"Nakakahiya naman po sa inyo, niligtas niyo nga po ako at gusto niyo pang pangalagaan ang kaligtasan ko. This is to much po. Thank you po talaga D-dad." Anitong nahihiyang banggitin ang huling katagang tinawag niya sa kaharap.

"It's okay. Your my daughter for now on. So, I have a right to make sure your safety." Ang nakangiting ani Leynard sa dalaga hangang sa biglang huminto ang van nila.

"Boss nandito na po tayo." Anang driver at ng tingnan ni Ashley ang labas ay nasa tapat na sila ng kanilang mansyon. Kaya agad na nagtanong ang mata nito sa kaharap.

"Um. Alam ko kung saan ka nakatira anak, dahil nasa kabilang bakod lang ang bahay ko." Paliwanag nito.

"Ah! ganun po ba, tuloy muna po kayo sa loob kung ganun." Aya nito sa ginoo.

"Next time na lang Princess." Ani Leynard na nakangiti. "But if you want to come in my house, your always welcome." Anito.

"Okay! Thank you po ulit," nakangiti nitong aniya. "Sige po tuloy na po ako sa loob, Dad." At bumaba na ito ng sasakyan sabay kaway niya kay Leynard. Halos wala naman paglagyan ang sayang nararamdaman ni Leynard dahil nayakap rin niya sa wakas ang anak niya.

"Kung alam mo lang anak kung sino ako sa buhay mo." Naibulong nito ng tuloyang makapasok sa loob ng malaking gate ang dalaga.


KINAGABIHAN ay hindi dalawin ng antok si Vince miss na niya si Ashley. Ang ngiti nito, ang mabango nitong amoy at matamis at malambot nitong labi na hahanap-hanapin mo. He really miss her, ang dahilan kung bakit natoto siyang magmahal at maging serious sa isang relasyon. Kaya tinawagan nito agad si Ashley para kahit boses man lang nito ay maibsan ang pananabik niya ditong mayakap ito.

"Hello." Bungad ni Ashley sa tawagan ng sagotin niya ito ng makitang tumatawag si Vince sa kanya. Kaya dali-dali niya itong sinagot.

"Honey, how are you? I miss you." Ani Vince sa kabilang linya.

"Here, thinking of something." Sagot nito. "Hmmp! Anong iniisip ng mahal ko?" Tanong nito kay Ashley.

"V-vince. Ano kasi.....muntik na ako kanina, mayron kasing dumikit sa kotse kung tented van. And they bump my car, kaya sumadsad ang kotse ko sa gilid ng daan. Mabuti nalang at mayron nakakita kaya agad nila ako natulongan." Saad nito kay Vince sa kabilang linya.

"What????? Honey. Pupunta ako dyan. Hindi ako makakatulog nito at mapapalagay hanggat hindi kita nakita. Just a couple of minutes I'll be there." Ani Vince hanggang sa nawala na ito sa kabilang linya.

MAKALIPAS nga lang ang ilang minuto ay muling tumog ang tawagan ni Ashley at ng tingnan niya ito ay si Vince ang tumatawag kaya agad niya itong snagot.

"Hmmp?"

"Honey, nandito ako sa labas ng gate niyo." Anito sa kabilang linya. Kaya agad niya itong sinilip sa labas ng bintana ng kwarto niya at doon ay natanaw niya si Vince. Kaya dahan dahan siyang lumabas ng kwarto niya at bumababa patungo sa main door ng malaking bahay. Bawat yapak niya ay dahan-dahan dahil ayaw nitong makabuo ng ingay sa loob ng mansyon. Hanggang sa marating niya ang kinatatayuan ni Vince ay walang ingay siyang naglakad. Agad niya itong inakay papasok sa loob ng malaking bahay.

Ng makapasok sila sa loob ng silid ni Ashley ay agad na siniil ng binata ang labi ni dalaga. Hanggang marating nila ang kama ay magkahinang ang kanilang mga labi. Kung hindi pa sila kinapus ng hanging ay hindi sila maghihiwalay.

"Okay ka lang ba, honey? Hindi ka ba nasaktan?" Anang binata sa dalaga na bahagya lang umiling. "I'm fine."

"Good. Hindi na kita hahayaang lumabas mula ngayon ng bahay mag-isa." Anito sa dalaga. "Ayaw kung mapahamak ka." Dagdag pa nito.

The Mistress Revenge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon