LVII

121K 1.9K 106
                                    

LVII

*YUL


"Para sa 'kin ba 'tong isang baso ng carrot juice?" Nakangiti kong tanong kay Harra-Haru. Napitlag siya at napatingin sa 'kin.

"Y-Yul... Ikaw pala." Tipid ang ngiting iginawad niya sa 'kin. I kissed her forehead and snuggle her from behind. Agad siyang lumayo sa 'kin at napayuko.

"Why?" Marahang tanong ko sa kanya.

"U-Uhhmm... W-Wala." Nauutal niyang sabi, nang iangat niya ang tingin niya ay bumadha ang takot sa mukha niya. I silently cursed. Hindi ako makapaniwalang ganito ang takot na ibinigay niya kay Harra. Inabot ko ang kamay niya at masuyong ginagap ang malambot niyang palad.

"Don't be scared. I understand. How are you feeling today?" Tanong ko sa kanya saka siya pinaupo. Agad siyang napangiti.

"I'm doing well. Hindi naman naging pasaway si Baby kay Mommy ngayon." Nakangiti niyang sabi habang hinahaplos ang tiyan niya. Malungkot akong napangiti.

"Kung hindi nangyari 'yong aksidente five years ago... Hindi siguro magiging ganito ka-komplikado ang buhay mo. I'm sorry." Hindi ko mapigilang ma-guilty, dahil sa 'kin ay nangyari ang mga 'to. Nadamay pa siya sa katarantaduhan ko.

"Yul, h'wag mong sisihin ang sarili mo. Nagpapasalamat nga ako na nangyari ang mga 'yon kasi dahil dun naging malaya ako at nakasama kita. Thank you for giving me freedom, Yul." Nakangiting tugon niya sa 'kin. Isang tunay na ngiti na bihira ko lang makita kahit noon pa man.

"Masaya ka ba ngayon?" Muling tanong ko sa kanya. Natigilan siya at napaingin sa 'kin.

"M-Masaya ako." Pilit siyang ngumiti.

"Mahal mo ba 'ko o minahal mo ba ako?" Muli kong tanong sa kanya habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. Bahagya siyang nagulat at muling napayuko.

"M-Mahal kita." Mahinang sagot niya.

"If you love me, marry me." Sabi ko.

"No!" Biglang sabi niya. Nang matauhan siya ay agad siyang nagpaliwanag. "I mean-not now. You know what I've been through." Nakayuko niyang sabi.

"Haru-Harra, you know I love you, right? Tell me what you really feel, please... stop lying." Nanghihina kong sabi.

"Y-Yul..." Mahinang tawag niya sa 'kin.

"Matagal kitang nakasama. I can tell if you're lying. If you're really smiling, I can tell if you're pretending, if you're happy, if you're crying inside and I can tell if you're in pain. I've mastered the art of pretending so you can't win against me." Malungkot akong napangiti. Tumulo ang luha niya at agad akong niyakap.

"I-I'm sorry, Yul. Pilit ko namang isinisiksik sa utak ko na ikaw ang mahal ko pero habang magkasama kami ni Neien..." Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil tuluyan na siyang napaiyak.

"Alam ko namang hindi mo ako minahal pero umasa ako na isang araw ay matututunan mo rin akong mahalin. Ang daya naman, lagi ko na lang karibal ang lalaking 'yon sa lahat ng bagay. Akala ko, this time I'll be having something he really want but it's still not." I smiled.

"I'm really sorry, Yul." Umiiyak niyang sabi.

"Kung mahal mo siya... Bakit ka sumama sa 'kin noon? Bakit ka tumakbo palapit sa 'kin bago pa sumabog ang kotse? Bakit ka tumakbo kasama ko? Bakit ka nandito?" Sunod-sunod kong tanong.

"Hindi ko alam. Basta ayoko sa tabi niya. Palagi akong kinakabahan at pakiramdam ko... anytime ay sasaktan niya 'ko. Kaya sumama ako sa 'yo dahil gusto kong maging malaya. Gusto kong maranasan kung paano maging ako. Kung paano ba kumilos ng walang nakabantay at walang magsasabi ng gagawin ko." Sargo ng luha ang magagandang mata niya habang nagpapaliwanag.

"You used me." Nagbibirong sabi ko. I know that she doesn't really mean what she feels when she told me she loves me too. Natatakot siyang madismaya ako sa kanya. Naaawa ako sa kanya dahil lumaki siyang ganoon, nabuhay siyang bawal magkamali at madapa. She missed her half of her life.

"I'm sorry. I've been caged and I know that you're the one who can free me. Hindi ka natakot kay Neien sa maari niyang gawin. But I tried. I tried to love you... but I failed." Nakayuko niyang sabi habang pinupunasan ang mga luha niya. Iniangat ko ang mukha niya.

"I'm just teasing, Honey. What did I told you about lowering your head when you're talking to someone? Honey, you are still my Harra. You are very beautiful and you should be proud of it. I can just stare at you the whole day." I smiled at her. She smiled and nodded.

"Ang tanga ko talaga, bakit hindi na lang kasi ikaw ang minahal ko. Ikaw na hindi ako kayang saktan at kayang ibuwis ang buhay para lang sa paborito kong tinapay." Natatawa niyang sabi habang patuloy sa pag-agos ang luha niya.

"We can't really choose who to love. I admit. I'm hurt but this will fade soon, it will take time. All I want for now is you to be happy. Gusto mo bang bumalik kay Thunder?" Tanong ko sa kanya. Muling bumadha ang takot sa mukha niya at marahas na umiling.

"Ayoko. Hindi na ako babalik sa kanya. Hindi ko kayang isugal ang buhay ng anak ko." Mariing sabi niya habang sapo ang tiyan niya.

"Akala ko ba mahal mo siya. Hindi naman nawala 'yon di ba? Mahal ka rin niya. What's the matter, Harra?" Muli kong tanong sa kanya.

"Yes, I do love him pero hindi sapat 'yon para ipagkatiwala ko sa kanya ang puso ko. Kung nakaya niya nga akong saktan, physically at emotionally, akala mo ba hindi niya ako kayang saktan ulit? Tingin ko ay hindi naman talaga pagmamahal ang nararamdaman niya. He's obsess with the thought of us ending up together. Kahit nang mga bata pa kami ay lagi niyang sinasabi na, 'I am ought to love you, so are you.' Everything is just his obligation and not his heart." Malungkot niyang tugon sa 'kin.

"Paano na ang magiging baby niyo? Sino ang tatayong ama sa kanya?" Hindi ko mapigilang muling magtanong.

"For now, hindi ko pa alam. Magpapaskil na lang siguro ako sa social media ng wanted: Father for my Baby." Nakangisi niyang sagot. Agad na nagsalubong ang kilay ko at napanguso.

"Ako naman ang best friend mo ah! Ako ang tatayong ama sa Baby mo." Nakakatampo naman 'tong buntis na 'to. Basted na nga ako eh, na-best friend zone pa.

"Best friend? Wala pa akong nagiging best friend." Mahinang sabi niya.

"Well, you have one now. Study says that best friends of opposite sex ends up together. Malay mo magkaroon ng tunay na sparks at maging tayo." Biro ko sa kanya. Jokes are half meant.

"Kaya mo bang tanggapin ang anak ko?" Natatawa niyang tanong.

"I'll have anything you can offer." Seryoso kong sagot sa kanya. Ngumiti naman siya at humilig sa balikat ko. This is really out of my control. But as long as I can see she's happy I'm willing to be hurt. Oo na, martyr na at tanga pero bihira lang ang mga katulad kong gwapo na sagad pa magmahal. Kahit #BesprenZone as long as meron tinatanggap ko.



---
Here's the Update! Thank you for waiting!
So Fafa Yul is not really mean and I can't blame Harra-Haru if she falls for him.
Enjoy reading and keep voting~
Please do leave a comment it is highly appreciated. :D
#BesprenZone
P.S. Thank you for spending time reading. Enjoy. ヽ(*⌒∇⌒*)ノ

The Betrothed Maiden (THE DEVIL'S BABY MAKER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon