Chapter 22

11.1K 336 8

HABANG nakahiga sina Vince at nakauna naman sa kanyang braso si Ashley at nilalaro nito ang hibla ng buhok ng dalaga ay bigla itong nagsalita.

"Vince, thanks."

"Thanks for what honey?" Nagtatakang tanong nito kay Ashley. "For helping me, for loving me and for always being there for me." Anito kay Vince sabay tingala niya sa mukha ng binata.

"You don't need to say that honey. Ginagawa ito dahil mahal kita, gagawin ko ang lahat para sa babaing mahal ko at nagbago ng buhay ko. You change me a lot Ashley, kaya hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa buhay ko," ani Vince sabay haplos nito ng mukha ni Ashley. "I love you Ashley Villanueva Villarde soon to be Mrs. Del Rio." Dagdag pa ni Vince na nakangiti. At napangiti narin si Ashley sabay hilig nito ng kanyang ulo sa bandang dibdib ni Vince.

"I love you, mister womanizer." Anito sabay hagikgik nito.

"Hey! noon yun honey, hindi na kaya ngayon. Dahil ikaw na lang ang pinagpapantasyahan ko. At ang katawan mo lang ang gusto kung sambahin. Ikaw lang ang gusto kung katabi bago ako matulog sa gabi. At paggising ko sa umaga ay ang maamo mong mukha ang gusto kung mamulatan." Seryosong ani Vince kay Ashley.

"Um. Alam kung baliw na baliw ka sa katawan ko kaya ayaw mo akong mawala sayo," anitong nakatingin sa mukha ni Vince. "You know. I'm fresh and new from you." Dagdag nito.

"I love you honey. At aaminin kung nababaliw ako sa sexy mong katawan. Pero, hindi ibig sabihin nun ay dahil bago ka sa akin kaya kita minahal. Iba ka sa lahat ng babaing dumaan sa buhay ko, your the special among them." Seryoso nitong saad sa dalaga.

"I'm sorry." Anito sabay kintal niya ng halik sa labi ni Vince. "Mahal kita and I can't lose you in my life, Ashley. Sa'yo natotong tumibok ito at natotong magmahal." Anito sabay hawak niya sa kamay ni Ashley at dinala niya ito sa kanyang dibdib. At ramdam ni Ashley ang bilis ng pagtibok ng puso ni Vince.

ISLA VILLARDE

"Hijo! kumusta ang tito mo?" Ani donya Kathryn kay George.

"Stable na po ang condition niya La, hintayin nalang natin siyang magising," sagot nito. "Siya nga po pala but gising pa kayo, magpahinga na po kayo." Ani George sa donya.

"Hindi kasi ako mapalagay para kay Ashley, hijo. Natatakot akong baka mapano siya doon sa Maynila." Anito sabay pakawala niya ng buntong hininga. Agad naman itong nilapitan ni George at hinalikan sa noo sabay hawak niya ng kamay ng matanda.

"La, magtiwala po kayo sa kanya. I know alam ni Ashley kung ano ang ginagawa niya." Anitong nakangiti sa donya para ipanatag ang loob nito.

"Ang batang yun talaga minana niya atah! ang ugali ng lolo niyang gagawin ang lahat alang-alang sa pamilya niya," anang ginang "At may sariling mundo minsan. Kaya siguro pinagtagpo kayong lahat at kahit hindi kayo tunay na magkakadugo ay mukhang pareho naman kayo ng likaw ng mga bituka." Anang donya na-iiling na kinangiti ni George.

"La, hindi na po bata ang mga apo niyo. Matanda na po kami at isa pa po mga gwapo at maganda." Ang nakangiti nitong aniya kay donya Kathryn upang malibang ang matanda.

"Iwan ko sa inyong mga bata kayo. Sige maiwan na kita at magpapahinga na ako." Anito sabay tapik sa balikat ni George.

"Sige po La, good night po." Ani George sabay halik niya sa noo ng matanda. Nang makaalis ang matanda ay bigla namang nagsalita si Racquel na kinalingon ni George.

"Ang bait niya, sana may lola rin akong kagaya niya." Anitong biglang lumungkot ang tuno ng pananalita.

"Hey! nandyan ka pala?" Ani George dito. Agad namang lumapit si Racquel at umupo ito sa kabilang bahagi ng couch. "Ang swerte niyo at mayron kayong lolang gaya ni donya Kathryn." Dagdag pa ni Racquel.

The Mistress Revenge(Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!