hon, gumalaw ang apo natin." Ang nakangiting ani Leynard ng binalingan niya si Aira na nakangiti.

"Binabati ka ng mga apo mo." Ani Aira na nakangiti sabay halik niya kay Ashley. "Your beautiful, baby." Saad nito sa anak.

"Thank you Mom, nagmana lang po ako sa'yo." Ani Ashley sa ina. "Oh! Wait Mom, you say something. Do you think that my baby is twins?" Ang nakangiti nitong tanong sa ina.

"Yes baby. Napapansin ko kasi ang laki ng tiyan mo kahit naka five months pa lang ito." Ani Aira. Kahit pwede ng ipa ultrasound ang ipinagbubuntis ni Ashley ay pinili nila ni Vince na wag ng ipa ultrasound ito. Para surprise daw anang dalawa. Sabi naman kasi ng doctor ni Ashley na normal at malusog ang ipinagbubutis niya kaya wala silang dapat ikabahala.

Agad na hinalikan ni Leynard ang mag-ina niya. Walang pagsidlan ang kanyang saya mula ng makapiling niya ang dalawang babae sa buhay niya. Ang babaeng minahal niya noon at mamahalin niya hanggang sa huli niyang hininga. At ang ipinagkaloob sa kanilang magandang sumpling na sumimbolo ng kapusukan nila noong una silang magkita at nauwi sa pagmamahalan. Na ngayon ay ihahatid nilang mag-asawa sa araw ng kanyang kasal. Yes! Leynard and Aira got married in sibil matapus nitong gumaling.

"Let's go, baka naiinip na ang groom sa simbahan." Ani Leynard sa mag-ina niya. Inalalayan nitong maglakad si Ashley at si Aira naman ay hinawakan nito ang gown ng anak.

HABANG naghihintay sa loob ng simbahan sina Vince ay hindi ito mapakali. Panay tanaw nito sa bukana ng pinto kung dumating na ba si Ashley. Napapailing na lang ang mga kaibigan niya sa kanya.

"Hays! Bro, pwede ba relax ka lang. Darating yun, hindi yang para kang pusa na hindi mapaanak." Sita ni Bruce sa kaibigan. Ang mga kaibigan naman nila ay natatawa sa kanya. Agad naman itong tinapik ni Troy sa balikat.

"Relax ka lang bro, darating yun. Hindi yun tatakbo, pinalubo muna nga e. Alanganing tatakas pa yun." Ani Troy na nakangisi.

"Mga gago talaga kayo, ewan ko ba kung bakit naging kaibigan ko kayong lahat." Iiling-iling nitong turan sa mga kaibigan na nginisihan lang siya.

"Bro, relax ka lang kasi. On the way na daw sila, sabi ni Mark." Aniya naman ni Jayson.

"Hindi ko alam na ganito pala ang feeling kung ikinakasal. Kaya naman pala kung ikasal ang tao ay dapat isang beses lang. Nakaka tense." Ani Vince na kinatawa lalo ng mga kaibigan niya. "Sige, tawanan niyo pa ako lalo at kapag kayo ang kinakasal ay tingnan lang natin kung hindi kayo magaya rin sa nararamdaman ko ngayon." Anito sa mga kaibigan niya.

"Oh! umayos na kayo at nandyan na ang bride." Anang baklang coordinator ng kasal nila.

Entourage......

The Mistress Revenge(Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!