XIX

152K 2.7K 64
                                    


XIX

*HARRA

  Nadatnan kong nagbabasa ng mga papeles si Neien sa kanyang Recamier sofa dito sa kwarto. Nakasandal siya sa head rest at nakatalikod sa ‘kin. Nilapitan ko siya para ayaing kumain, kahit naman napakasama ng ugali ng lalaking ‘to ay sabay naman kaming kumakain palagi. Nang makarating ako sa harap niya ay napansin kong tulog pala siya. Gigisingin ko sana siya kaso mukhang pagod siya kaya naupo na lang ako sa tabi ng sandalan at inihilig siya sa ‘kin. Pinagmamasdan ko ang mukha niyang tulog, maamo at gwapo talaga ang mokong.

“Haru..” bulong niya. Bigla na lang akong nalungkot ng banggitin niya yung pangalan ng babaeng mahal niya. Naiintindihan ko yung nararamdaman niya dahil halos pareho lang ang sitwasyon namin pero maswerte pa rin ako dahil nakikita at nakakasama ko pa rin si Yul. Hindi ko alam na ang lalaking ‘to ay minsan din palang nagkaroon ng puso yun nga lang nawala rin at hindi na niya kayang hanapin. Natutuwa rin ako dahil napaka-loyal niya sa babaeng yun. Kung hindi siguro namatay yung babaeng yun ay masaya sila ngayon at wala ako sa posisyong ito. Hinaplos ko ang buhok niyang mas malambot pa kesa sa buhok ko.

“You’ll be fine.” Bulong ko sa kanya at hinaplos ang pisngi niya. Lalong umaliwalas ang mukha niya at marahang ngumiti. Napangiti na rin ako. Kinuha ko ang papeles na hawak niya at ilalagay sana sa mesita pero na-curious ako kaya babasahin ko. Kinuha ko yung salamin niya na hawak-hawak niya rin dahil medyo malabo ang mata ko. Itinali ko ang buhok ko ng pa-bun at nagsimulang magbasa. Ganito pala ang pinagkakaabalahan ng isang Neien Thunder Geryon. Proposal pala ‘to ng panibagong branch nila ka-partner ng isang kompanya. Malapit na kong matapos sa halos thirty pages na proposal na ‘to ng maramdaman kong minamasahe ni Neien ang bewang ko.

“Neien, gumising ka na.” tapik ko sa pisngi niya. Nagmulat naman siya ng mata.
“HARU!” nabigla ako ng bigla niya kong  hawakan ng mahigpit pero nahimasmasan rin agad.

“Neien, si Harra to.” Sabi ko sa kanya. Agad siyang lumayo sa  ‘kin at hinilamos ang palad niya sa mukha niya.

“I know, I’m sorry. Napanaginipan ko kasi siya. Sorry.” Mahinang sabi niya. Nginitian ko naman siya at hinaplos ang buhok niya.
“It’s okay.” Sabi ko sa kanya. Muli siyang napatingin sa ‘kin. Mariin siyang nakatitig sa ‘kin at nagsalubong ang kilay niya. Binitiwan ko agad yung proposal at hinubad yung  salamin.

“U-Uhmm.. Sorry binasa ko. U-uhmm...” kinakabahan kong sabi, marami akong gustong sabihin pero naumid ang dila ko.
“You look hot with glasses and your bun.” Sabi niya kaya napatingin ako sa kanya na nakangisi na pala.

“Uhmmm… K-kumain na tayo.” Pag-iiba ko ng usapan.

“I have better idea, I’ll eat you instead.” Sabi niya saka lumapit sa ‘kin at kinagat ang leeg ko. Marahan ko naman siyang tinutulak pero.. ano pa nga ba? Mas malakas siya sa ‘kin.

“N-Neien, m-meron ako.” Sabi ko sa kanya at tumigil naman agad siya.

“Menstrual period makes men’s life hard.” Sabi niya saka itinayo na ko at lumabas na ng kwarto. Pagdating naming sa dining room ay may pagkain na agad at umuusok pa. Nagrambulan naman agad sa loob ng tyan ko ng maamoy ko ang mga putaheng nakahain. Naupo na kami at nagsimulang kumain. Mas marami ang ulam kaysa kainin sa plato ko. Hindi naman kasi ako talaga palakain ng kanin kaya puro ulam lang pinapapapak ko.

“Sabi mo nabasa mo yung proposal kanina? Any reactions?” tanong niya sa ‘kin habang sumusubo ng pagkain.

“Uhm.. maganda lahat maliban sa isa.” Sabi ko . Napatingin naman agad siya sa ‘kin.

“What is it?” tanong  niya ulit.

“Yung kompanyang makakasama niyo.” Seryosong sabi ko.

“What about it?” tanong niya pa.

“Wala ka bang alam sa kompanyang ‘yon? Hindi ba kayo nagba-background check?” tanong ko sa kanya.

“ORLAN is a good company. In fact nangunguna sila ngayon sa trading. Bago pa lang sila pero nasa top 100 companies na sila.” Sabi niya kaya napangisi naman ako.

“ORLAN? So he changed his bum company name. It’s Nalro. Kilala mo ba si Nalro Alviente? Same old tactics, same old dirty papers.” Napailing na lang ako.

“Who’s he?” seryosong tanong niya.

“Isa siyang manggagancho. Mahilig siyang mangpuntirya ng mga high-class at top companies. Kukuha siya ng impormasyon galing sa isang kompanyang nalinlang niya at ibebenta sa kalabang kompanya. Ang business niya ay isang malaking camouflage. Nabasa ko na ang maraming proposals na katulad ng sa nasa ‘yo. Una, iaangat ka niya. Pangalawa, unti-unti niyang papasukin ang system niyo at pangatlo wala na ang kompanya mo ng hindi mo namamalayan. Don’t be fooled by his long-term benefits. Kukunin niya lahat. Investors, marketing strategies, top employees ang matitira na lang sa ‘yo ay latak kapag nagkataon.” Sabi ko habang ngumunguya. Hindi siya nagsalita kaya napatingin ako sa kanya.

“How do you know?” hindi makapaniwalang tanong niya.

“That’s a secret and you owe me.” Nginitian ko siya. Napailing siya at napaisip.

“What do you want? I don’t want to owe you something.” tanong niya. Agad naman akong napangiti.

“Mall tayo bukas.” Sagot ko at nagdadalawang isip pa siyang napatango.

---
Neien and Harra in a date!
Enjoy reading keep voting~ :*
Hello sa mga male readers natin na ayon sa demograph ay 6 percent, mga bruh~ XD
Neien's Recamier sofa  picture there.
Oh~ how I want to lay in that classical type of sofa~

The Betrothed Maiden (THE DEVIL'S BABY MAKER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon