Chapter 15

10.8K 327 2

MATAPUS habilinan ni Leynard si George at Mark ay agad na lumakad ang mga ito upang samahan ulit si Ashley patungong opisina niya. At si Leynard naman ay nakapag decesion na ito, kailangan niyang mailayo ang anak bago pa siya maunahan ni Romulo. At isang tao lang ang alam niyang makakatulung sa kanya, kaya agad siyang lumabas ng kanyang bahay at agad niyang tinungo ang maliit na pintong nagdudugtong sa pagitan ng bahay niya at bahay ng mga Villanueva. Agad niyang nakasalubong ang isa sa mga katiwalang pinapasok niya sa bahay ng mga Villanueva.

"Nasa likod bahay po siya, sir, sa kabilang bahagi ng mansyon." Anito kay Leynard.

"Thanks Melody." Anito dito at agad niya tinungo kung nasaan ang sadya niya.

Ang lahat ng kinuhang magbabantay ni Leynard sa anak niya ay sinigurado niyang mga professional agent ang mga ito kung magtrabaho.


Ng marating niya ang kinaroroonan ng sadya niya ay agad niya itong nakitang nakaupo sa isang upoan habang nagkakape ang matanda. Kaya agad siya ditong lumapit na hindi napapansin ng matanda.

"Ehmmm! Magandang umaga po." Bati ni Leynard dito na siyang kinalingon ng matanda.

"Ikaw?"

"Opo."

"Anong ginagawa mo dito at paano ka nakapasok? Lumabas ka ngayon din kung ayaw mong tumawag ako ng police at ipapolice kita." Anang galit na ginang.

"Manang Lourdes, alam kung galit kayo sa'kin dahil sa nangyari sa amin ni Aira.  Pero sana pakinggan niyo muna po ako, parang awa niyo na." makaawa nito sa matanda.

"At ano naman ang mga kasinungalingan gusto mong sabihin. Kung bibilogin mo lang ang ulo ko ay wag mo nang ituloy. Dahil hindi uubra sa'kin yan, kaya mabuti pa umalis kana ngayon din." Anang matanda.

"Alam ko pong walang kapatawaran kung ano man ang naging kasalanan ko kay Aira noon. Pero, kahit man lang po ang kaligtasan ng anak namin ang magawa ko ng mabawasan naman ang naging pagkukulang ko sa kanila." Anito sabay tingala sa itaas tanda na gustong pigilan ang nagbabadyang luha na pilit winawaksi.

"Anong ibig mong sabihin? Paano mo nalaman?" Ang naguguluhang tanong ng matanda sa kanya.

"Nalaman ko kay Aira, bago siya mawalan ng buhay." Anito sa matanda. Maya't maya ay lumapit siya dito at lumuhod sa paanan ng matandang nakaupo.

"Manang, parang awa niyo na po. Magalit na po kayo sa'kin kahit hindi niyo na po ako mapatawad ay tatanggapin ko. Dahil alam kung malaki ang naging kasalanan ko. Pero, alang-alang sa kaligtasan ni Ashley ay pakinggan niyo naman po ako." Makaawa nito sa matanda at sabay dukot nito sa kanyang bulsa ng isang bagay at pinakita sa matanda.

"Ano ito?" Nagtatakang tanong ng matanda. "Ang nasa larawang yan po ang tunay kung mga magulang. At wala akong kaalam alam na ang nag-aruga at nagpalaki sa'kin ang kumitil ng buhay nila." Ani Leynard sa matanda. Kaya agad na pinakatitigan ng matanda ang larawang inabot ni Leynard sa kanya. Pagkatapus ay tinitigan niya ang mata ni Leynard. At doon biglang bumalong ang luha sa mata ng matanda na ipinagtaka ni Leynard.

Agad na niyakap ng matanda si Leynard sabay halik niya sa ulo nito. Matapus ay inakay nitong maupo sa tabi niya, nagtataka man ang isa ay sumunod na lang ito sa matanda. Hindi akalain ng matanda na buhay pala ang kaisa-isang taong mahalaga sa buhay niya.

----flasback----

Papunta si Donya Kathryn sa isa niyang kaibigan para dalawin ito sa hospital, matapus itong maconfined doon dahil sa pagtaas ng BP nito. Kaya pababa na ito ng hagdan nang makasalubong niya ang anak.

The Mistress Revenge(Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!