Chapter 30

7.6K 233 4



{Gusto kung maging happy si Leynard and I know you want too.....jejeje}

SAMANTALA sa kabilang banda, habang inaayos ni Glande Mae ang mga sariwang bulaklak na kinuha niya sa kanilang garden upang inilalagay ito sa isang  flower vase. Ay biglang naagaw ang atensyon niya ng makarinig siya ng ungol.

"Hmmm....!!!"

Agad na imunulat nito ang mga mata at iginala ang paningin. "Oh! My God. Sa wakas nagising ka rin." Ani Glande Mae na nakangiti.

"N-nasaan ako. P-paano ako napunta dito. At sino ka?" Sunod-sunod na tanung nito kay Glande Mae.

"Huh?"

"Sino ka?" Pag-uulit nitong tanong kay Glande Mae.

"Ah! Ako si Glande Mae, at ikaw anong pangalan mo?" Tanong ng dalaga.

"Sino ako? Hindi ko alam, wala akong matandaan." Anang nito sabay sapo ng ulo. "Wag kana munang mag-isip ang mahalaga ay ligtas kana." Saad ni Mae sabay pinahiga niya muli ito ng maayos. Matapus masiguro ni Mae na tulog na ito ay agad siyang lumabas ng silid at tinungo ang kapatid.

"Ate anong gagawin natin sa kanya?" Tanong ni Mae sa kanyang nakakatandang kapatid. Agad naman itong napalingon sa kay Mae.

"Pag-iisipan ko pa, kailangan makasiguro tayong ligtas siya. Hindi natin alam kung ano ba nasa likod ng nangyari sa kanya." Anang doktora sa kapatid.

Sakto namang nagflash sa TV ang isang ulat kaya napako ang tingin ng magkapatid dito.

"Makalipas ang ilang taon ay nabigyan na sa wakas ng hustisya ang pagkamatay ng mag-asawang Villanueva maging ang mag-asawang Villarde. Ang dalawang pamilya ay sangkot sa pagpaslang ang negosyanting si Romulo Cristoval. Sa ngayong nakalagak na sa bilibid ang ginoo at ang anak nitong si Jelouh na sangkot rin ay pansamantalang mamalagi sa pagamotan dahil sa kakulangan ng pag-iisip. Sa ngayon ay haharapin ng mga pamilyang naiwan ng mga biktima ang panibagong hamon at umaga matapos ang bangongot na naranasan nila." Anang nagbabalita sa TV.

"Narito po ang kapanayam natin kay Ginoong Leynard Villarde." Dagdag pa ng nag-uulat.

"Matapos po ang nangyari Sir, ano po ang plano niyo ngayon?" Tanong ng naga-ulat.

"Sa ngayon po ay pagtutuonan kuna lang ang mga negosyong naiwan ng pamilya ko. Dahil sa ngayon ay muling napasakamay ko ang lahat ng ari-ariang kinamkam sa amin noon." Ani Leynard.

"Sir, totoo po bang may nag-iisa kayong anak na babae?" Tanong nito sa ginoo.

"Yes. Siya na lang ang lakas ko para lumaban at pilit harapin ang bagong umaga. She's my life, my everything." Imosyonal na pahayag ng ginoo.

"Bakit nasaan po ba ang ina ng anak niyo Sir?" pag-uusisa pa nito sa ginoo.

Natawa ng mapait si Leynard. "Sad to say, isa rin siya sa mga nabiktima sa kamay at kasakiman ni Romulo Cristoval." Sagot ni Leynard at sa mga manonood ay nakaflash sa screen ng mga TV nila ang mukha ni Aira na ina ni Ashley.

Bigla naman natutup ang bibig ng magkapatid na Glande Mae at Maylin. Maya' maya ay biglang huminga ng malalim si Maylin. "I think I need to talk with her family tomorrow. Iniisip nilang wala siya, pero ito buhay naman siya. Kawawa naman siya at maging ang pamilya niya." Ani Maylin sa kapatid.

"Pero, paanu yan mukhang wala siyang matandaan ate sa nakaraan niya." Seryosong ani Mae.

"Normal lang yun na wala siyang matandaan kung ano ang nangyari at kung anung nakaraan niya, maging sarili niya ay hindi niya rin kilala. Nagkaroon siya ng amnisea, at imposebling maibalik pa ang alaala niya dahil sa pagkakatama ng bala ng baril sa ulo niya. I'ts a miracle na nabuhay pa siya, pero posible ring maibalik ang alaala niya  yun nga lang ay pang matagalan bago yun mangyari. At maswerte din siya at tanging memorya lang niya ang nawala." Ani Maylin sa kapatid.

The Mistress Revenge(Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!