XXII

143K 2.8K 98
                                    

XXII


*HARRA

Kanina pa ako namimilipit sa sakit. Pinagpapawisan na ako at hindi ko na kaya ang sakit. Ugh! Menstrual cramps! I hate you! Tatawagan ko na lang si Neien at sasabihin hindi na matutuloy yung lunch date namin. Dahil sabi niya ngayon na lang daw naming i-celebrate yung birthday ko. Tinawagan ko na siya at nakakatatlong ring palang ay sinagot na niya.

"H-hi, Neien." Simula ko at sinubukang wag magtunog naghihirap yung boses ko.

"What's wrong?" tanong niya.

"Good morning din." Napairap ako sa hangin.

"Don't you roll your eyes on me woman. Why did you call?" tanong pa niya. Lalo namang kumirot yung puson ko. Napahikbi ako.

"U-Uhmm... wag na lang muna tayong mag-lunch n-ngayon." Nahihirapang sagot ko sa kanya.

"Why? Are you crying?" Usisa niya pa.

"Ang dami mong tanong! Masakit puson ko!" hindi ko mapigilang sigaw sa kanya. Wala na muna akong pakialam kahit pagalitan niya ako ngayon.

"Don't shout, woman. I hear you. D, cancel all my appointments this afternoon. Reschedule them tomorrow." Rinig kong sabi niya.

"NEIEN!" napasigaw ulit ako kasabay ng pagkirot.

"Don't make me repeat myself, Harra." Seryoso niyang sabi.

"A-ano... kaya ko naman. Wag ka ng mag-abala. Mawawala din yung sakit mamaya." Sabi ko sa kanya.

"That wouldn't change the fact that you're hurting and you don't tell me what to do, I do." Sagot naman niya sa 'kin.

"Harra, get well soon. Papadalhan na lang kita ng sweets!" rinig kong sigaw ni Darin. Sinaway naman siya ni Neien at pinapatahimik.

"I'm on my way... home." Sabi ni Neien saka binaba na yung telepono. Napangiti naman ako. Kagabi... kahit na tumanggi siya sa proposal ko. Naradaman kong kahit papaano ay medyo bumuti na ang pakikitungo niya sa 'kin. Kagabi nga ay nakatulog na lang ako sa veranda katabi niya pero paggising ko kanina ay nasa kabilang kwarto na ko at iba na rin ang damit ko. Buti na lang hindi ako nagkalat.

Nakakatuwa rin na kaya niyang maging loyal dun sa babaeng mahal niya kahit wala na siya. Tumanggi siya at sinabi sa 'kin na...

'I can't betray my precious angel. I won't replace her nor do things I wish we did with other woman. If it's not her I will never be satisfied. You see? Hindi lang ako nagsisisi na hindi ko nagawa yung mga bagay na gusto niyang gawin, nagsisi rin ako na hindi ko naparamdam sa kanya ng sobra yung pagmamahal ko. Even if I do it with you, the feeling will never be the same because you're not her.'

May romantic bone naman pala kahit papaano yung demonyitong 'yon. Nami-miss ko tuloy si Yul. Kapag ganitong namimilipit ako sa sakit ay talagang nasa tabi ko lang siya at hahawakan ang kamay ko habang pinapatulog ako. Lalo lang akong naiiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko at dahil sa pagka-miss kay Yul. Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na namimilipit dito sa banyo. Buti na lang at may counter na pwedeng upuan dito sa banyo ng kwarto na 'to. Pawis na pawis na ako at alam kong hindi lang pawis ang bumabasa sa mukha ko kundi pati luha.

"Harra!" napatingin ako sa nagbukas ng pinto ng banyo na si Neien at salubong na naman ang kilay. Inilang hakbang niya lang ang pagitan namin.

"N-Neien." Pinilit kong ngumiti sa kanya. Agad naman niya akong binuhat at dinala sa kama. Lumabas ulit siya at pagbalik niya ay may dala na siyang t-shirt at boxer. May dala rin siyang underwear ko at n...napkin. Naligo kasi ako kanina para kahit papano ay mawala yung sakit pero lalo lang kumirot ang puson ko at nilamig lang ako. Bukod sa tuwalya ay wala na akong kahit anong suot. Akmang tatanggalin niya yung towel pero pinigilan ko siya.

"Can you dress yourself?" tanong niya at tipid ko siyang nginitian. Tumalikod naman siya kaya nagbihis na rin ako. Matapos kong magbihis ay sumampa na ako sa kama at doon namaluktot. Naramdaman kong lumundo ang kama at kinabig ako payakap ni Neien sa bisig niya at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.

"It's you third day. Dapat ay sa una o ikalawang araw yan sasakit. Bakit ngayon?" tanong niya.

"Di ko alam. Patulugin mo na lang ako." Sabi ko sa kanya saka sumiksik sa dibdib niya.

"Fine, I'll massage you." Sabi niya saka nagsimulang magmasahe.

"N-Neien, anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.

"I'm massaging you." Nakangisi niyang sagot.

"Puson ang masakit sa 'kin at hindi ang dibdib ko, Neien." Namumula kong saway sa kanya dahil ang palad niya ay nasa dibdib ko.

"Oh. I thought it would at least ease the pain." Mahina siyang tumawa at pinagapang ang palad niya sa puson ko at doon ay minasahe nga niya. Habang busy siya sa pagpapak sa leeg ko. Pervert.

"N-Neien... ano ba? Baka magkapasa ako." impit kong saway sa kanya dahil baka mapaungol ako sa ginagawa niya. Kinakagat-kagat niya kasi ang leeg ko.

"Just sleep." Sabi niya hinagkan ako sa noo. Maya-maya pa ay bumigat na ang talukap ko at nakatulog na rin sa wakas. Masarap sa pakiramdam ang init na nagmumula sa katawan ni Neien. It's so comforting and it made me sleep.


---

ANNYOENG YEOREOBUN! (Yeoreobun is everyone right? ^_^7)

Sa mga lalaking hindi nahihiyang bumili ng sanitary pads ng kapatid or girlfriend nila!

I salute you. You are so sweet. It's quite attractive for a man. :D

Enjoy reading and keep voting~

P.S. Please do leave a comment. :D It is highly appreciated. :D

meckaela, dedicated for you dahil sa flood votes. Thank you.. :D


The Betrothed Maiden (THE DEVIL'S BABY MAKER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon