IV

181K 3.4K 84
                                    

IV

"Neien, are you sure about this?" Tanong ng kanyang sekretarya.

"Wala ka sa posisyon na tanungin ako ng ganyan." Sagot ng binata habang abala sa pagbabasa ng mga kontrata.

"I'm talking here as your half-brother." Nasa boses nito ang pagkainis sa lalaki. Doon nakuha niya ang atensyon ng binata. Padabog nitong ibinaba ang papeles na binabasa.

"Darin! You are my brother not half. You are not an illigitimate child! Why are you staying with me anyway? I can give you the half of all of this. Just say it." Naasar na saad nito. Mapait na napangiti ang kapatid nito.

"Why are you so good to me? Di ba dapat ay galit ka rin sa 'kin? Dapat ay pinagdadamutan mo ako sa lahat ng mayroon ka dahil ikaw ang legal na anak?" Tipid ang ngiting sumusupil sa kanyang mga labi.

"Stop it, Darin. Isa pa at talagang sasapakin kita. Wala kang kasalanan sa pagtataksil ni Dad kay Mom. Biktima ka lang rin." Seryosong tugon nito.

"Neien, tell me honestly. Bakit napakadesperado mong makuha ang babaeng yun? Marami ang gustong mag-volunteer na anakan mo. Bakit siya pa?" Tanong ulit ni Darin.

"Because of that useless bastard. I will ruin him. Lahat ng may kinalaman sa kanya. Kulang pa ang ma-commatose siya. At hindi pa rin sapat kahit mamatay siya. Kulang na kulang pa rin." Puno ng galit ang mga mata nito.

"Neien, you better not regret this." Umiiling na sabi ni Darin.

"D, shut it. I'm not paying you to talk to me. Do your job." Balik sa strikto ang boses nito.

"Oh, fvck that. Alam ko namang kahit humilata lang ako rito buong araw ay may sweldo pa rin ako. At kahit wala akong gawin ay laging may laman ang bank account ko na sobra-sobra ang laman para sa hamak na sekretarya ng isang bipolar na katulad mo." Palatak nito. Agad namang tumama sa kanya ang walang laman na cup ng mamahaling kape sa ulo niya.

"Tumigil ka or I'll fire you." Pikon na sabi nito.

"Ika-597 beses mo ng sinabi yan." Cool na sagot nito habang abala sa ginagawa niyang pag-aayos ng mga folder sa kabilang mesa matapos niyang ayusin 'yon ay lumabas na ito para bumalik sa kanyang pwesto. Napailing na lamang ang kapatid nito. Bumalik na lamang siya sa trabaho. Hindi niya namalayan ang pagtakbo ng oras. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at lumitaw roon ang babaeng kasintahan ng kinamumuhian niya. Napangisi siya. Sinuri niya ito mula ulo hanggang paa. Simple ito at maganda. Mukhang kagalang-galang. Naka-baby pink itong blouse na tinernuhan ng hanggang tuhod na palda. Amoy na amoy niya ang pabango nito.

"Boss, Ms. Harra is inside." napatingin siya sa tumunog nitong intercom. Nilapitan niya iyon at sinagot.

"Go have lunch. Be back after two hours." Sagot niya rito habang matiim na nakatitig sa dalaga. Nakayuko ito at medyo namumula ang mga pisngi.

"Got it." Sagot ng kanyang sekretarya.

"Come here." Tawag niya rito kahit alangan ay lumapit ito sa kanya. Marahan niya itong hinila paupo sa sofa na nasa kanyang opsina. Tahimik lang itong sumunod sa kanya.

"What brought you here?" Tanong niya sa dalaga. Doon lamang nagtaas ng tingin ang dalaga at matamang tinitigan ang mga mata niya.

"P-pumapayag na ko." Mahinang sambit nito ngunit sapat na iyon para kanyang marinig.

"I know you will." Nakangising sagot niya. Hindi na siya nagulat sa sinabi ng dalaga ang totoo nga ay inaasahan na niya itong mangyayari. Tumayo siya at kinuha ang kontrata sa kanyang drawer. Bumalik ito sa kinauupuan ng dalaga at iniabot sa kanya ang kontrata. Kinuha na lang iyon ng dalaga at agad na pinirmahan.

"You're not gonna read it?" Manghang tanong ng binata.

"Basahin ko man yan at magreklamo man ako ay wala ring silbi dahil hindi na yan mapapalitan." Bakas sa boses nito na labag ito sa kanyang kalooban. Napangiti na lamang siya at muling isinilid sa folder ang kontrata.

"Good girl. Now, let's seal it with a kiss." Hindi na niya hinintay ang tugon ng dalaga at hinalikan na niya agad ito. Maiinit at mapagparusang halik.

---
zaxscdv Saeng Il chukha!! Saranghaja! XOXO

Sana nagustuhan niyo... ;)

The Betrothed Maiden (THE DEVIL'S BABY MAKER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon