LIV

121K 1.9K 100
                                    

LIV

*YUL

"Yul, dapat hindi ka pa lumalabas at dapat ay nagpapahinga ka lang. You are still under observation. Hindi natin masasabi ang pwedeng mangyari sa 'yo. Madalas kang nawawalan ng malay at sumasakit rin ang ulo mo. Magpahinga ka lang muna at inumin mo ang mga gamot mo on time. Matagal kang hinintay ni Harra so please, do your part to make yourself better." Mahabang litanya sa 'kin ng aking doctor.

"Yes, doc. Magpapahinga na po ako." Marahang tumango ang doctor at nahiga. He's right. I should rest for Harra. Akmang matutulog na ako nang tumunog ang telepono sa loob ng drawer ko kaya agad ko iyong kinuha at sinagot.

"Yul..." Si Harra. Mukhang kagigising lang niya. Pinuntahan ko siya nang umalis si Neien.

"Hon, kumusta pakiramdam mo?" Malambing kong tanong sa kanya.

"Maayos na ang pakiramdam ko. Kumain ka na ba? Uminom ka na ba ng gamot? Anong sabi ng doktor?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Harra, honey. I'm fine. I'm doing great. Don't worry about me, worry about yourself. Alagaan mo ang sarili mo dahil hindi na lang ikaw ang nasa katawan mo." Tugon ko sa kanya. Bigla naman siyang humikbi.

"Yul..." Humihikbi niyang sabi. Bigla naman akong kinabahan.

"Bakit Harra? May masakit ba sa 'yo? Bakit ka umiiyak?" Natatarantang tanong ko sa kanya.

"He wants to leave the country." Umiiyak na sabi niya.

"You're crying because of that? Mahal mo ba siya kaya ka umiiyak?" Salubong ang kilay kong tanong sa kanya.

"No. Gusto niyang umalis kasama ako. Gusto niya akong ilayo rito. Let's run away." Humihikbi niyang sabi.Akmang sasagot pa lang ako ay biglang naputol ang linya. Tinawagan ko ang 'kuya' niya at agad naman niyang sinagot 'yon.

"What's up?" He answered.

"Neien is planning to leave the country with Harra." I told him.

"What?! Fvck! Kailangan na nating siyang kunin! When's the flight?" Tanong niya.

"Hindi ko natanong. Bigla na lang niyang pinatay yung tawag eh." Sagot ko.

"I'll distract him. For now, mag-isip muna tayo ng plano. Pupunta ako d'yan." Sabi niya.

"Got it." Pinutol ko na ang tawag. Muling sumakit ang ulo ko at bigla akong nahilo. Ipinikit ko muna ang aking mga mata para magpahinga. Not now, Harra needs me.


*HARRA

"Sinong kausap mo?" Agad na tanong ni Neien nang maabutan niya akong hawak ang telepono. Madilim ang mukha niya at galing siya sa labas, may dala rin siyang mga pagkain.

"T-Tatawagan pa lang sana kita." Kinakabahan kong sagot. Umaliwalas naman ang mukha niya at lumapit sa 'kin saka ako hinagkan sa noo.

"Bakit? May gusto ka bang ipabili?" Masuyong tanong niya.

"G-Gusto ko sana ng carrot cake pero nandito ka na kaya h'wag na." Nakayuko kong sabi dahil hindi ko kayang magsinungaling sa habang nakatingin sa mga mata niya.

"Bakit di mo agad sinabi? Teka, bibili lang ako." Sabi niya saka akmang aalis pero pinigilan ko siya.

"H'wag na. Yung dala mo na lang yung kainin natin." Pigil ko sa kanya.

"No, you're craving for it so I'm getting it for you." Rason niya. Lihim akong napangiti.

"Nagugutom na ko. Kumain na tayo." Nakanguso kong sabi. Bigla naman siyang yumuko at siniil ng halik ang labi ko. Matagal at masuyo. We both moaned as we stopped to breath for air.

"I missed you." Malambing na turan niya.

"Lagi naman tayong magkasama ah." Namumula kong sabi. Maluwang siyang ngumiti at sumilip ang pantay-pantay niyang mapuputing ngipin.

"Yeah. But your mind seems to be somewhere else." Lumambong ang mata niya at nag-iwas ng tingin. Parang piniga naman ang puso ko nang lumungkot ang mga mukha niya. Hindi na ako sumagot at yumuko na lang. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.

"Anyway, let's eat. Baby, are you hungry? Daddy brought you healthy foods. Tell me what you want to eat and I'll buy the whole world." Nakangiti niyang sabi habang kinakausap ang impis kong tiyan. Napangiti rin ako at napahaplos sa buhok niya.

"Ano ka ba... hindi ka pa maririnig niyan." Natatawang sabi ko.

"I don't care. I want to talk to our child. Wow. Malapit ng mag-four months na ang baby natin pero parang busog lang ang tummy mo. Ang sexy mo pa rin." Nakasimangot niyang sabi. Mariin kong kinurot ang nakanguso niyang labi. Nakakagigil eh. Agad siyang lumayo at hinawakan ang kamay ko.

"Hey. Masakit na." Reklamo niya.

"Ang cute-cute mo kasi eh. Nakakagigil." Nakatawang sabi ko sa kanya. Agad naman akong na-konsensya dahil namumula ang nguso niya at bumakat rin ang kuko ko.

"I'm not cute. I'm handsome as you can ever describe and I understand kung bakit mo ko pinanggigigilan." Nakangisi niyang sabi. Napairap naman ako sa hangin.

"Kumain na nga tayo." Nakasimangot kong sabi. Agad naman siyang lumapit sa tabi ko at niyakap ako saka pinapak ang leeg ko.

"Can I just eat you instead?" Bulong niya sa puno ng taenga ko.

"Ang landi mo. Kakain ba tayo o ano?" Naiinip kong tanong sa kanya.

"Easy baby, heto na nga po. Ipaghahanda na kita. Pasalamat ka mahal kita." Sabi niya habang inilalabas ang mga pagkain mula sa basket. Natigilan naman ako at napatingin sa sobre na nasa tabi ng vase.

"Nga pala, Neien. May sobreng dumating dito." Sabi ko sa kanya. Nanigas siya at marahang humarap.

"Kanino raw galing?" Tanong niya. Kinuha ko 'yon at inabot sa kanya. Kinuha naman niya ang sobre at mabilis na binuksan. Biglang nagningning ang mga mata niya.

"Galing kay... H. Sino ba siya?" Mahinang tanong ko sa kanya. Bumaling ang tingin niya sa 'kin at nawala ang kislap sa mga mata niya.

"It's nothing. Kumain na tayo." Sagot niya. Hindi na ako nangulit at tahimik na kumain. Matapos ang tahimik naming pagkain ay nagpahinga lang ako ng kaunti at nahiga. Nang sulyapan ko siya ay nililinis niya ang pinagkainan namin.

"Ask me if you want to know something." Biglang sabi niya. Bumuntong hinga muna ako bago nagtanong.

"Sino si H? Siya ba si Haru? Nagbalik na ba siya?" Tanong ko. Tinignan ko siya. Napipilan siya at hindi nakasagot. Tumitig siya sa 'kin at tila naghahagilap ng tamang isasagot sa 'kin. Mapait akong napangiti at ibinaling ko ang tingin ko sa labas ng bintana.

"It doesn't matter." Sabi niya.

"Kung sakaling bumalik siya at magpakita. Sino sa amin ang pipiliin mo? Ako at ang anak mo o yung babaeng talagang mahal mo at matagal mo ng hinihintay?" Muli kong tanong sa kanya. Naghintay ako ng sagot, ilang minuto rin akong nag-hintay pero wala akong nakuhang sagot. Nang ipikit ko ang mga mata ko ay tumulo naman ang luha ko.
0
"Magpahinga ka na. Lalabas lang muna ako para asikasuhin ang bills mo at aalis na tayo." Sabi niya. Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto. Tuluyan na akong napahagulgol.

Lalo ko lang napatunayan na maling mahalin ka. May mga taong nakalaan para sa 'tin. Marahil ay pinagtagpo lang tayo pero hindi itinadhana. Aalis tayo baby. Ayokong lumaki ka na pakiramdam mo ay sampid ka lang. I don't want you to feel unloved and... unwanted .



---
Uhm...
Enjoy reading and keep voting~
Please do leave a comment it is highly appreciated. :D

The Betrothed Maiden (THE DEVIL'S BABY MAKER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon