LII

116K 1.9K 99
                                    

LII

*YUL

"Why are you helping me?" Tanong ko sa kanya. Nasa rooftop garden kami ng ospital nag-uusap ng estrangheronng nag-aalok ng tulong. Ika-anim na araw na niya akong kinukulit na tanggapin ang tulong niya. Anyway, gumagaling na ako. I can walk alone, I can do everything alone. Buti na lang at wala na si Peri, hindi ko kailangang magpanggap na comatose pa rin.

"That devil doesn't deserve her." He answered.

"So I do." I sneered at him.

"Just accept it. Actually, I should thank you that you took care of her while we are away." He tapped my shoulder.

"No. I'm not giving her to you or to anyone else. Who the hell are you?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"You'll be surprised if I tell you." Nakangisi niyang sagot.

"I'm not gonna accept any help from you unless you tell me who you are." Tinalikuran ko siya at naglakad pabalik sa kwarto.

"Stop. Fine. Do you want to keep her?" Tanong niya. Napatigil ako at napaisip.

"No." Sagot ko.

"What? I thought you want to be with her?" Naguguluhang tanong niya sa 'kin. Hinarap ko siya.

"I don't want to keep Harra. I want her to be free. Ayokong maranasan niyang makulong ulit sa kagustuhan ng ibang tao. Ilalayo ko na siya, once na magkita kami one of these days." I told him. Lumamlam naman ang tingin niya at mapait na napangiti.

"You know, if I met you before... I will definitely let you have my... sister." He smiled bitterly. Napatitig ako sa kanya.

"Sister?" Salubong ang kilay kong tanong sa kanya.

"Yes." Sagot niya.

"Then... hindi ko ibabalik si Harra sa pamilyang nagpahirap sa kanya." Muli ko siyang tinalikuran ngunit agad siyang nagsalita.

"No. Hindi mo siya kailangang ibalik pero itanong mo muna sa kanya kung anong gusto niya. Listen to her. H'wag mong babalewalain ang damdamin ng kapatid ko. She needs someone who can listen to her and that's where we failed." Turan niya.

"Who are you?" Tanong ko dahil mula nang mag-usap kami nitong mga nakaraang araw ni minsan ay hindi niya binanggit ang pangalan niya. Lagi niya lang sinasabi na isa siya sa mahahalagang tao sa buhay ni Harra.

"Tell her, I'm her onii-chan. I'm ---." Naputol ang sasabihin niya nang mag-ring ang telepono niya. "What happened?" Natigilan siya at namutla saka napatingin sa 'kin.

"Why?" Kinakabahan kong tanong.

"S-She's in the hospital." Nautal niyang sabi.

"Ano pang tinatayo-tayo mo riyan?! Tara na!" Sigaw ko sa kanya dahil sa pagataranta. Agad naman siyang natauhan at naunang tumakbo sa 'kin. Lakad takbo ang ginawa ko para maabutan siya. Nang makarating kami sa kotse niya ay agad kaming sumakay doon at pinasibad patungo sa ospital na sinabi sa kanya ng tumawag.

Mabilis kaming nakarating dahil halos liparin na naming ang kalsada. Agad kaming nagtungo sa emergency room na sinabi sa 'min. Nang makarating kami doon ay naroon sina Neien at mga kaibigan niya. Agad na kumulo ang dugo ko at ikinuyom ko ang palad ko.

"Ano na namang ginawa niya kay harra?!" Nanggigigil kong sabi. Akmang susugod na ako ay pinigilan ako ng 'kuya' umano ni Harra.

"H'wag kang lalapit. Baka malaman nilang gising ka na at lalo siyang ilayo rito. We'll have our chance. For now, kailangan nating makaisip ng paraan para itakas ang kapatid ko." Pigil niya sa 'kin, kumalma naman ako at napatango. We need to get her away from here. I need to get her away from people who wants to hurt her.

'I'll see you soon, my Harra.'



*EMERGENCY ROOM

"Bakit hindi mo sinabi na buntis pala si Harra?!" Sigaw ng binatang si Neien sa pinsan niyang si Lowan. Napahikbi naman ang dalaga at napayuko. Itinulak siya ng binata at napaatras ang dalaga sa pader. Agad na sinundan 'yon ng suntok mula sa nobyo ng dalaga na para kay Neien. Napaupo si Neien sa lakas ng suntok nito.

"Hey, man. I won't let you hurt my woman. Kung normal lang na sinasaktan mo si Harra, ibahin mo si Lowan dahil isang aray lang na marinig ko mula sa kanya galing sa 'yo... tandaan mo 'to, sasaksakin kita gamit ang samurai sa office ko!" Mahinahong sabi niya sa nakaupong binata. Agad niyang nilapitan ang nobyang lumuluha at inalo.

"I-It's confidential. Ayaw niyang ipaalam sa 'yo." Turan ng lumuluhang si Lowan habang nakahilig ang ulo sa nobyong si Quin.

"At bakit?! May karapatan akong malaman ang lahat dahil ako ang nagbibigay ng lahat ng pangangailangan niya!" Sigaw ni Neien. Itinayo siya ni Terrence na madilim ang mukha at inundayan ng suntok sa sikmura. Agad naman siyang inawat ni Darin.

"Hey, bro. Tama na. Kapatid ko 'tong sinasaktan niyo! Wala kayong karapatan na basta na lang siya suntukin dahil hindi niyo siya kadugo." Galit na turan niya sa kanila. Napaawang naman ang labi ng mga ito. "Pero ako, may karapatan akong bugbugin siya dahil magkadugo kami." Nanggigigil na sabi niya saka sinikmuraan ang nakaluhod na si Neien. Pagatapos ay binigyan niya ng upper-cut ang kapatid ang mag-asawang tadyak.

"Tarantado ka! Ano na namang ginawa mong kahayupan kay Harra?! Itong mas tandaan mo! Kapag may nangyaring masama sa dinadala ni Harra, magkalimutan na tayo. Wala akong kapatid na katulad mong baliw at sadista! Punyeta ka, ibalik mo kapatid ko! Kahit bato siya at hindi nagpapakita ng emosyon, ibalik mo siya! Hindi ko kailangan ng katulad mo na walang ginawa kundi saktan ang babaeng hindi mo naman kayang mawala sa 'yo!" Sigaw ni Darin ay Neien habang binubugbog ang walang kalaban-laban na si Neien. Tinanggap lang nito lahat ng suntok at tadyak. Nang tumigil si Darin ay tumayo siya.

"Hindi ako katulad mo, Darin. Hindi ako magpapaka-martyr. Hindi ko kayang basta na lang mawala sa 'kin ang babaeng mahal ko. Hindi ko hahayaang mawala siya sa paningin ko at maghintay na bumalik siya. Hindi tayo magkapareho." Sabin i Neien sa kapatid niya. Muli siyang sinuntok ni Darin saka tinalikuran.

"Naiiyak ako. Ang drama niyo." Naluluhang biro ni George. Agad naman siyang binatukan ng kapatid na si Pierre.

"Alam mo kung bakit ayaw niyang ipaalam sa 'yo na buntis siya? Natatakot siyang pati ang bata ay saktan mo. Natatakot siyang kunin mo ang bata at turuan mong maging walanghiya na katulad mo. Natatakot siya na lumaki ang bata na walang nagmamahal sa kanya. Bakit ka ganyan? Lumaki kang pinapalibutan ng mga taong nagmamahal sa 'yo pero wala ka pa ring puso. Ayaw ni Harran a matulad ang bata sa 'yo. Pinilit niyang iparamdam sa 'yo ang pagmamahal niya pero masyado kang natatakpan ng pagkamakasarili mo. Let's go. Hayaan muna natin siyang mag-isa." Mahabang turan ni Terrence saka naunang umalis. Sumunod naman sa kanya ang mga kaibigan niya.
Naiwang mag-isa si Neien at namamanhid.

Hindi niya alam kung ano ang nangingibabaw na emosyon sa kanya. Ito ang unang beses na kinabog ang dibdib niya ng sobrang kaba kasabay ng pagtataka, kasiyahan at pagkadismaya. He's so lost. Wala siyang ibang gusto kundi ang makita ang babaeng dahilan ng paghihirap ng kalooban niya at ang ina ng anak niya. Matagal din bago lumabas ang doctor kaya nang agad na magbukas ang pinto ng ER ay agad niyang sinalubong ang doctor.

"How is she?" Tarantang tanong niya. Napayuko ang doctor at napailing.

"I'm sorry..." Umiling ang doctor at agad na nanlamig ang buong katawan niya.

"No! No! Ang mag-ina ko!" Sigaw niya saka napaluhod.

---
Merry Christmas guyseu!!
Enjoy reading and keep voting!
Please do leave comment it is highly appreciated. :D

The Betrothed Maiden (THE DEVIL'S BABY MAKER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon