Chapter 27 Wrong Move

Start from the beginning
                                    

"Let's go! Habang hindi tayo nakikita ni Manang tatakas tayo!" Sabi ko.

Hawak ko pa rin ang kamay niya hanggang sa nakalabas kami ng mansyon. Patuloy kami sa paglalakad buti na lang maliwanag ang buwan saka marami ang christmas lights sa paligid. May nadaraanan din kaming mga kabataang gumagala sa tabing kalsada. Masaya ngayon kasi nga pasko.

Ramdam ko ang lamig na sumasalubong sa amin, buti na lang pinahiram ni Drake ang kanyang jacket sa akin. Naramdaman ko ang pagpisil nito sa aking kamay. In fairness ha, mainit ang palad niya. Nakangiti ako habang diretso lang ang tingin sa daan. Hindi ko kasi lubos maisip na pwede kaming magkasama ngayong gabi na parang magkasintahan nga.

"Malayo pa ba?" Tanong niya. Sinilip ko ang mukha niya. Dahil naka side view siya natanaw ko ang matangos niyang ilong. Nakakahiya naman sa ilong ko, siya na ang may matangos na ilong.

"Malapit na." Pinasigla ko ang aking boses. Kahit na malungkot ako na hindi ko kasama ang aking pamilya ay masaya na rin kasi kasama ko si Drake. Mukhang good mood ito kaya okay na sa akin ang pasko ko ngayon.

"Kung hindi ka lang malungkot baka di kita ililibre." Bulong niya.

"Ano?"

"Wala. Pangit na nga bingi pa." Bulong ulit niya. Napanguso ko. Hindi uso talaga dito ang sweet talk. Narinig ko naman, e. Gusto ko lang marinig ng malakas.

"Andito na tayo!" Sabik na sabi ko saka bumitaw sa pagkakahawak ko sa kamay niya. Mabilis akong lumapit kay ate na nagtitinda ng bibingka at puto bumbong. "Magkano po ang bibingka?" Hindi mawala ang ngiti ko sa babae.

Sa wakas makakakain ulit ako ng bibingka. Ngayon palang nagugutom na ako. "25 isa." Sagot niya.

Sasagot na sana ako ng biglang may humablot sa kamay ko. Sisigaw na sana ako kaso mukha ni Drake ang aking nakita. Nagulat pa ako ng hinawakan niya kamay ko sa pinagsiklop dun sa kanya.

Aba. Anong nangyayari?

Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin. He just stared at me then murmured something.

"Malamig ang kamay ko hinahanap ka." Napanganga ako. Ano daw? "Next time don't runaway. H'wag mong bitawan ang kamay ko." Walang ngiti sa mukha nito. Sinapian ba siya? Mabigat ang aking mata habang nakatunganga sa kanya.

"Huh? B-bakit?"

"Coz I feel safe with I'm with you. You're my partner, tss." Tinanggal ko ang kamay ko sa hawak niya pero hinawakan niya ulit. Anong nangyayari? End of the world na ba? Why are you acting like this, Drake? Is it a part of pretending or not?

Nakipagtitigan ako sa kanya. Ako'y naguguluhan na sa inaakto niya. Dinaig pa ang nakainom ng drugs.

"Sabing 'wag kang bibitaw. I love the way you hold my hand.. so be it." Laglag ang panga ko habang nakatingin sa kanya. Ngumiti ito ng tipid saka na humarap kay Ate. Do you know the feeling that your heart is beating too fast or too hard? Gano'n ang feeling ko ngayon sa kanya. Nakangiti siya kay Ate at ako naman ay natulala lang habang pinapanood siya. Why? What? How? Explain to me please..dahil ngayon nganga ako sa mga nangyayari.

Ngumiti siya..hinawakan niya kamay ko..pwede na bang magmura kahit ngayon lang? Tangina bakit kinikilig ako? Kinagat ko ang aking labi dahil sa nararamdaman ko. Hindi tama ito. Maling mali as in wrong na wrong.

"Ba-bakit?" Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Ramdam ko tuloy ang pagpapawis ng aking palad.

"Tangna naman Rea. Gusto kong hawakan kamay mo wala ng tanong ng tanong!" Sigaw niya.

Muntik ng sumayad ang panga ko sa lupa. Nabibingi ba ako? Hindi eh. Hawak ko kamay niya at seryoso ang mukha. Kahit siya ay nabigla sa sinabi niya saka umiwas ng tingin.

The Best Pretending RoleWhere stories live. Discover now