LVIII

117K 2K 156
                                    

LVIII


"How is he?" Agad na tanong ng ama ni Neien nang lumabas sa silid ang binatang si Terrence. Nagpunta ang binate upang tignan ang kalagayan ng kanyang anak. Neien has suffered depression and only Terrence can only unbelievably talk to him. He is a well-known psychologist and psychiatrist.

"He's about to die." Kalmadong sagot nito.
"Terrence! I don't have time for pranks!" Iritang sabi ng kanyang tito.

"But it's true if you continue to lock him behind that metal door he will break everything inside including his bones." Kalmado pa ring tugon ng binata.

"Is there anything we can do?" Nag-aalalang tanong ng ina ni Neien.

"Free him." Maikling sagot ng binata.

"What?! No! Kung gagawin namin 'yon ay siguradong pupuntahan niya si Haru at ayaw kong mangyari 'yon. Ayokong magkaroon pang muli ng lamat ang pagkakaibigan namin ni Ryo. Halos lumubog na ako sa kahihiyan ng lalaking 'yan dahil sa ginawa niya sa kay Haru!" Nanggigigil na sabi ng ama ni Neien na si Storm.

"Mahal, kawawa naman ang anak natin. Hindi ko kayang makita siyang muling magkaganyan." Naluluhang turan ng ginang sa kanyang asawa.

"Tita Neirin, he's going to be fine. He just need some time alone. He needs to think about everything happening to him. For now, give him first aid and pain relievers." Sabi ng binatang si Terrence. Taka naman siyang tinignan ng mag-asawa.

"Anong klaseng psychiatric procedure na naman ba ang ginawa mo?" Natatawang tanong ng ama ni Neien.

"Beating the pulp. Anyway, aalis na po ako dahil may appointments pa po ako. Bye Tita Neirin, you look young as always. Bye, Tito Storm, you're getting old." Pilyong paalam niya sa mag-asawa saka kumaripas ng takbo.

"Talagang makakatikim sa 'kin ang batang 'yon!" Namumulang sabi ng ama ni Neien.

"Ikaw pa rin ang pinakagwapo at pinakamamahal kong lalaki kaya tumigil ka na sa tantrums mo at ikuha mo na lang ako ng first aid kit." Pigil ang tawang sabi ng ginang saka pumasok sa loob ng kwarto ng anak.

"Hindi ako nagta-tantrums." Nakasimangot na sabi ng lalaki saka kumuha ng first aid kit.

Nang makapasok ang ginang sa loob ng kwarto ng anak ay nadurog ang puso niya at naluha. Nakasalampak sa sahig ang binatang si Neien habang katabi ang mga basag na kagamitan sa loob. Punit rin ang suot nitong t-shirt. Halatang hindi pa rin ito naglilinis ng katawan dahil iyon pa rin ang suot niyang damit mula ng dalhin siya sa kwartong ito. May umaagos na dugo sa kanyang braso at may mga pasa ang mukha ng binata.

"A-Anak, pupuntahan ka ni Mommy jan ha?" Paalam ng ginang dahil baka magwala ito kapag lumapit siya rito.

"Don't move. Mabubog rito." Nakayukong sabi ng binate saka dahan-dahang tumayo para lapitan ang ina. Manhid na ang katawan niya na hindi na niya nararamdaman ang pagtusok ng mga basag na salamin sa kanyang paa. Tuluyan ng napaluha ang kanyang ina. Agad siya nitong niyakap.

"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?" Umiiyak na tanong ng kanyang ina.

"Stop crying, you look ugly." Malamig na tugon ni Neien saka pinunasan ang luha ng ina gamit ang hinlalaki niya.

"Tumigil ka ngang bata ka! Tignan mo nga ang sarili mo! Paano babalik si Haru sa 'yo kung ganyang ang kalagayan mo?" Umiiyak na turan niya sa anak. Bilang ina ay hindi niya kayang makitang nasasaktan ang anak at ang makitang naghihirap ito.

"She's not coming back." Malamig na tugon niya saka pinagpagan ang sofa na may mga basag na gamit saka pinaupo ang ina samantalang siya ay naupo sa sahig.

"You know son, natural lang ang pinagdadaanan niyo." Masuyong sabi ng kanyang ina habang hinahaplos ang mga pasa ng anak.

"What? Having all the bullshits of life?" Sarkastikong saad nito.

"Hindi, pagsubok lang ang lahat ng ito at kapag nalampasan niyong dalawa ito ay doon niyo malalaman kung para ba talaga kayo sa isa't isa." Isang mapangunawang ngiti ang iginawad niya sa anak.

"Hindi na siya babalik. Bakit naman niya pipiliing bumalik sa isang katulad ko na kaya siyang saktan? She can't find peace when I'm around. She's in danger every time I'm with her. I keep hurting her." Nakayukong sabi niya.

"Why do you hurt her?" Tanong ng kanyang ina.

"Because... I love her and it feels like I'm betraying Haru. Akala ko kapag sinaktan ko siya ay mawawala ang nararamdaman ko. I'm insecure. Natatakot akong may makita siyang mas higit pa sa 'kin." Pag-amin ng binata.

"If it doesn't hurt, it's not love. But son, if you are given second chance... cherish her and never hurt her again. She deserves all the love a man can give her. She deserves to be handled like a fragile glass, she deserves to be happy and if you can't give it to her... let her go." Marahang sabi ng kanyang ina habang hinahaplos ang buhok ng binata.

"No! I'm not letting her go! I don't care if the world is against me! Hindi ko hahayaang iwan na naman niya ako. I'm not giving her up. Kung gusto nilang kunin sa 'kin si Harra ay dadaan sila sa ibabaw ng bangkay ko." Mariin niyang sabi saka pilit na tumayo at nagtungo sa pinto ngunit bago pa man siya makalabas ay hinarangan na siya ng kanyang ama.

"No, son. You know I'll give you everything you ask but this time, I'm not gonna allow you to kill yourself. I'm sorry but you have to let her go. You called off the engagement kaya wala ka ng karapatan kay Haru. Sinira mo na ang tradisyon at kailangan mong pagbayaran 'yon." Naiiling na saad ng kanyang ama saka tinulak siya papasok ng kanyang silid. Natumba ang binata sa sahig at napahiga.

"I'll have the consequences but you have to let me see her. I want to ask her for the last time if she still wants me and if she says no. Everything will be over. Hindi ko na siya hahabulin." Mahinang sabi niya. Nagkatinginan ang kanyang mga magulang at napatango.

"Fine. This is your last chance. If you fail, you are not allowed to see her and your child ever again." Marahang tumango si Neien at tuluyang ipinikit ang mata. Hinayaan niyang linisin ng kanyang ina ang kanyang mga sugat hanggang sa makatulog siya.

This is the last chance. I need to stake everything or I'll lose them forever.

---
Annyeong! May I ask you, readers?
Gusto niyo ba ng book two? :D
Enjoy reading and keep voting~
Please do leave a comment it is highly appreciated. :D

The Betrothed Maiden (THE DEVIL'S BABY MAKER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon