VII

176K 3.4K 53
                                    

VII

*HARRA

Nagising na lang ako na sobrang sakit ng katawan ko at parang minamartilyo ang loob ko. Agad akong napatingin sa kwarto na kinalalagyan ko. Ganun na lang ang kaba ko ng mapagtanto kong hindi ito ang kwarto ko. Napayakap ako sa sarili ko at naalala ko ang nangyari kagabi. Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak. Ang tagal kong iningatan 'yon para kay Yul. Para kapag kinasal kami ay magiging proud siya na birhen niya akong naangkin. Pero lahat ng iyon ay parang bulang nawala.

"Anong iniiyak-iyak mo na naman jan?" tanong ng baritonong boses. Napaangat naman ako ng tingin pero agad ding napayuko dahil sa kakaibang klase ng titig niya.

"W-wala." mahinang sagot ko.

"Are you crying over your virginity? It's just a broken hymen you are crying about. Stop being dramatic." malamig na saad niya saka pumasok sa isa lang kwarto. Napakuyom ang palad ko. Just a broken hymen? Tumayo ako at ibinalot sa katawan ko ang kumot saka dinampot ang unang nahawakan ko saka pumasok din sa kwartong pinasukan niya. Nang makita ko siyang nakatayo ay agad kong binato sa kanya ang hawak ko na nagkataong remote. Nagbibihis pala siya at buti na lang ay neck tie na lang ang hinahanap niya. Marahas siyang napalingon sa 'kin at galit na nilapitan ako. Mahigpit niyang hinablot ang braso ko.

"What the hell is your problem, woman?!" salubong ang kilay na tanong niya.

"Ikaw. Ikaw ang problema ko! FOR YOUR INFORMATION! MATAGAL KONG ININGATAN ANG 'BROKEN HYMEN' NA SINASABI MO! KAHIT SANA KAUNTING HIYA SA KATAWAN AY MAGKARON KA!" hindi ko mapilgilang sigaw sa kanya. Nagdilim naman agad ang mukha niya kaya napaatras ako. Kinaladkad niya ako palabas at tinulak sa kama.

"If your 'HYMEN' is that important to you, you should have not given it to someone who couldn't appreciate it! You are not the first virgin I met! And you don't yell on me, I DO!" pasigaw na sabi niya. Agad naman akong natakot dahil sa dumadagundong na boses niya. Napayakap na lang ako sa sarili ko at muling napaiyak.

"Hindi ko sana isusugal ang pagkababae ko kung hindi mo ko binantaan na mawawala ang pinakamamahal ko." mahina at umiiyak kong sambit. Bigla na lang niyang hinawakan ng mahigpit ang mukha ko at iniharap sa kanya.

"Don't you dare talk about that bastard when I'm around. I can do whatever I want with you. And you can't do anything about it." mariing sabi niya saka mapagparusang hinalikan ako. Mariin at masakit ang pagdampi ng labi niya sa labi ko. Nalalasahan ko na ang dugo sa labi ko at kahit anong subok ko na itulak siya ay hindi ko magawa. Hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niya hanggang sa tumigil na siya.

"Palitan mo ang bedsheet at labhan mo. Ayokong makita ang ebidensya ng pagbiyak ko sa 'yo." tila nandidiring utos niya sa 'kin at tuluyan ng lumabas ng kwarto. Narinig ko na lang ang malakas na pagsara ng pinto na hudyat na nakaalis na siya. Umiyak lang ako buong umaga. Iniiyak ko na lang ang lahat pati ang sakit na nararamdaman ko sa gitna ng aking mga hita. Nang mahimasmasan ako ay agad akong nagtungo sa banyo at naligo. Kahit sobrang sakit sa bawat pagkilos ko ay hindi ko na iyon ininda. Matapos kong mag-ayos ay paika-ika kong pinalitan ang bedsheet at nilabhan iyon. Lalo lang nanakit ang loob ko. Itinigil ko muna ang paglalaba at halos pagapang na pumuntang sofa. Nang marating ko ang upuan ay hindi na ko naupo at iniyukyok ko na lang ulo ko sa sofa at nagpahinga ng kaunti. Hindi ko na kaya ang sobrang sakit. Mawawala naman siguro 'to kapag itinulog ko.

---
That's it! You are free to stab Neien!
Hi sa mga hindi nagsasawang basahin ang kwentong ito at sa mga hindi nagsasawang magvote and mag comment! Salamat! Salamat ng marami.
^O^//*~

The Betrothed Maiden (THE DEVIL'S BABY MAKER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon