XXXIX

136K 2.1K 250
                                    

XXXIX

*HARRA

"Saan mo gustong magpunta?" Tanong sa 'kin ni Neien. Nakasakay na kami ngayon sa kotse at papunta sa kung saan. Napaisip naman ako.

"Namsan. Punta tayong Namsan." Hindi ko mapigilang mapangiti habang sinasabi ko 'yon sa kanya. Excited ako at talagang gusto kong makarating doon.

"Alright. Mr. Jang bring us to Namsan please." Sabi niya chauffeur sa intercom ng sasakyan namin. May harang din sa pagitan ng driver seat at passenger seat na itim kaya hindi ko makita ang mukha ng driver namin. Intercom lang ang tanging komunikasyon namin sa kanya. Tinted din ang sasakyan at bulletproof sabi ni Neien. Nakangiti siya habang nakatitig sa 'kin kaya naiilang akong napayuko.

"Why?" Tanong niya saka iniangat ang mukha ko.

"Naiilang ako. H'wag mo nga akong titigan. Ang pangit ko." Nakalabing sagot ko sa kanya. Bakas ang amusement sa mukha niya.

"Bright eyes." Sabi niya saka hinaplos ang mga mata ko. "Luscious lips." Hinaplos naman niya ang labi ko at marahan pang kinurot. "Wonderful body." Hinapit niya ako sa tabi niya saka niyakap ako sa bewang habang hinahaplos ang balakang ko pataas sa aking dibdib.

"Neien!" Impit na sigaw ko sa kanya dahil baka marinig siya ng chauffeur. Kahit hindi niya kami makita ay nakakahiya pa rin kapag narinig niya ang pinagsasabi ni Neien.

"Don't worry hindi niya tayo maririnig. Akala mo ba hahayaan kong may ibang makarinig na iba sa sexy moans mo? No way. I'll kill them and chop their ears off." Sabi niya with his husky voice habang minamasahe ang dibdib ko.

"Neien! Sabi mo mamamasyal tayo? Iba na 'yang pinapasyalan ng kamay mo eh!" Namumula kong tapik sa kamay niya. Natawa naman siya at humilig na lang sa balikat ko, nanatili lang siyang ganun buong byahe. Maya-maya pa ay huminto na ang sasakyan.

"Sir, we're here." Napatingin ako sa maliit na speaker. Baritono ang boses nito at mukhang bata pa. Hindi nagtagal ay nagbukas ang pinto ng sasakyan.

"Thank you." Sabi ko. Aabutin ko na sana ang kamay ni Mr. Jang na nakalahad sa harap ko ay tinabig 'yon ni Neien. Ni hindi ko man lang namalayan na nakalabas na siya.

"Keep your hands to yourself, Mr. Jang." Mapanganib na sabi ni Neien. Umatras naman ng kaunti si Mr. Jang at hinayaan si Neien na alalayan ako palabas. Napairap na lang ako sa hangin dahil sa ginawa ni Neien. Napaka talaga! Napaka -sexy, napaka-wild, napaka-yummy, napakagaling , napakatikas, napakamainit-in at napaka-sherep~! Ay! Ano ba 'tong pinag-iisip ko. Nakakahiya.

"Are you alright, Ma'am?" Magalang na tanong ni Mr. Jang kaya napatingin ako sa kanya. At napanganga ako nang makita ko ang mukha niya. Tsinito, matangos ang ilong, mapupula ang labi, matangkad, may kalakihan ang katawan, nag-uumapaw ang pheromones, Gwapo at gwapo saka gwapo rin, Nasabi ko na bang gwapo siya? Hindi pa? Ang gwapo niya

"Harra." Doon lang nahiwalay ang tingin ko kay Mr. Jang at napatingin kay Neien na masama ang tingin. Agad akong napalapit sa kanya at napasiksik.

"N-Neien." Nauutal kong tawag sa kay Neien na madilim ang mukha. Tinapunan niya ako ng masamang tingin saka tumingin kay Mr. Jang. Nag-bow na si Mr. Jang at muling pumasok sa kotse saka pinaharurot 'yon palayo.

The Betrothed Maiden (THE DEVIL'S BABY MAKER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon