V

180K 3.1K 35
                                    

V

*HARRA

"Spend your remaining time with your useless boyfriend. Tonight you'll be all mine. MINE. See you there, I'll fetch you."
Sa halip na puntahan si Yul sa ospital ay mas pinili ko na lang na maghintay dito sa parking lot. Hindi ko kayang harapin si Yul. Masasaktan ko siya. Tahimik lang akong nakaupo at hinihintay siya. Hindi na ko iiyak.

"I'm sorry, Yul. Okay lang na ako ang mawala sa buhay mo wag lang ikaw ang mawala sa 'kin." Bulong ko sa hangin. Napabuntong hinga na lang ako at tahimik na naghihintay. Ito na lang ba talaga ang paraan? Wala na ba akong ibang pagpipilian?

Kinakabahan ako sa kanya. Natatakot ako. Ang paraan ng paghalik niya sa kin kanina, kahit mainit at mapaghanap ay may galit. Ang kailangan ko lang naman gawin ay magpabuntis sa kanya. Makakabuo naman kahit isang beses lang di ba? Ganun nga nababasa ko sa pocketbook eh. Pagkatapos nun mabubuntis na ko. Pagnabuntis na ko tapos na rin yung kontrata namin. Pero kaya ko naman kayang iwan na lang sa kanya ang magiging baby namin? Iiwan ko din ba siya tulad ng ginawa ni Mama sa 'kin? Napatungo ako at parang may isang sako ng semento ang nakadagan sa dibdib ko. Hindi pa man nangyayari ay nasasaktan na ko.

"Ms. Harra?" Bumalik naman ako sa realidad ng marinig kong may tumawag sa 'kin.

"H-ha? A-ah.. Bakit?" Tanong ko. Siya si Darin yung secretary nung Neien.

"Bakit nandito ka? Hindi ka ba nagpunta sa ospital?" Tipid ang ngiting tanong niya sa 'kin. Umiling ako. Naupo siya sa tabi ko.

"Alam kong natatakot ka. Pero.. hindi ka naman niya sasaktan." Sabi niya sa 'kin.

"Bakit ako?" Mahinang tanong ko sa kanya. Saglit siyang natigilan pero hindi rin siya sumagot kalaunan. Maya-maya pa tumayo na siya.

"Tumayo ka na, andito na siya." Sabi niya. Agad naman akong napatayo at napatingin sa exit door. Nakatingin siya sa 'kin matiim na nakatitig at hindi ko mabasa ang iniisip niya. Nang makarating siya sa harap namin ay muli akong napayuko.

"Let's go." Rinig kong sambit niya at ramdam ko pa rin ang titig niya sa 'kin. Tumango naman si Darin at pinagbuksan ng pinto ang amo. Sinenyasan niya rin akong pumasok kaya pumasok na ko sa loob. Pumasok na rin siya sa kotse at siya na rin ang nagmaneho. Tahimik lang kami buong biyahe. Maya-maya pa ay tumigil na rin ang kotse at naunang bumaba si Neien. Napasimangot ako ng hindi niya ako pagbuksan kaya bumaba na ako. Pinasibad naman agad ni Darin ang kotse palayo kaya sumunod na lang ako kay Neien. Lakad-takbo ang ginawa ko maabutan ko lang siya. Agad siyang sumakay sa elevator at hinintay akong makapasok.

"Hindi ka nagpuntang ospital?" Tanong niya. Iling lang ang isinagot ko habang nakatungo. Hinapit niya ko palapit sa kanya at itinaas ang aking baba para magpantay ang mukha namin.

"Kapag kinakausap kita sumagot ka habang nakatingin sa 'kin." Seryosong sabi niya. Pakiramdam ko ay natutunaw ako sa klase ng tingin niya.

"O-Okay." Mahinang sagot ko.

"It's time. Let's get you pregnant." Nakangising saad niya sakto namang nagbukas ang pinto ng elevator at hinila ako papasok sa nag-iisang pinto sa buong palapag na 'yon. Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay agad niya akong pinapasok sa isang kwarto na may napakalaking kama.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Gagawin ko ba talaga 'to?

"Take it off." Bulong niya sa 'kin habang masuyong ikinikiskis ang ilong niya sa leeg ko. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga. Napayakap ako sa aking sarili at mariing napapikit.

"M-maliligo muna ako." Nauutal kong sabi. Tumango naman siya at marahang hinalikan sa pisngi.

"Take your time. This will be a long night, anyway." May bahid ng kapilyuhan ang boses nito.

---
!!! #SPGAdvisory
Next chapter is Rated SPG.
Be a responsible reader.. ;)
XOXO

P.s. Ang pronounciation ng pangalan ni Neien ay Ne-yen.. yun lang... xD

The Betrothed Maiden (THE DEVIL'S BABY MAKER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon