XXX

155K 2.6K 165
                                    

XXX

*HARRA

"What do you want to eat?" Nakangiting tanong ni Neien. Narito na kami sa isang five star restaurant at nasa isang private suite kami nakapwesto kung saan kita ang buong syudad at napakagandang pagmasdan ng city lights.

"Anything you recommend." Nakangiti ko ring sagot sa kanya. Tiniklop na niya ang menu at tinawag ang waiter saka sinabi ang order namin. Dahil wala naman akong masyadong alam sa restaurant na 'to kaya siya ang pinag-order ko. Maya-maya pa ay dumating na rin ang order namin. Umuusok pa at napakabango ng aroma. Nakakagutom. Nang ilapag ang mga pagkain sa mesa namin ay mas nakakagutom itong tignan. Nang makaalis ang waiter ay tumunog ang t'yan ko.

"I guess we are both hungry enough to finish the foods here in the table." Natatawa niyang sabi ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Nilagyan niya ng grilled beef ang plato ko saka nilagyan ng wine ang wine glass sa tabi ko.

"Salamat." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"For the food? Don't mention it." Sagot niya saka nilagyan ang plato niya at nagsimula ng kumain.

"Hindi. Salamat dahil dinala mo ako rito at dahil na rin sa dinner. Salamat sa lahat." Nahihiya kong sabi. Napatingin naman siya sa labas.

"Don't mention it. Stop talking and start eating." Kunot noo niyang sabi kaya nagsimula na rin akong kumain. Habang kumakain kami ay nagtatawanan kami at sweet, na napakapambihirang bagay. Nariyang susubuan niya ako o di kaya lalagyan ng pagkain ang plato ko. Nakangiti rin siya habang kumakain kami. At kung kalian naman ako nag-e-enjoy ay saka naman bumilis ang oras. Hindi na namin halos namalayan na naubos na namin lahat ng pagkain kaya napagpasyahan na naming umuwi. Nasa parking lot na kami nang tawagin ng manager si Neien. Hinintay ko na lang siya sa harap ng kotse niya. Niyakap ko na lang muna ang sarili ko dahil malamig.

"Hey. What are you doing alone here? Sinong kasama mo?" Napatingin naman ako sa nagsalita. Yung huling visitor na in-accommodate ko.

"S-sir." Nauutal kong sabi at sa hindi malamang kadahilanan ay kumabog ang dibdib ko.

"Sir? No. Just call me Ike (Ayk). Buti na lang nakita kita ulit. I was requesting you to be my accommodator since you danced for me. Bakit hindi ka na nagpupunta dun? Are you on leave or something? I really admire the way you danced that day but I admire you more." Nakangiti niyang sabi sa 'kin. Naiilang ko siyang nginitian.

"S-salamat." Sagot ko sa kanya.

"You've been dancing?" Nanlaki naman ang mata ko at nilingon si Neien na nakatayo sa likod ko. Madilim ang mukha niya at nanlilisik ang mga mata.

"Oh! Thunder, it's you. Siya ba ang kasama mo?" tanong niya sa 'kin. Nanlalamig akong tumango.

"Wow! So that explains that! So it was you, what a lucky bastard. You have a very talented woman here. Keep her and take care of her well, I'll be always around to catch her. Au revior." Paalam niya saka tinalikuran kami. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang nanlilisik na mata ni Neien sa 'kin. Bigla na lang niya akong hinablot at itinulak sa loob ng kotse. Tumama ang ulo ko sa handbrake pero masyado na akong kabado para maramdaman yung sakit.

Mabilis na mabilis ang pagpapatakbo niya sa kotse at halos hindi ko na maaninag ang dinaraanan namin dahil sa sobrang bilis niya. Napakapit na lang ako sa upuan at pigil ang luhang tumulo. Mabilis kaming nakarating sa mansion at agad niya akong hinila palabas at kinaladkad papasok. Mahigpit ang pagkakahawk niya sa 'kin at alam kong may pasa na ang braso ko. Marahas niyang binuksan ang pinto ng kwarto at pabalibag na isinara. Malakas niya akong itinulak sa sahig at napasubsob ako doon. Hindi pa man ako nakakabawi ay naramdaman ko ang paghila niya sa buhok ko upang itayo ako. Umiiyak na ako at walang pakialam si Neien, ang nakikita ko lang ngayon ay ang Neien na una kong nakilala. Muli niya akong itinulak at napahiga ako sa kama.

The Betrothed Maiden (THE DEVIL'S BABY MAKER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon