LVI

120K 1.9K 145
                                    

LVI

*YUL

"Hey. Are you alright? Kanina ka pa namumutla." Tanong ng Kuya ni Harra. Kanina ko pa sapo ang ulo ko dahil sumasakit na kakaisip kay Harra.

"How are we supposed to get her? I want to be with her." Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Hindi na ako tinatawagan ni Harra. Ayoko namang tumawag sa kanya dahil baka saktan na naman siya ng baliw na si Neien. Hindi lingid sa kaalaman ko ang pananakit niya kay Harra dahil si Harra mismo ang nagkwento sa 'kin.

"Neien called a gathering for both families. We are going there and watch him fail then voila... My sister will be free. Also, you'll see Haru there." Nakangisi niyang sabi.

"What the hell are you talking about?" Muling tanong ko. Nginisihan niya lang ako at nagpatuloy sa pagpapatakbo ng kotse niya. Pakiramdam ko ay lalo lang sumakit ang ulo ko.

"Don't worry this is totally legal. Ibabalik ni Neien si Harra. We don't need to perform drastic illegal stuffs." Bakas sa mukha niya na sigurado siya sa pinagsasabi niya. Siguraduhin niya lang dahil talagang bubugbugin ko siya kapag hindi namin nakuha si Harra. He drove for maybe twenty or thirty minutes then we reached a big gate with Geryon's Family Crest on it. He swiped his gold and black card and the gate immediately opened.

"Woah. Where are we?" I asked him as I roam my eyes around the area. Large trees were aligned to make way. Nang makarating kami sa dulo ng ay may isang malaking gusali. I can't really tell if it's a mansion or a building. It is made of glass and black elegant marble even the door was made by marble and its doorknob was made of shining gold and crystals.

"We're here. We're just sneaking in so you better move like a ninja." Nakangisi niyang sabi

"Ah. Ninja moves. Fine." Bored kong sagot sa kanya. Sumunod lang ako sa kanya at nang makarating kami sa gilid ng pader ng gusali ay itinulak niya ang isa pang pinto at tahimik na pumasok. Nakasunod lang ako sa kanya. Nasa likod lang kami ng malaking poste na sapat na para itago ang katawan naming dalawa. Kung gaano ito karangya sa labas ay triple naman rito sa loob. Walls were done with black and gold mosaic. Big and twinkling chandelier at the center. Malawak ang buong gusali ngunit ang laman lamang nito ay isang marangyang sofa set at malaking aquarium. Napailing na lang ako.

Nang tignan namin ay may iilang tao lamang roon. Ang nakikilala ko lang ay ang Mommy at Daddy ni Neien, naroon din si Darin at ang pinsan niyang si Terrence na nakikiramdam lang. Nakaupo sila sa kabilang sofa samantalang dalawa lang ang nakaupo sa kaharap nilang mahabang sofa.

"Sino 'yong dalawang lalaki na kausap ng daddy ni Neien?" Tanong ko sa kanya.

"Yung matandang 'yon ang tatay ni Haru at Kuya naman niya yung isa, si Uther." Sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya.

"Paano mo nalaman at sino ka ba talaga?" Muli kong tanong sa kanya.

"Malapit mo ng malaman ang pangalan ko. Easy ka lang." Nakangising sagot niya. Magtatanong pa sana ako nang magbukas ang front door. Si Neien. Mag-isa lang siya.

"Son." Nakangiti siyang sinalubong ng Mommy niya at niyakap. Niyakap niya rin ito at hinagkan sa noo. Tinapik naman siya ng tatay niya sa balikat.

"Bakit mo kami pinatawag?" Tanong ng Daddy niya.

"Let's make this fast. I'm leaving the country." Malamig na sabi ni Neien. Napasinghap naman ang mommy niya at bakas rin sa mukha nila ang pagkagulat.

"Fvck! Itatakas niya si Harra!" Bigla akong nataranta at akmang lalabas na ako ay pinigilan ako ng Kuya ni Harra.

"Chill, no need to panic. Stay still and watch. This will be fun." Natatawang sabi niya.

"What are you talking about? You can't leave. Aayusin na namin ang kasal." Salubong ang kilay na saad ng Daddy niya.

"The wedding? It's off. I'm leaving this country with my own family." Seryosong sabi ni Neien.

"You are not calling this off! You're gonna regret this!" Pagalit na sabi ng Daddy niya.

"I'm not gonna regret anything." Sagot naman ni Neien.

"Are you sure about this, Thunder? Kapag sumagot ka ng 'Oo' ay walang kasalang magaganap kahit lumuha ka pa ng dugo sa harap ko." Matiim na sabi ng matandang lalaki.

"I'm sure. I'm not gonna marry Haru." Seryosong sagot ni Neien.

"Good." Nakangising sabi ng katabing binata ng matanda.

"Well then, we are taking our precious angel back." Hindi ko namalayan ang pag-alis ng Kuya ni Harra sa tabi ko. Naroon siya sa front door at akbay-akbay si Harra. Naroon si Harra at gulat na gulat. Ang atensyon ay napunta sa kanya at bakas sa mukha ni Neien ang pagkabigla.

"P-Papa..." Puno ng luha niyang tinakbo ang pagitan nila ng Tatay niya. Mahigpit na yakap ang sinalubong sa kanya ng kanyang ama.

"I'm glad you're back." Tumulo na ang luha ng matanda at mahigpit ang yakap kay Harra.

"W-What's the meaning of this?" Namumutlang tanong ni Neien. Binalingan naman siya ng Kuya ni Harra na kasama ko kanina.

"May I present to you, Haru Dianarra Santos Takano." Nakangising sagot nito.

"You played well, Yuihara. Ngayong wala ng kasalang magaganap sa pagitan ni Haru at Neien ay pinuputol ko na ang ugnayan ng pamilya namin sa inyo." Seryosong sabi ni Uther.

"HARRA!" Sigaw ni Neien habang pilit na inaabot si Harra or should I say Haru? Yes, she's Haru. That's the only thing I know about her.

"No! Aalis na kami." Mariing sabi ni Yuihara saka itinulak si Neien pero hindi nagpatulak si Neien sa halip ay siya pa ang itinulak nito.

"Hindi niyo makukuha si Harra sa 'kin! I'm not giving her!" Hinablot niya ang umiiyak na si Harra at pakaladkad na hinila pero bago pa man sila makarating sa pinto ay humarang na ako.

"Yul..." Halos pabulong na sabi ni Harra.

"Let her go. Wala na kayong koneksyon sa isa't isa. Harra is no longer under your mercy." Mariin kong sabi saka inundayan siya ng suntok. Dahil sa pagkagulat ay hindi siya agad nakabangon at kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para itakbo si Harra.

Nang mapagtanto niyang palayo na kami ay agad siyang sumunod pero pinigilan siya ng mga kuya ni Harra at nila Darin at Terrence. Kahit apat na sila ay mukhang hirap pa rin silang pigilan si Neien. Isinakay ko si Harra sa sasakyang sinakyan namin kanina at agad na pinasibad.

He's really a devil.

---
That's it! Thank you for waiting~
Enjoy reading and keep voting~
Please do leave a comment it is highly appreciated.
P.S. I'm looking forward for your reactions. :D
#TeamNeien or #TeamYul?

The Betrothed Maiden (THE DEVIL'S BABY MAKER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon