Chapter 2

29.9K 608 10
                                    

Rated SPG 18+

MAKALIPAS ang ilang araw mula ng pumanaw ang ate ni Ashley ay siya na ang tumayong bagong CEO ng kumpya nila. Ang lahat ng mga negosyo nila ay nakaatang ngayon sa kanyang mga kamay. In a age of 25 ay hindi pa ganun kahasa ang kanyang kaalaman at kakayahan bilang bagong CEO. Ngunit kinakailangan niyang gampanan ito upang mapanatili ang magandang reputasyon ng kanilang kumpanya at mga negosyong naiwan sa kanya. At ang mga manggagawang umaasa sa kanilang kumpanya.

Habang nakaupo siya sa dating opisina ng kanyang ama ay biglang tumunog ang intercom ng kanyang opisina kaya agad naman niya itong sinagot.

"Yes?" Anito.

"Miss Villanueva, mayron pong naghahanap sa'inyo, Mr Cruz daw po ang pangalan." Anang secretarya ni Ashley na si Leah.

"Sige, let him to come inside my office." Anito sa kanyang secretary. Kaya hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at tuloy-tuloy na pumasok ang bagong dating na si Mr Cruz.

"Mr Cruz, maupo po kayo." Anang dalaga sa bagong dating. At ng makaupo ito ay agad niyang tinanong ang tungkol sa pinagawa niya ditong trabaho. "Kumusta po ang pinagawa kung trabaho sa'inyo?" Anito kay Mr Cruz.

"Kaya po ako naparito ay dahil dala ko na po ang lahat ng information na nakalap ko. Hindi naman kasi mahirap imbestigahan dahil kilala ang pamilya niya sa bansa." Ani Mr Cruz sa dalaga.

"Well. That's good Mr Cruz." Mula ng malaman nito ang dahilan ng pagkamatay ng kapatid niya ay agad itong kumuha ng secret agent. Ayun sa polisya ay tinitingnang anggulo ng pagpapakamatay ng kapatid niya ay sucide. Kaya ipinangako nito sa puntod ng kanyang ate na paghihigantihan niya ang taong dahilan ng pagkawala nito at kung bakit ito nagpakamatay. Kaya naman ang bawat nakapaligid sa kapatid niya noong nabubuhay pa ito ay pinaimbestigahan ni Ashley. At isa sa pinaghihinalaan niyang baka may kinalaman ay ang sikat na business man na si Vince Villafuerte Del Rio.

"Ayun po sa nakuha kung information sa ipinag-uutos niyo ay anak siya ng kilalang angkan dito sa pilipinas maging sa ibang bansa. Isa siyang kilalang architect, mahilig sa night life at gabi-gabi rin kung magpalit ng mga babaing inuuwi niya sa kanyang condo unit. Sa edad na 28 ay walang naging seryosong karelasyon. Yan po yung nakuha kung information miss Villanueva at kung may gusto pa po kayong idagdag sa nakuha kong information ay babalik po ako upang maidagdag ko?" Anang lalaki kay Ashley.

"No thanks, okay na po ito Mr Cruz." Anito sa agent na kinuha niya.

"Sige po kung yun ang gusto niyo," sagot nito. "So,wala na po ba kayong ipapagawa Miss Villanueva?" Maya ay tanong nito sa dalaga.

"Wala na Mr Cruz," anito. "anyway here my payment." Sabay abot nito ng subring naglalaman ng halaga, kabayaran ng nakuhang information ng lalaki.

"Thank you po miss Villanueva," sabay abot nito ng subre. "Sige po, tuloy na po ako." Saad nito sabay tayo at nakipagkamay sa dalaga.

"Humanda ka sa'kin lalaki ka, lintik lang walang ganti kung sakaling may kinalaman ka sa pagkawala ng kapatid ko." Bulong nito sa sarili ng makaalis si Mr Cruz.

SAMANTALA Vince have business meeting with someone kaya ng marating niya ang tagpuan nilang lugar ay bigla siyang napangiti. "Whoahh. I miss this moment ang sumakay ng barkong ito, it's been long time ng makasakay ako dito." Ani Vince sa sarili habang paakyat siya ng barko.

Gustong kunin si Vince bilang architect sa planong expantion ng company ng mga ito kaya makikipagkita ito sa kanya. At ang napagkasunduan nilang meeting place ay ang sikat na barkong pag-aari ng mga Monte Silva. Agad na tumuloy si Vince sa kwartong nakalaan para sa kanya, pagkatapus niyang maipasok dun ang kanyang mga gamit ay muli siyang lumabas at nagtungo kung saan matatagpuan ang bar ng naturang barko. Dahil doon ang usapan nila ng kameeting nito para magkita. Pagdating niya doon ay agad siyang nagpalinga-linga para hapin ang katagpo niya. At sa pag-aakalang matanda ito, kaya ang bawat lalaking nandun ang tinitingnan niya ng biglang may magsalita sa likod niya na kinalingon niya.

The Mistress Revenge(Completed)Where stories live. Discover now