Chapter 14

11.4K 347 4

{Rated SPG (18+)}

NANG marinig ni Leynard ang mga yapak na paparating ay dali-dali itong naupo sa upuang nasa harap ng mesa ng ama. Maya't maya ay bumukas ang pinto at lumuwa doon ang isa sa mga katiwala nila

"Ah! Sir sabi po ng inyong ama ay saka na daw kayo mag-usap. Dahil mayron daw muna siyang importanting transaction ngayon." Anang katiwala.

"Ah! ganun ba? Sige, salamat." Anito sabay tayo niya. At ng ihahakbang na niya ang mga paa ng bigla niyang nahagip ang isang bagay sa ibabaw ng carpet malapit sa stante ng mga book shelds ng ama. Kaya agad niya itong pinulot at bigala siyang napakunot ng noo ng makita ito. Isa itong larawan ng isang pamilya at mas lalo niyang ipinagtaka ay kung bakit kahawig niya ang batang nasa larawan. Kaya agad niya itong sinilid sa bulsa ng kanyang coat.

GAYA ng pinangako ni Leynard kay Ashley ay nagkaroon ito ng budyguards niya. Kahit saan siya magpunta ay si Mark at George ang magiging kasa-kasama niya bilang personal budyguards. Kaya habang papasok sila sa Villanueva Company ang lahat ng mata ay nakatoon sa kanila.

Sino ba naman ang hindi mapapatingin kung dalawang kalahi ni Adan ang tila bumababa mula sa langit ang naglalakad sa lobby ng company nila Ashley. Bitbit ni Mark ang shoulder bag ni Ashley samantala si George ay bitbit nito ang bag na kinalalagyan ng laptop ng dalaga.

"Good morning miss Villanueva." Bati sa kanya ng manager in staff ng kumpanya nila.

"Good morning too." Napansin naman niya ang klase ng tingin nito sa mga kasama niya. Kaya agad niyang pinakilala ang dalawa dito. "Um! by the way Mr. Velloso, my cousins and they are here for a vacation." Anito kay Mr. Velloso.

"Good morning gentlemen." Bati nitong nakangiti sa dalawa at isang ngiti lang din ang sinagot ng dalawa. Pagkatapus ay tumuloy na ang tatlo kung saan ang opisina ng dalaga.

"Nice place Princess." Ani George ng marating nila ang opisina nito at ginagala ng dalawa ang mata sa loob ng opisina nito.

SAMANTALA ng marating ni Leynard ang kanyang opisina ay siya namang pagtunog añng tawagan niya. Kaya ng makita kung sino ang tumatawag ay agad niya itong sinagot.

"Oh! Nick napatawag ka?" Bungad niya dito. "Tito, nakahanda na ang mga taohan ng inyong ama. At ang usapan nila ay sa makalawa nakatakda ang plano nilang dukutin ang dalagang Villanueva. Hindi nila ipinaalam sa'yo ang plano dahil nararamdan na ng iyong ama ang lihim mong pagsuway dito." Ani Nick sa kabilang linya. Isa rin si Nick sa mga taohan ni Leynard na pinagkakatiwalaan niya at itinuturing niyang kapamilya niya gaya ni Mark at George.

"Sige, Nick. Salamat. Mag-iingat ka dyan." Anito dito sabay patay ng tawagan.

Matapus ang pag-uusapan nila Leyadnard at Nick ay agad siyang naupo sa kanyang swevil chair ng bigla niyang maalala ang CD at ang larawang nakita niya sa library ng ama kanina. Kaya agad niya itong kinuha at isinalang sa kanyang laptop. Ng magplay ito ay dun nakita niya ang ama habang kaharap nito ang sa tingin niya ay mag-asawa.

Ang lahat ay nasaksihan niya kung paano magmakaawa ang lalaki at kung paano niya pinirmahan ang mga papeles na nasa harapan nito. Makalipas ang ilang sigudo ay walang pag-alinlangan itong pinaslang ng mga taohan ng ama.

"Napakasama mo talaga Papa, wag na wag ka lang magkakamaling hawakan ni dulo ng buhok nang anak ko. Kundi baka makalimutan kung naging ama kita." Anito sa kanyang sarili ng maalala ang larawang nakita niya.

Agad niya itong pinakatitigan at hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman kung bakit parang naninikip ang kanyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag kung bakit pakiramdam niya ay para siyang nakikisimpatya sa pagkawala ng dalawang tao sa larawan. Ngunit ang palaisipan ay kung bakit kamukha niya ang batang kasama ng dalawa. Agad niyang tiningnan ang nasa likod nito at ganun nalang ang pagkagitla nito ng makita kung ano ang nakasulat doon.

The Mistress Revenge(Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!