Chapter 24

10K 325 3

HALOS mawalan ng ulirat ang mag-amang Jelouh at Romulo matapus makababa ang dalawa mula sa pagkakatali ng dalawa nilang paa. Basang-basa ang mga itong dinala ng mga taohan ng magkakaibigan sa isang safety place sa isla. Sinigurado nilang hindi makakawala ang mga ito dahil sa pangalawang pagdinig ng kasong kinasasangkutan ni Romulo ay ihaharap nila sa korte ang mag-ama.

"Ehmmm!"

Tikim ni Larry na kunway tinanggal nito ang nakabara sa kanyang lalamunan. "Oh! Gusto mo ba ng tulong? Halika at imason natin ang likod mo ng mawala agad yang nakabara sa lalamunan mo." Ani Melody dito. Na kinatawa nilang lahat habang nasa sala sila ng resthouse.

"Babe naman, sagutin muna kasi ako. Hindi ka ba naiingit sa kanila, tingnan mo oh! Malagkit pa sila sa honey kung maglambingan." Palipad hanging ni Larry. Sa magkakaibigan ay ito ang dakilang bolero sa kanila. Kaya hindi na kataka-taka kung bakit marami itong napapaikot na mga babae kung mag-umpisa na itong paganahin ang mabubulaklak nitong salita.

Nginisahan lang ito ni Melody sabay kindat dito. "Tawagin mo muna ang shokoy dyan sa karagatan at iharap mo sa'kin. At kung sakaling makaharap ko si Dugong ay baka sakaling magbago ang isip ko at ako mismo ang hihimas sa'yo." Mapang-akit na ani Melody sabay kagat nito ng pang-ibabang labi na kinakamot ng binata.

"Kung ako sa'yo bro, umpisahan ko nang magtawag ng shokoy dyan sa karagatan ng maka iskor na ako." Aniya naman ni Jayson.

"Hey! Guys." Bungad ni George sa kanila ng makalapit ito mula sa under ground ng resthouse.

"Anong mayron at hindi mapuknat-puknat yang ngiti mo bro?" Puna ni Nick dito. "Um. Mayron lang naman akong good news sa'inyo." Wika nito ng tuluyang makaupo sa couch kung saan ang mga kasama.

"Good news? Bakit kayo na ba niyang maganda mong nurse bro?" Curious na tanong ni Larry sabay nguso kay Racquel na papalapit sa kanila.

Halos maging kulay makupa naman ang mukha ni Racquel ng marinig ang tinuran ni Larry lalo pa't lahat sila ay napatingin sa kanya.

"F*ck! gago ka talaga, walang preno yang bunganga mo." Kakamot-kamot na ani George. "Hey! Don't mind him. Come here." Ani George. Nahihiya man si Racquel ay lumapit parin ito sa kinauupoan ng binata.

"How is he?" Ani George sa dalaga. "His good." Sagot naman nito.

Ang lahat ay nakamata lang kina George at Racquel na puno ng katanungan ang mga mata nila Like there asking what is going on? George make a long breath before he speak, but his smilling at them. "Bro. What is going on?" Hindi nakatiis na tanong ni Jayson.

"Okay! Could you please relax. It's a good news not a bad news e!" Ang nangingiting ani George sa mga ito.

"Bro, pasalamat ka at hindi ako bakla kundi ni'rape na kita." Sabat naman ni Mark na halatang atat malaman kung ano ang good news na sinasabi ni George. Kaya nagkatawanan na lang silang lahat dahil sa tinuran nito.

"Okay! Okay!" Sabay taas nito ng dalawang kamay. "Si tito Leynard kasi ay nagising na." Nakangiti nitong aniya na kinagulat nilang lahat.

Ang bawat isa ay hindi makahuma sa narinig ngunit ng mahimas-masan ang mga ito ay mabilis pa sa kidlat ng magtakbuhan silang pamunta sa kwarto ni Leynard. Sa gulat ni Racquel dahil sa inasta ng mga kasama nila ay napahawak ito bigla sa braso ni George.

Ang binata naman ay napailing nalang sa mga ito habang hatid tanaw ang mga itong nag-unahang pumunta sa kwarto ng tito Leynard nila. Maya't maya ay agad hinawakan ng ni George ang kamay ni Racquel.

"Hey! Where we going?" Ang nagtatakang tanong ng dalaga sa binata. "Nabitin ako sa napakatamis mong halik, kaya gusto kung ulitin ng walang panira sa moment." Sabay kindat nito kay Racquel na pinamulhan ng mukha.

The Mistress Revenge(Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!