Chapter 27

10.3K 300 3

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

"Walang kasalanang hindi napagbabayaran sa huli, ang lahat ng kasamaan ay sa bandang huli ay nagagapi rin ng kabutihan. Walang takip silip na hindi darating sa bukang liwayway. Ang lahat ng pagsubok sa bandang huli ay nalalagpasan kung may pagtitiwala sa Poong lumikha.

Kasakiman ay maghahatid sa'yo sa madilim na landas, paghangad ng hindi sa'yo ay maglalagay sa'yo sa bandang huli sa hukay.

Walang pinanganak na mananatiling bata ang lahat ay tatanda at muling babalik sa Poong lumikha pagdating ng araw. Kaya datapwat kabutihan at pagmamahal sa kapwa ay pairalin. Kabutihan ang pananaigin sa puso hindi ang pagkainggit at kasakiman."

¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤

MATAPUS malikom ang mga ebidinsyang magdidiin laban kay Romulo Cristoval ay agad nilang inihanda ang lahat. Maayos nilang isinuko sa batas ang mag-ama. At patung-patong ang kasong naisampa laban kay Romulo sa husgado. Dahil sa kasong krimen, murder at mga illegal nitong negosyong kinasasangkutan. Kaya agad itong nahatulan ng death finalty.

At dahil sa traumang tinamo ni Jelouh ay hindi niya ito nakayanan, bumigay ang kanyang utak. Dahil sa kawalan ng matinong pag-iisip ay agad itong dinala sa mental hospital upang pansamantalang magpagaling.

Tuwang-tuwa naman ang kampo nila Ashley dahil sa wakas ay nabigyan rin ng hustisya ang pagkamatay ng pamilya nito.

"Finally, nagawa natin guy's." Wika ni Nick sa mga ito. "Yeah! Tama ka bro." Sigunda naman ni Jayson.

"Thank you Ederlyn, alam kung ginawa mo ang lahat to win the case." Anang ginoo. "It's my pleasure tito." Nakangiting turan nito. Agad naman itong nginitian ni Mark sabay bulong dito. "I love you babe. I'm proud of you." Anito sa dalaga.

Napangiti naman ang batang abugada. "Thank you babe and I love you too." Balik ganti nito sa tinuran ng binata.

At habang palabas sila ng DOJ kung saan nilitis ang kaso ng Villanueva at Villarde murder ay biglang nakaramdam ng pagkahilo si Ashley. Umiikot ang kanyang paningin at biglang kumalam ang kanyang sikmura na hindi niya maipaliwanag. Hanggang sa bigla na lang dumilim ang kanyang paningin.

Dahil nakahawak sa baywang ni Ashley si Vince ay agad niyang nasalo ang nobyang nawalan ng malay. "Honey, what's wrong with you?" May pag-aalalang ani Vince dito ngunit wala na itong imik. Kaya agad niya itong binuhat at isinugud nila sa malapit na pagamutan.

Nang marating nila ang hospital ay agad naman silang tinulungan ng mga nurse at agad nilang isinakay sa stretcher si Ashley at ipinasok nila sa emergency room.

Nang makita ni Vince ang lalaking doctor na papasok kung saan ang nobya ay agad niya itong hinarangan. "Teka! Teka. Don't tell me na ikaw ang titingin sa girlfriend ko?" Tanong niya dito.

Agad naman nagkatinginan ang mga kasama niya maging ang doctor ay napakamot ng ulo. "Gago, kailangan na ni Ashley matingnan ng doctor. Wag kang mag-alala, dahil hindi siya tatangayin ni Doc." Ani Jayson dito.

"Sira ulo, hindi ganon. Wala ba kayong babaeng doctor na pweding tumingin sa kanya?" Saad pa ni Vince dito. Napailing naman si Leynard.

"I'm sorry. But we don't have available girl doctor, sir." Anang doctor. "I don't care, just find a girl doctor. I don't want you to touch my girl. Ako lang ang pweding humawak sa kanya." Anitong kinabuntong hininga ng mga kasama niya.

Napabuga naman ng hangin si Nick sabay iling naman ni Jayson. "When possessiveness attack." Ani Jayson. "Yeah! Like a idiot." Segunda naman ni Nick. Tiningnan naman sila ni Vince ng masama kaya bigla silang natawa.

The Mistress Revenge(Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!