XXXIII

132K 2.4K 66
                                    


XXXIII

*HARRA

Nagising ako sa haplos sa aking pisngi. Nang imulat ko ang mga mata ko ay agad akong napaupo at napasiksik sa headboard. Naroon na naman ang mga mata niyang kumikislap sa dilim. Agad na dinaga ang dibdib ko ng kaba dahil sa lapit niya.
“I woke you up. I didn’t mean to.” Tipid ang ngiti niya habang matamang nakatitig sa ‘kin. Hindi ako sumagot at yumuko na lang. Humikbi si baby Klanc kaya agad ko siyang binuhat. Iminulat niya ang mata niya at inaantok na tumingin sa ‘kin. Itinayo ko siya at ini-hele sa veranda. Liwanag lang ng buwan ang nagbibigay tanglaw sa paligid.

“He’s becoming attached to you.” Sabi niya mula sa sulok. Hindi ako sumagot at inihele ko lang si Baby Klanc. Kinakabahan pa rin ako at medyo nanginginig. Muling humikbi si Klanc saka tuluyang umiyak. Pilit ko siyang pinapatahan pero lalo siyang umiyak.

“Don’t be scared. He’s sense fear.” Sabi niya mula sa likod ko at naramdaman ko na lang ang pagbalot ng braso niya sa katawan ko. Napasinghap ako at mas lalong kinabahan. Mahigpit niya akong niyakap at hinagkan ang buhok ko.

“I’m sorry that I hurt you. I can’t say that I didn’t mean it. I was in rage. I just can’t control myself when I’m angry.  I’m just… I’m… I’m sorry.” Humigpit ang yakap niya. Ramdam ko ang sincerity sa boses niya kaya kahit papaano ay nabawasan ang takot ko. Habang naka-back hug siya sa ‘kin ay sumasabay siya sa pag-ugoy ko kay baby Klanc. Nakapatong ang baba niya sa balikat ko habang nakapikit na sumasabay sa ‘min ni baby Klanc.

“Talk to me when you’re feeling fine.” Sabi niya. Marahan akong tumango bilang tugon. Nang muling mahimbing ang bata ay inilapag ko na siya ulit sa kama at nahiga sa tabi niya.
“Sleep well.” Yun ang huli kong narinig sa kanya at ang pagdampi ng labi niya sa noo ko bago ako tuluyang nakatulog bago sumara ang pinto. Kinabukasan ay nagising akong wala na sa tabi ko si Baby Klanc kaya agad akong napabangon. Muntik ko pang masagi ang baso ng gatas sa mesa sa gilid ng kama. Buti na lang at maagap ko itong nahawakan, doon ko lang napansin ang sticky note na nakadikit sa baso.

Klanc wakes up earlier than he should be. I took him so you can rest well. I know you’re tired.’

‘Yon ang nakasulat sa note. Kahit hindi ko na hulaan ay alam kong siya ang nagbigay nito. Napatingin naman ako sa wall clock na nasa kwarto at nabigla nang makita kong halos alas-onse na. Agad akong naligo at nag-ayos saka bumaba. Pagdating ko sa sala ay naroon sila pero may couple ng kasama sina baby Klanc.

“Oh. You’re awake. Kinukuha na nila si Klanc. This is Ate Merida his mother, she’s my cousin and his husband Flake.” Pakilala niya sa mga magulang ni Baby Klanc. Nang makita ako ni baby Klanc ay agad niyang iniabot ang kamay niya sa ‘kin na para bang nagpapabuhat. Kinuha ko naman siya at naupo sa tabi niya.

“Sorry, tanghali na ako nagising.” Hinging paumanhin ko. Natawa naman ang babae.

“No. It’s okay. I understand, Klanc is really a sleep wrecker. He woke up every two or three hours and wake up too early in the morning.” Kwento ng nanay ni baby Klanc. Napangiti naman ako. Bigla akong niyakap ni Baby Klanc ng mahigpit kaya napatingin ako sa kanya.

“He’s saying goodbye.” Nakangiting sabi ng tatay niya. Niyakap ko din siya ng mahigpit.

“Balik ka ha?” Sabi ko kay
Klanc nginitian naman niya ako at humagikhik. Kinuha na siya ng mommy niya at nagpaalam saka nagpasalamat na rin dahil sa pag-aalaga kay Klanc. Naluluha pa nga si baby Klanc kanina habang nagba-bye sa ‘min pero hindi siya umiyak, nakangiti lang siya. Nang tuluyan na silang umalis ay nagtungo kami sa dining room. Balik ulit sa dati ang nakakabinging katahimikan sa pagitan namin. Tahimik kaming kumain hanggang sa matapos. Agad siyang umakyat sa taas at ako naman ay nagpaiwan dito sa labas.

Abala ako sa pagbabasa ng libro ng may humablot nito kaya napatingin ako. Si Terrence. Agad ko siyang nginitian at binati.

“Terrence, napadalaw ka?” nakangiti kong bati sa kanya. Ang kaninang ngiti sa labi niya ay napalis at napalitan ng pagtataka ang mga mata niya.

“Ginawa niya sa ‘yo ‘to?” Mapanganib na tanong ni Terrence sa ‘kin na agad kong ikinakaba sa hindi ko malamang dahilan. Hinila niya ako papalapit sa kanya at itinaas ang long sleeves ko na may pasa pang hindi pa lubusang nawawala. Pinatalikod niya ako at itinaas rin ang damit ko. Agad ko namang ibinaba ang damit ko at lumayo sa kanya. Muli siyang lumapit sa ‘kin at hinawi ang naalugay kong buhok sa aking balikat kung saan natatakpan ang sugat na hindi pa gumagaling at nangingitim pa. Nang makita niya ‘yon ay dumilim ang mukha niya at nanggigigil na tinahak ang daan paakyat.

Lakad-takbo ang ginawa
ko para lang maabutan siya. Sinundan ko naman siya at nagtungo siya sa opisina ni Neien. Pabalibag niya itong binuksan at isinara. Sinubukan ko ‘yong buksan pero ayaw magbukas. Lalo akong kinabahan ng makarinig ako ng nabasag na salamin at mga tunog ng pagkabali. Humangos akong bumabang muli para hinanap si Butler Peri upang hingin ang susi sa opisina ni  Neien. Nang tanungin niya ako kung bakit ay sinabi ko lang na nasa loob si Terrence at mukhang nag-aaway sila. Nagmamadali niya akong hinila paakyat at natataranatang binuksan ang pinto. Nang mabuksan ang pinto ay agad na napatakbo ako sa pwesto ni Neien.
“H’WAG! TERRENCE! TAMA NA! PLEASE!” sigaw ko saka dinaluhan si Neien na nakasalampak sa sahig at duguan ang ulo at gilid ng mata. Hawak naman ni Terrence ang kahoy na swivel chair ni Neien na alam kong matigas pa sa bato at akmang ipapalo sa kanya. Galit na galit ang itsura ni Terrence at panay rin ang pagtaas baba ng dibdib niya. Niyakap ko si Neien at nakapikit na hinihintay ang pagtama ng kahoy.

“N-No… L-let him b-be…” Mahinang sabi ni Neien. Kaunti na lang ay mawawalan na siya ng malay. Ang pinagtataka ko lang ay bakit hindi siya lumaban.  Tila nahimasmasan naman si Terrence at agad siyang lumabas ng kwarto.

“Bakit hindi ka lumaban?” naiiyak kong tanong sa kanya. Nginitian niya ako.

“I deserve every bit of this. I’ll be fine.” Sagot niya bago siya tuluyang nawalan ng malay sa bisig ko.

---
Hello! Ang bagal ng net~ TT__TT
Nagloloko pa si lappy kaya sa phone ako nag-update.. T.T. dapat kanina pa 'to .
Ako lang ba nakakaranas nito ngayon?
Enjoy reading and keep voting. :D
Please do leave comment it is highly appreciated.:D
XOXO

The Betrothed Maiden (THE DEVIL'S BABY MAKER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon