XXXII

128K 2.2K 50
                                    


XXXII

*HARRA

Ilang araw na kaming hindi nag-uusap. Well, hindi ko siya kinikibo kahit na kinakausap niya' ko. Buong-araw rin akong nasa ospital para maka-iwas sa kanya. Madalas kapag nandito lang ako sa ospital ay umiiyak lang ako at natutulala. Alam ko namang masama ang ugali niya pero hindi ko akalaing kaya niyang maging ganoon kabayolente. Nagpaalam na ako kay Yul saka tinahak ang daan pauwi. Pagdating ko sa mansion ay sigaw agad niya ang narinig ko.

"Can't you make that baby stop crying?! You are paid to do that!" sigaw niya sa isang nanny na may buhat na batang nasa dalawa o isang taong gulang. Lalo namang lumakas ang iyak ng bata na lalo namang ikinakaba ng nag-aalaga sa kanya. Bago pa siyang muling muling sumigaw ay nilapitan ko na sila at kinuha ang bata.

"He won't stop crying if he feels he's in danger. You're scaring him." Sabi ko sa kanya habang inuugoy ang bata. Tumigil naman ang bata sa kakaiyak.

"He's been crying since he came here. It's irritating." Nakasimangot na sagot niya.

"He's irritated too. Aakyat na kami." Sagot ko saka tinalikuran sila. Sinabihan ko na lang ang nanny niya na dalhin ang gamit ng bata sa kwarto. Pagdating namin doon ay inilapag ko siya sa kama. Naupo naman siya at nakatitig lang sa 'kin.

"Bakit ka umiiyak baby boy? Tinakot ka ba ng monster na 'yon? Nami-miss mo ba si Mommy?" Muling umiyak ang bata nang banggitin ko ang mommy.

"Mimi! Mimi!" iyak niya. Pinunasan ko naman agad ang luha niya saka tinabihan siya.

"Shhh... Don't cry. Ako muna Mimi okay? Let's make you comfortable." Sabi ko sa kanya saka pinalitan siya ng damit. Siguro ay naiirita siya sa suot niya kaya iyak ng iyak. Pinalitan ko ng sando ang damit niya saka ipinagtimpla ng gatas. Inilabas ko din ang mga laruan niya. Inilatag ko muna ang mattress sa sahig saka doon siya pinaglaro. Tawa naman ng tawa ang bata habang naglalaro kami. Dahil nakakapaglakad na siya ay naghahabulan kami sa loob ng kwarto. Tuwang-tuwa rin siya sa mga bubbles na inilalabas ng bubble gun niyang laruan. Nang mapagod ay naupo muna kami. Maya-maya pa ay hinihimas na niya ang tyan niya.

"Nagugutom ka na? Do you want milk?" tanong ko sa kanya. Umiling naman siya at nagsimula na namang umiyak. Inalo ko naman siya. Tumigil naman siya agad sa kakaiyak kaya bumaba muna kami sa kusina. Nandun na si Chef Igo.

"Oh, hello baby Klanc. Sinungitan ka ba ng Tito Neien mo?" tanong niya sa bata habang nilalaro ito. Binigyan niya ng sliced apple si baby. So, Klanc pala ang palangalan niya. Cute.

"Pamangkin niya si Baby?" tanong ko kay Chef Igo.

"Yep." Sagot niya habang nilalaro yung bata.

"Pamangkin niya pala 'to tapos kung sigawan niya parang hindi kadugo." Naiirita kong komento.

"No. Klanc is his favorite nephew though he's not really fond of kids. Neien is usually calm but he loses his temper you're not around." Sagot naman ni Chef Igo.

"Eh di sana ako na lang ang pinagbalingan niya ng inis niya." Sagot ko naman.

"He can't do that after what he did to you" seryosong sabi niya. Napayuko naman ako.

"Ma!" napatingin ako kay Klanc na inaabot sa 'kin ang isang slice ng apple. Napangiti naman ako. Kinagatan ko naman 'yon at tawa siya ng tawa.

"Baby Klanc, anong gusto mong kainin?" tanong ko habang pinipisil ang nakakagigil na pisngi niya.

"Hindi maarte si Klanc sa pagkain. Pero matalino 'yang batang yan. Hindi niya kakainin hangga't hindi mo tinitikman. Anong gusto mo Harra? Ipagluluto na kita." Nakangiting baling niya sa 'kin.

"Uhm... Busog pa ako eh. Si Klanc na lang ang ipagluto mo." Nahihiya kong sabi sa kanya.

"Just give us mushroom soup, we'll decide later." Sabi ng boses sa likod ko. Alam kong siya 'yon.

"Alright, coming up." Sagot ni Chef Igo saka nagsimula ng magluto. Naupo siya sa tabi ko.

"Hey, buddy. Sorry about earlier." Sabi niya kay baby Klanc. Binato naman siya ni baby Klanc ng slice ng apple saka tumawa. Pigil din ang tawa ko. Buti nga sa 'yo.

"Klanc, don't waste your food." Nag-pout naman si Baby Klanc kaya pinanggigilan ko na naman yun pisngi niya.

"Harra, talk to me." Mahinang sabi niya sa 'kin na para bang nakikiusap. Hindi ko siya tinignan at itinutok ko na lang ang paningin ko sa baso na nasa harap ko. Hinawakan niya ang kamay ko at bigla ko na lang itong natabig kasama ang baso. Napatayo ako at agad na lumayo sa kanya. Nanlalamig na naman ako at kinabahan. Agad kong pinulot ang mga basag na parte ng baso dahil baka masaktan na naman ako. Nanginginig kong pinagpupulot ang mga 'yon.

"Harra! Sabi nang h'wag mong hawakan yan!" Sigaw niya kaya napahigpit ang hawak ko sa mga piraso nito at napaatras. Umaliwalas naman ang mukha niya at itinayo ako. Napansin niya sigurong natatakot ako.

"What happened? Anong ginawa mo Neien?!" humahangos na sabi ni Butler Peri. Agad niyang itinulak palayo si Neien mula sa 'kin at dinala ang kamay ko sa lababo at doon ko lang napansin na may dugo ang kamay kong nanginginig. Napatingin ako kay Neien at bakas sa mukha niya ang lungkot. Tumalikod na lang siya at umalis. Hindi ko alam pero nagi-guilty ako sa ginawa ko. Ginamot ni Butler Peri ang kamay ko at pinayuhan akong wag munang malikot. Pinapagaan niya rin ang pakiramdam ko. Napatingin ako sa taas at napailing. Hindi ko pa talaga kayang lumapit sa kanya ulit.

---

Annyeong!

Sorry late update~

Enjoy reading and keep voting! :D

Please do leave comment it is highly appreciated.

The Betrothed Maiden (THE DEVIL'S BABY MAKER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon