XVII

162K 2.8K 219
                                    

XVII


*HARRA


"Neien, pwedeng magtanong?" tanong ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa veranda tumatambay. Hindi siya pumasok dahil mag-uusap daw kami. Hindi naman siya nagsasalita. Nakatanaw lang sa malayo.

"You're already asking." Tipid niyang tugon saka sumimsim ng juice. Lihim akong napairap.

"I saw that." Sabi pa niya.

"Tch. Magtatanong na ko. Uhmm... Bakit napakadesperado mong magkaanak? Hindi ba ibibigay sa 'yo ang mana mo kapag hindi ka nagka-anak o ipapakasal ka sa ibang babae?" tanong ko. Napatingin naman agad siya sa 'kin.

"Where did you get those? Stop watching dramas." Sagot niya. Napanguso ako.

"Eh ano nga?" tanong ko ulit.

"Simple. I want to ruin your useless boyfriend. Kapag nabuntis kita at nagising siya siguradong mas pipiliin niyang mamatay. Dahil ang babaeng pinakamamahal niya ay pinagtaksilan siya and you know what's worst? He'll think you chose me over him. If I can ruin you both that's all that matters to me. And the baby? I'll cross the bridge when I get there." Nakangising sabi niya. Natigilan naman ako.

"Ano? Wala kang plano para sa bata?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"What do you care? You're gonna leave him to me." Walang emosyong sabi niya.

"Hindi. Hindi ko iiwan ang bata sa 'yo kung wala ka namang plano para sa kanya." Napakapit ako sa impis na tiyan ko. Alam ko namang wala pang laman 'to pero.. nasasaktan ako para sa kanya.

"Then what? Paano mo siya bubuhayin? Sa pagsasayaw-sayaw mo? Baka naman ibenta mo na ng tuluyan yang katawan mo. Hindi biro ang bumuhay ng bata." Seryosong sabi niya.

"Hindi bale nang maghirap ako at makuba sa kakatrabaho basta maibigay ko ang kailangan niya at hindi lang yun puro pera. Ayokong lumaki siyang katulad mong walang puso!" pasigaw na sabi ko saka tinalikuran siya at dali-daling lumabas ng kwarto. Buti na lang at hindi na siya sumunod.


~~~

*NEIEN


"Hindi bale nang maghirap ako at makuba sa kakatrabaho basta maibigay ko ang kailangan niya at hindi lang yun puro pera. Ayokong lumaki siyang katulad mong walang puso!"

That woman what does she know about my heart? I used to have one but the problem is, it is was never mine. It was for her, it is always be for her. I won't get tired looking for her.

---

*Flashback*

"Dad, I'll wait you there." Sabi ng batang nasa edad pito sa kubong nakita niya. Nginitian siya ng ama at tinanguan saka ipinagpatuloy ang pakikipag-usap sa kaibigan. Tumakbo naman ang batang lalaki patungo sa kubo. Pagdating niya doon ay may nakita siyang batang babae na natutulog. Namangha ang bata sa kanyang nakita. Napakaamo at napakaganda ng batang babae. Nilapitan niya ang batang babae at hinaplos ang mukha nito.

"Wow. Is she an angel? She's very beautiful." Napangiti siya ng kumibot ang labi ng batang babae at dahan-dahang nagmulat ang magagandang mga mata nito. Agad itong napahikbi nang makita siya.

"N-nay... Nanay..." nag-uumpisa ng umiya ang batang babae na nasa edad apat kaya nataranta naman ang batang lalaki.

"H-Hey, don't cry. I'm not a bad boy. You're so pretty, you shouldn't cry." Sabi ng batang lalaki habang pinupunasan ng niya ng luha ng batang babae.

"S-stranger!" tuluyan ng umiyak ang batang babae at lalo lang nataranta ang batang lalaki.

"Hey! Don't cry. Don't cry. I'm not gonna hit you or something!" taranta niyang sabi. Pero mas lalo lang umiyak ang batang babae.

"Nanay!" umiiyak na sigaw ng batang babae. Dahil sa katarantahan ng batang lalaki ay isa lang ang naisip niyang paraan para tumahimik ito. Hinalikan niya ito sa labi. Agad din naman siyang lumayo sa batang babae na nanlalaki ang mga mata at nakaawang ang labi.

"Kapag hindi mo itinikom yang labi mo hahalikan kita ulit." Nakangising sabi ng batang lalaki. Hindi pa rin nakaimik ang batang babae at muling naiyak.

"PAPA!" sigaw ng batang babae habang umiiyak. Nakangiti niyang pinapanood na umiyak ang batang babae. Maya-maya pa ay dumating ang ama nito at ang ama niya.

"What happened to you?" masuyong tanong ng ama ng batang babae sa bata.

"Neien, anong ginawa mo?" tanong ng ama niya sa kanya.

"She started crying so I..." nakangising sabi ng batang lalaki.

"Papa! Halik niya ko!" sumbong ng batang babae sa ama nito.

"Ayaw mo kasing tumahan eh, sabi ni Uncle Tim; the best way to shut a girl is to kiss her. So I did." Matalinong pagrarason nito.

"Marry me! Halik mo ko kaya pakasalan mo ko!" iyak pa ng batang babae. Pinapatahan naman siya ng ama niyang natatawa sa kanilang dalawa.

"So, what now young man? You have to be responsible of what you did." Sabi sa kanya ng ama. Lalo lang siyang napangiti.

"Fine. I'm gonna marry you. But you have to promise me you won't let any other boys to kiss you. Or else I won't marry you EVER." Mayabang na sabi nito.

"I won't! Pero paano Papa ko? Hindi ko siya pede kiss?" inosenteng tanong ng batang babae. Nilapitan niya ang batang babae at hinalikan sa kamay nito.

"Of course you can, silly. Uncle, I'm gonna marry your daughter, you can't stop me." Pahayag nito. Napaingiti na lang ang ama ng batang babae at napailing.

"He grew up just like you. How can I say no?" tanong ng ama ng batang babae sa ama ng batang lalaki.

"Oh.. I'm not really like him." Tanggi pa ng ama ng batang lalaki.

"You are. Young man, if you promise to take care of my princess I will let you marry her." Nakangiting saad nito.

"I will, Uncle. As a sign of my loyalty and love. I give you my family's crest." Pahayag ng batang lalaki saka hinubad ang kwintas na may pendant na rosas at may kumikinang na pulang bato sa gitna.

"Hindi mo na makukuha 'yan kapag naibigay mo na sa kanya. Pakakasalan mo na siya kahit anong mangyari." Seryosong paalala ng ama niya.

"I don't have plans taking it back. I'm sure I'm gonna marry this angel soon." Nakangiting sabi ng batang lalaki saka hinalikan sa noo ang batang babae.

"I'm not angel, My name is Haru." Natawa naman silang lahat sa sinabi ng batang babae. At doon ay itinakda na ang pag-ibig nila sa isa't isa.

I won't ever forget you, my Haru. I'm not gonna love someone as I love you. I'm not gonna marry other woman if it's not you. I need to find you.

---

That's it~ Ohoho~

Neien's sweet childhood.

TT___TT

Enjoy reading and keep voting.

P.S. Please leave a comment. It's highly appreciated. :D


The Betrothed Maiden (THE DEVIL'S BABY MAKER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon