Chapter 12

12.7K 372 3

Thank you so much po sa lahat po ng nagfollow sa'kin dito sa wattpad.....enjoy reading.

Rated SPG:

HABANG pauwi si Ashley mula sa kumpanya nila ay bigla itong dinikitan ng isang tented van na agad naman napansin ni Ashley. Kaya sa takot niya ay agad niyang diniinan ang tapak niya sa clutch ng kotse niya at pinaharurot ito ng mabilis.

"George, bilisan mo ang paghabol sa kanila, baka pamahamak ang anak ni boss. Tayo ang malintikan sa kanya." Ani Mark sabay kasa nito ng baril niya at inasinta ang gulong ng van na dumidikit sa sasakyan ni Ashley. Ngunit dahil sa pagiwang giwang ang takbo ng van ay hindi ito tinamaan ni Mark kundi ang side mirror ang tinamaan ng bullets na pinaputok nito.

Dahil napansin ng mga ito ang sasakyang sumusunod sa kanila at ng paputukan sila nito ay agad na bingga ng tented van ang bamper ng kotse ni Ashley. Dahilan upang mawalan ito sa control at sumadsad ang kotse niya sa gilid ng high way. Agad namang pinaharurot ng mga sakay nito ang tented van ng makita nilang nakasunod ang isang itim na toyota corola sa kanila.

Dahil sa takot ni Ashley ay agad itong nawalan ng malay ng sumadsad ang kotse niya sa gilid ng daan. Agad itong tinakbo ni Mark at inilabas sa loob ng kotse nito. Na siya ring pagdating ng van na kinalululanan ni Leynard kaya agad nila itong ipinasok doon ang walang malay na si Ashley.

"Mark, ikaw na ang bahala sa kotse niya." Utos ni Leynard kay Mark.

"Yes boss." Sagot naman nito. At sinarado na nito ang pinto ng van kung nasaan ang boss nila nakasakay. Ng pagmasdan ni Leynard ang dalaga ay hindi na nito napigilang wag yakapin ng may pananabik ang anak at hinalikan sa noo.

"Anak." Tawag niya sa dalagang tulog sa kanyang mga bisig. Sabay haplos nito ng maamong mukha ng dalaga.

Maya't maya ay nahimas masan naman si Ashley. Napabalikwas ito ng bangon at doon nakita niyang wala na siya sa loob ng kotse niya kundi nasa loob na siya ng ibang sasakyan. Kaya agad siyang nakaramdam ng takot.

"Sino kayo, anong kailangan niyo sa'kin?" Nanginginig nitong tanong kay Leynard. Napangiti naman si Leynard sa reaction ni Ashley.

"Baby, don't be scared. Hindi ako masamang tao." Ani Leynard sa nanginginig ng si Ashley. "Nakita ng mga taohan ko ang nangyari sayo, kaya pinaputukan nila yung bumangga sa kotse mo. At nagkataon na nawalan ka ng malay kaya sinakay kana lang namin dito." Paliwanag ni Leynard sa dalaga. Nakahinga naman ng maayos si Ashley ng marinig ang tinuran ng kaharap.

"Sorry po," anito. "At thank you po sa pagligtas niyo sa akin. I'm Ashley nga po pala." Pakilala nito sa kaharap.

"Just call me tito Leynard but it's better if you call me daddy Leynard. Dahil pinapangarap kung magkaroon ng anak na kasing ganda mo." Anitong nakangiti.

"Wow! Really can I call you Dad? Wala na po kasi akong matatawag na Daddy. Nag-iisa lang po ako, wala na rin po kasi akong matatawag na pamilya maliban kay yaya." Saad nitong bigla lumungkot ang boses. Agad naman ito hinawakan ni Leynard sa mukha.

"Don't be sad baby. Dahil from now on I'm your dad and we are family." Ani Leynard dito habang nakatitig ito sa mga mata ni Ashley. Parang nakita naman ni Ashley ang kanyang mga mata sa kanyang kaharap.

"Thank you po." Anang dalaga ditong nakangiti.

"And from now on your my Princess. And I promise your safety in my two arms. At ang mga taong may binabalak na hindi maganda laban sa'yo ay ako ang makakabaga nila. At alam kung mayron hindi mabuting binabalak yung dumidikit kanina sa kotse mong van. Kaya bibigyan kita ng personal bodyguards mo baby para sa kaligtasan mo." Ani Leynard kay Ashley.

The Mistress Revenge(Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!