XIII

164K 3K 48
                                    

XIII


*HARRA


"Bro, asan na sila? Nagugutom na ko." Nakasimangot na tanong ng lalaki kay Darin.

"Just wait." Sagot naman ni Darin sa kanya.

"Baka may iba pang ginagawa." Nakangising sabi pa nung isa. Tinignan lang siya ni Darin at napailing.

"N-Neien, uuwi na ko." Mahina kong sabi sa kanya saka tumalikod. Pakiramdam ko napahiya ako dahil sa sinabi nung lalaki. Nasa pinto na kami pero napatigil nang magsalita sila.

"You're not walking out on me." Mariing sabi niya saka hinawakan ako sa braso.

"B-baka kasi... may masabi ang mga kaibigan mo sa 'yo dahil sa 'kin. Uuwi na lang ako. Dun na lang ako kakain." Nginitian ko siya. Lalong nagdilim ang mukha niya at marahas na binuksan ang pinto. Napatingin naman silang lahat sa 'min.

"Sit." Utos sa 'kin ni Neien saka pinaupo ako sa tabi niya.

"Harra!" napatingin ako sa nagsalita. Yung babaeng doktor na nag-check-up sa 'kin. Nginitian ko naman siya at kiming kinawayan.

"Lowan, what do you want to eat?" masuyong tanong ng lalaking doktor.

"Magtatanong ka pa, eh ikaw naman ang pipili ng kakainin ko." Nakasimangot na sagot ng dalaga.

"Because it's for the best." Tugon ng lalaki saka hinagkan sa noo ang dalaga. Napangiti naman ako sa kanila.

"Ah! OUCH! Ang daming langgam dito! Itigil niyo na nga 'yan!" tila nandidiring sita ng isa pang lalaki.

"Hindi ka talaga makakahanap ng forever kung lagi kang bitter." Nakangising sabi ni Darin.

"Shut up. Kumain na nga tayo!" padabog na sabi nung lalaki.

"Hello, madam. Kamusta ka na?" Nanlaki ang mga mata ko. Yung gwapong security guard.

"I-ikaw yung..." ugh! Nakakahiya, di ko man lang masabi ng diretso yung 'gwapong security guard'.

"Yup! It's me, your handsome knight in uniform." Nakangiti niyang sabi. Nginitian ko rin siya.

"Anyway, this is Harra. Harra this is Hance." Pakilala ni Darin sa gwapong sekyu. Kumaway naman siya.

"This is bitter is George. This woman is Leslien, siya yung kasama mo sa elevator kanina. This one is Pierre, he is George's younger brother. And this couple, I hope you know who they are." Turo ni Darin sa magkasintahang doktor. Tumango naman ako at nginitian silang lahat. Yung George ay nanatili lang nakasimangot samantalang ang kapatid niya ay nginitian ako. Si Leslien naman ay binigyan ako ng nakamamatay na irap. Napayuko na lang ako at pinaglaruan ang mga daliri ko.

"So.. I heard, you are Thunder's baby maker." Mapanuyang sabi ng babae kaya napaangat ako ng tingin. Yung Leslien. Si Neien naman ay hindi nagsalita at tahimik lang na sumisimsim ng juice. Hindi ako sumagot at muling napayuko. Kinakabahan ako. Tahimik lang silang lahat at nakatingin sa 'kin.

"Paano mo nakuha ang atensyon ng taong-bato na 'yan?" tanong pa niya. Mas bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Inakit mo ba siya? Naghubad ka ba sa harap niya? Oh! You're an erotic dancer right? Baka naman sinasayawan mo siya habang naghuhubad ka at inaakit siya." Ramdam ko ang pagngisi niya. Hinihintay kong sawayin siya ni Neien.

"Stop it, Leslien. Kung ano mang meron sila ay labas ka na ron." Seryosong sabi ni Hance. Wala pa ring reaksyon si Neien.

"What? I'm curious. Sabagay, maganda siya, sexy at inosente. Asset na niya yun. Kaya siguro nakuha niya ang atensyon ni Thunder. Pang-ilang customer mo na ba si Thunder at magkano ang bayad sa mga katulad mo?" sabi pa niya. Hinintay kong magsalita si Neien pero hindi siya kumibo. Tumayo na ko at magalang na nagpaalam.

"Aalis na ko. Ikinagagalak kong makilala kayong lahat. At... sana wag niyo akong husgahan dahil sa ginagawa ko dahil may mahalaga akong rason kung bakit ganito. Salamat." Nginitian ko muna silang lahat saka nagpasyang umalis. Agad akong tumakbo papunta sa elevator at umasa na namang hahabulin ako ni Neien pero umasa na naman ako sa wala. Pagsara ng pinto ay doon lang tumulo ang luha ko. I never felt so humiliated. Sabagay, ngayon ko lang naman ginawa 'to. Mapait akong napangiti, pinunasan ko muna ang luha ko bago magbukas ang elevator. Palabas na ko ng may makabangga ako.

"Naku! Sorry po. Hindi ko sinasadya. Okay lang po ba kayo?" tanong ko sa ginang na nabangga ko.

"I'm fine, dear." Nakangiting sagot sa 'kin ng ginang. Teka, ginang nga ba? Mukhang matanda lang siya sa 'kin ng tatlong taon eh.

"Miss sorry talaga. Hindi ko sinasadya." Nag-aalalang sabi ko dahil base sa pananamit niya ay hindi siya basta-basta.

"Miss?" tanong niya sa 'kin. Tumango naman ako.

"Gosh! I like you! Gusto pa sana kitang makausap pero kailangan kong makausap ang anak ko." Nakangiting sabi niya sa 'kin.

"Sigurado pong cute ng anak nyo." Medyo nakangiti kong sabi sa kanya.

"Yeah. He used to be cute nung bata pa siya pero ngayong malaki na siya ay gwapo na siya. Siguro matanda lang sa 'yo yun ng tatlong taon. Sige. Bye, hija. Ingat ka." Masayang sabi niya saka kinawayan ako. Kumaway naman ako pabalik sa kanya. Kahit papano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Paglabas ko ay pumara agad ako ng taxi at nagpuntang ospital. Pupuntahan ko yung taong hindi nagsasawang tanggapin ang kamalian ko at ang mga kahihiyan ko. Yung taong kahit hindi siya gising ay alam kong nakikinig siya sa 'kin. Sa taong minahal ako kung ano mang meron ako at hindi ako ipinagpalit sa iba. Sa taong nagpapasaya sa 'kin at ibinigay ang lahat ng gusto ko kahit hindi na niya kaya. Sa taong mahal ko, si Yul. Ang bukod tanging lalaking nakinig at nakikinig sa 'kin.


---

 Oh well.

 ENJOY READING AND KEEP VOTING! 

:D

Please do comment. Thank you.


The Betrothed Maiden (THE DEVIL'S BABY MAKER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon