XLII

123K 2.1K 83
                                    

XLII


*GEORGE


"What the fvck is he doing?" I asked Pierre, my younger brother.

"Hayaan mo na siya Kuya. Malaki na si Kuya Neien." Nangingiting sagot niya sa 'kin.

"Like really?! Para siyang bata." Naaalibadbaran kong sabi. Neien is acting like a child. Pinagbabato niya lahat ng unan sa sofa tapos ipapapulot kay Harra.

"Neien... napapagod na 'ko." Hinahapong sabi ni Harra. Neien just crossed his arms in his chest and pout.

"I DON'T CARE! SABI KO WAG KANG LALABAS PERO HINDI KA NAKINIG SA 'KIN!" Nakasigaw niyang sabi.

"Tumigil ka nga! Para kang bata eh. Mukha kang tanga!" Naiinis na sabi ni Darin saka binato ng unan sa mukha si Neien. Pinulot ko na rin ang mga nagkalat na unan at inilagay sa sofa dahil naaawa na ako kay Harra.

"Fvck off, dude. Ano bang gusto mo?" Nagtatakang tanong ni Hance saka itinago sa likod niya si Harra dahil binabato siya ni Neien ng unan. Naiiyak na nga siya sa kaka-tantrums ng damulag na si Neien.

"Don't touch her!" Galit niyang sigaw saka hinatak si Harra palapit sa kanya. Muntik pang matumba si Harra buti na lang at maagap si Terrence at agad niyang nasalo si Harra bago pa siya mapaupo sa sahig. Marahas niyang nilingon si Neien saka itinayo si Harra na namumutla.

"Neien! Be careful!" Biglang sigaw ni Terrence saka sinapak si Neien sa pisngi.

"Ouch. That hurts." Sabay-sabay naming sabi nina Hance at Pierre. Agad namang dinaluhan ni Harra si Neien saka inalalayan sa pagtayo.

"T-Terrence! Tama na. Please. Halika na Neien." Akmang susuntukin din ni Neien si Terrence pero hinila na siya palayo ni Harra.

"What's with him?" Takang tanong ko.

"This is crazy. He's experiencing things that she should experience." Halos pabulong na sabi ni Terrence.

"Isn't it great? He's having his emotions back. Hindi katulad ng dati na mas matindi ba siya sa bato." Sabi naman ni Hance. Sang-ayon namang napatango si Darin at ganun din si Pierre.

"Yeah. It's good. Ang kaso lagi na lang mainit ang ulo niya at pinag-iinitan tayong lahat pero madalas ay si Harra. Naiintindihan ko namang picky siya sa pagkain pero sobrang pihikan niya sa pagkain." Nawiwirduhan kong sabi sa kanila. Ngumisi naman si Terrence.

"Siguro ayaw niya lang tayo rito. Sinira natin ang bakasyon nila." Sagot ni Terrence.

"Right. Pero hindi naman talaga ako sasama.. Magtatampo ang mga 'yon dahil sinama niyo ako. Marami na ang utang ko sa kanila." Naiiritang sabi ni Darin.

"Hindi naman tayo aabot ng pasko rito. H'wag kang mag-alala. Aasarin lang talaga natin si Neien tapos uuwi rin." Nakakalokong sabi ko. Binatukan naman ako ni Hance.

"You're wasting my time you idiot." Nakangisi niyang sabi. Kahit nagrereklamo siya ay alam kong gusto niya rin naman 'to. Sus! Kilalang kilala ko na ang mokong na 'to.

"Teka, asan na pala yung couple?" Tanong ni Pierre. Nagkatinginan naman kami at napakibit balikat. Balita ko nag-away ang dalawang 'yon. Napaka-demanding naman kasi ni Quin at kahit ako ang nasa kalagayan ni Lowan ay masasakal rin ako.

"Ako na lang kasi dapat ang pinili niya eh." Pabirong sabi ko.

"Move on pare! Maghanap ka na ng ibang babae dahil hindi na bibitiwan ni Quin si Lowan. Nasa 'yo na kasi di ka pa duma-moves, ayan tuloy naagawan ka pa." Nakangising sabi ni Hance.

The Betrothed Maiden (THE DEVIL'S BABY MAKER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon