Chapter 19

10.2K 322 3

MATAPUS mahimasmasan ni Ashley ay isang decesion ang nabuo sa isipan niya ang singilin ng mahal ang taong sumira ng pamilya nila dahil sa sariling pang interest.

"Humanda ka Cristoval at ibabaon kita sa hukay ng buhay." Anito sa isip. "Kailangan kung bumalik ng Manila." Anitong kinatigil nilang lahat sabay tingin nila sa kaniya.

"Hindi pwede, Princess. Dahil sa ngayon ay maaaring nanganganib pati buhay mo." Ani Mark na makikita mo dito ang pag-aalala.

"Kuya, hindi pweding manahimik na lang ako dito. It's time para pagbayarin ang taong umubos ng pamilya ko." Anito kay Mark, kaya nagkatinginan ang mga kasama niya.

"Okay! Bumalik ka sa Manila, pero sasamahan ka namin." Aniya naman ni Nick dito.

"Really kuya?"

"Yeah! Ayaw namin mapahamak ang nag-iisang prinsesa namin." Ani Nick dito na nakangiti. "Thank you guys, for always being there." Anito habang nakayakap siya sa lola niyang tahimik lang na nakikinig.

"Mahalaga sa amin ang daddy mo Ashley, that's why we want to protect you too." Aniya naman ni George.

Matapus ang usapan nila ay agad na tinawagan ni Jayson ang chopper na susundo sa kanila. At dahil sa lagay ni Leynard ay kinailangan maiwan sa isla si George kasama nito si Racquel at donya Kathryn.

"Dad, pagaling po kayo. Babalik ako dito after kung tapusin ang trabaho ko. I'll promise na mananagot ang taong umubos ng pamilya natin at ang taong may pakana nitong nangyari sa'yo. I love you so much Daddy." Kausap ni Ashley ang walang malay na si Leynard. Matapus niyang kintalan ng halik sa noo ang ama ay agad na itong tumayo at tinungo ang pinto, bahagya pa niyang nilingon ang ama bago tuloyang nilisang ang silid kung saan nakaratay ito.

"Hija sigurado ka ba talagang babalik kayo ng Maynila?" Ani donya Kathryn na nahihintakutan para sa apo.

"La, wala na pong atrasan ito. Dapat na po tayong kumilos bago pa tuluyang maghari ang kasamaan ni Cristoval. Dapat na pong putulin ang sungay niya. Ayaw kung ubusin niya tayo." Anito sa matanda sabay hawak nito ng dalawang kamay ni donya Kathryn at dinala sa kanyang labi. "Magtiwala po kayo sa'kin at isa pa po ay nandyan din naman sina kuya Mark, kuya Nick at kuya Jayson. I know hindi nila ako iiwan." Sabay yakap niya sa taong nag-aruga sa kanya mula pagkabata.

"Mga hijo, wag niyong pababayaan ang prinsesa natin. Kayo na ang bahala sa kanya." Habilin nito sa mga binata na mangiyak iyak. Agad naman itong nilapitan ni Mark at inakbayan.

"Wag po kayong mag-alala La, dahil kami na po ang bahala kay baby Damulag." Biro nito sa matanda para maging panatag ang loob niya.

"Oh! siya mag-ingat kayong lahat at tandaan niyong hindi madaling kalaban si Romulo Cristoval." Habilin pa nito sa mga ito. At maya't maya ay mayron itong inabot kay Ashley.

"Ano po ito, La?" May pagtatakang tanong nito sa donya.

"Magagamit niyo yan, CD yan ng patayin ni Romulo ang magulang ng daddy mo." Anito kay Ashley.

"Thank you La, promise po na mabubulok sa kulungan ang Cristoval na yun para pagdusahan ang mga kasalanan niya sa pamilya natin." Ani Ashley sa matanda.

Nang dumating ang chopper na sasakyan nila pabalik ng Manila ay agad silang nagsipaghanda. Muling yumakap si Ashley kay donya Kathryn at maging si George ay niyakap niya ang tinuturing na nilang bunsong kapatid.

"Good luck Princess, susunod din ako doon kung maging okay si tito Leynard." Anito kay Ashley.

Nang makalabas ng resthouse si Ashley ay nag sign of the cross muna ito sabay dalangin na gabayan sana siya ni God sa kanyang pakikibaka at laban para bigyan ng hustisya ang buong angkan nilang inubos ni Romulo Cristoval.


The Mistress Revenge(Completed)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!