XLVI

117K 2K 52
                                    

XLVI

Mula nang makaalis sila sa mansyon ng binata ay hindi pa nag-iimikan ang dalawa. Bakas sa mukha ng dalaga ang kaba at hindi rin ito mapakali sa upuan. Natutuliro ito sa kalagayan ni Yul. Kanina pa siya pinagmamasdan ni Neien na tahimik lang rin at may malalim na iniisip. Hindi nakatiis ang binata at hinawakan nito ang kamay ng dalaga. Agad na napadako sa kanya ang tingin nito.

"B-Bakit?" Takang tanong ni Harra.

"Para kang bulate d'yan. Ang likot mo. Behave ka nga." Nangingiting tugon ng binata. Agad na napayuko ang dalaga at napaayos ng upo.

"Pasensya ka na. Kinakabahan kasi ako." Kiming sagot niya.

"Tch. Why don't he just lie there and never wake up?" Iritang sambit ng binata.

"Neien! H'wag ka ngang magsalita ng ganyan! Matagal ko na siyang hinihintay!" Pagalit na turan niya sa lalaki.

"You dare raise your voice on me because of him? Wala na siyang kinalaman sa 'yo. Dapat nga siguro ay tuluyan ko na ang traydor na 'yon." Madilim ang mukhang sagot ng lalaki habang nagkikiskisan ang mga bagang niya.

"Subukan mo! Subukan mo lang, kahit kailan ay hindi mo na ako makikita! Wala kang karapatan na sabihin sa 'kin na wala siyang kinalaman sa 'kin! Siya lang ang meron ako at hindi ko hahayaang mawala siya. Subukan mo lang, Neien Geryon at mapapasayo ang galit ko." Pagbabanta niya sa binata.

"Ngayon pinagbabantaan mo na 'ko? Kung siya lang ang meron ka, ano naman ako?! Ano ako para sa 'yo?!" Tumaas na rin ang boses ng binata. Natigilan ang dalaga at hindi nakapagsalita saka muling tumingin sa labas.

"Hindi ko alam." Mahinang sambit ng dalaga ngunit sapat na 'yon para marinig ng lalaki.

"What? You can't name what's between us?" Hindi makapaniwalang tanong ng lalaki habang sarkastikong tumatawa.

"Paano? Paano ko papangalanan ang relasyon na nabuo sa pagbabanta at puno ng takot?! Paano ko bibigyan ng label ang gaitong uri ng relasyon. Ah! Oo nga pala. Ginawa mo nga pala akong baby maker. Isang mababang uri ng babae na walang habas mong sinasamantala. Isa lang naman akong puta sa paningin mo di ba? Bakit ba masyado kang apektado sa tawag sa relasyon na 'to?" Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas ng loob para sabihin ang mga iyon Kay Neien. Huminto ang sasakyan at dumapo ang palad ng binata sa pisngi niya. Pero agad namang natauhan si Neien nang tumulo ang luha ni Harra.

"I-I'm sorry... Baby, I'm sorry..." Alo ng binata sa dalagang ngayon ay may sargo na ang luha ang magagandang mata nito.

"Hindi! Ayos lang! Sige! Saktan mo lang ako! Sampalin mo lang ako! Sanay na ako. Nasanay na 'ko. Ganyan ka naman lagi eh. Sasaktan mo ako kung kalian mo gusto. Kung gusto mo patayin mo na rin ako!" Humahagulgol na sigaw ng dalaga sa binata habang sinusuntok nito ang malapad na dibdib ng lalaki.

"Baby, I'm really sorry. Please. I'm sorry. You're not a whore. You're not just a whore. You are Harra. You are mine. Please, I'm sorry... Baby." Pang-aamo ng lalaki saka hinuli ang mga kamay nito at niyakap.

"Napapagod na 'ko." Mahinang sabi ni Harra. Agad na dinaga ang dibdib ng binata sa narinig niya.

"Please. I'm sorry. Hindi na mauulit 'to kahit kailan. Please, patawarin mo na 'ko. Please baby?" Nagmamakaawang sabi ng lalaki.

"Kailan ba tayo titigil? Kailan ba matatapos 'to?" Patuloy sa pag-iyak na tanong ni Harra kay Neien.

"Hindi na 'to matatapos. Walang maaring kumuha sa 'yo mula sa 'kin." Mariing sagot ni Neien.

"Hindi mo ako pag-aari. Paano kung magising si Yul? Paano kami? Siya naman talaga ang... mahal ko." Pahina ng pahina ang boses ng dalaga ng sambitin niya ang huling kataga. Muling dumilim ang mukha ng binata at humigpit ang hawak niya sa kanya.

"Hindi siya magigising. At bago pa mangyari 'yon. I'll make sure you can't ever leave my side." Seryosong sagot ng lalaki.

"Hindi ikaw---." Bago pa man matapos ni Harra ang sasabihin niya ay pinutol na siya ni Neien.

"Ako. Ako ang mamahalin mo. Dadaan sila sa ibabaw ng bangkay ko bago ka niya o nila makuha sa 'kin. Kahit ikaw, kailangan mo 'kong patayin kung gusto mong makawala sa 'kin dahil hinding-hindi kita papakawalan." Mariing sabi niya saka muling pinasaibad ang kotse papunta sa ospital. Hindi na niya pinansin ang pag-iyak ng dalaga at hinayaan niya na lang ito hanggang sa makarating sila sa ospital. Nauna siyang bumaba at pinagbuksan ng pinto si Harra.

Nang makababa ang dalaga ay pinunasan niya ang bakas ng luha sa mukha nito bago sila pumasok ng ospital. Pinagtitinginan sila sa loob habang papunta sila sa kwarto ng traydor na dating kaibigan. Nang makarating sila sa pinto ay hinarap niya ang dalaga.

"This will be your last visit. Hahayaan kitang gawin ang lahat ng gusto mo sa kanya. Pagkatapos ng visiting hours, uuwi na tayo at lalayo mula rito. H'wag kang mag-isip na tumakas dahil mahahanap kita kahit saang impyerno ka pa magpunta." Bulong niya kay Harra saka hinagkan sa noo ang dalaga at nagpunta sa waiting area ng ospital.

Naiwan namang tigagal ang dalaga at hindi makapaniwala. Nang makita siya ni Butler Peri ay agad siyang pinagbuksan ng pinto at pinapasok sa loob.

"Iwan niyo po muna kami." Pinilit niyang tatagan ang boses niya at tumango naman si Butler Peri saka nilisan ang kwarto. Nang masiguro niyang nakalayo na ito ay agad niyang ni-lock ang pinto at naupo gilid ng kama ni Yul saka isinubsob ang mukha sa unan na malapit sa kanya at nagsimulang umiyak.

"Yul, I'm sorry. Nagtaksil ako sa 'yo. I'm sorry for being weak. Patawad dahil tulad ng dati ay isa pa rin akong mahinang babae na kailangan ng proteksyon mula sa 'yo. I'm sorry that I became a whore and not the woman you dreamt to be. I'm sorry na hindi kita ma-protektahan mula sa kanya. I'm really sorry." Humahagulgol na pagtatapat niya sa binatang nakaratay sa kama. Napitlag siya ng marinig niya ang mahinang paghikbi ng lalaki kaya agad siyang napaangat ng tingin rito at ganoon na lang ang panlalaki ng mata niya ng makita niyang nakatingin ito sa kanya habang umiiyak at bakas sa mukha nito ang hinagpis.

"Harra." Humihikbing tawag sa kanya ni Yul. Nakatitig lang siya sa binata habang sinisigurong hindi siya nililinlang ng kanyang paningin. Hanggang sa mapagtanto niyang gising nga ang binatang matagal na niyang pinakahihintay.

"Yul!" Lumiwanag ang mukha ng dalaga at agad na niyakap ang lalaki. Walang pagsidlan ang tuwa na nararamdaman niya ngayon ngunit agad rin iyong napalitan ng kaba dahil sa banta ni Neien.

---
Thank you for waiting. XD
Enjoy reading and keep voting~
Please do leave comment it is highly appreciated. :D

The Betrothed Maiden (THE DEVIL'S BABY MAKER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon