XXVII

137K 2.3K 31
                                    


XXVII


*HARRA

"Neien, bumangon ka na." gising ko yan Neien na nakahilata pa rin sa kama habang nakadagan sa bewang ko ang mabigat niyang braso.

"Sleep." Inaantok niyang ungol saka humarap sa 'kin at hinapit ako papalapit sa kanya.

"Pero tanghali na. Sabi ni Darin may meeting ka raw ngayong ten pero nine na. Kaya bumangon ka na." tulak ko sa kanya. Nagmulat naman siya at pinandilatan ako.

"Nag-uusap kayo ni D?" salubong ang kilay na tanong niya kahit pumupungas-pungas pa.

"Tumawag siya kagabi sa phone mo pero hindi ka raw sumasagot kaya tinawagan niya ko para ipaalala ang meeting mo ngayon." Sagot ko sa kanya.

"Call him. Tell him to cancel that fvcking meeting." Sabi niya saka sumiksik sa leeg ko.

"Tumigil ka nga. Bumangon ka na. Pupunta pa akong ospital." Natatawa kong tulak sa kanya.

"Don't you want to cuddle?" Mahina niyang tanong pero sapat na para marinig ko.

"Neien, cuddling is fine with me but we both have tasks to do. Ikaw, kailangan ka ng kompanya niyo. Ako, kailangan ako ni Yul." Paliwanag ko sa kanya. Bigla siyang lumayo at walang sabing tumayo saka dumiretso sa banyo. Napailing na lang ako at bumangon na rin, inayos ko na ang higaan namin at inihanda ang isusuot ni Neien. Sakto namang paglapag ko ng damit niya sa kama ng damit niya ay kalalabas lang niya ng banyo. Topless at nag-uumapaw ang pheromones sa paligid. Walang emosyon ang mukha niya. Hindi siya tumingin sa 'kin at nilampasan lang ako papunta sa walk-in closet niya.

"Neien, may problema ba?" tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot at kumuha lang damit. Heto na naman kami sa mood swings niya. Minsan sweet, madalas masungit at mahilig mag-tantrums.

"Neien." Tawag ko sa kanya. Nilapitan ko siya at hinablot ang damit na hawak niya. Napatingin siya sa 'kin at pinandilatan ako.

"I'm going to be late. Stop playing around." Salubong ang kilay na sabi niya.

"Inihanda ko na ang damit mo, bakit ka pa kukuha ng panibago? Ayaw mo ba ng damit na yun?" tanong ko sa kanya.

"I'm pissed, Harra." Sagot niya.

"I can see that. Ano na namang ikinata-tantrums mo r'yan?" Lumapit pa ako sa kanya at nginitian siya. Napanguso naman siya lalo.

"I'm not. Fine! I'll wear what you prepared for me." Nagdadabog na sabi niya saka lumabas ng closet. Paglabas ko ay nakaupo siya sa kama.

"Oh. Akala ko ba male-late ka na? Bakit nakatunganga ka pa?" tanong ko ng makalapit ako sa kanya. Bigla naman niya akong hinila at pinaupo sa kandungan niya.

"Tinatamad na 'ko." Sabi niya saka sumiksik sa leeg ko. Inilayo ko naman siya sa 'kin at nagtatakang tinignan.

"Neien, pumunta ka ba sa session niyo ni Ren-ren last week?" tanong ko sa kanya. Baka kasi nababaliw na 'tong si Neien, bipolar ata siya eh. Dumilim naman agad ang mukha niya.

"Ren-ren?" ulit pa niya saka tinulak ako sa kama at isinuot na sa harap ko ang damit niya. Napatili na lang ako at napatakip ng unan nang walang sabi niyang tanggalin ang tuwalyang tumatakip sa ibabang parte ng katawan niya. He's so proud of himself!

"I'm done." Pahayag niya kaya tinanggal ko na ang unan sa mukha ko na agad naman sinalubong ng nanggigigil na halik ni Neien. Napahiga ako sa kama at hinuli niya ang kamay ko saka itinaas sa aking ulunan.

"I just want you to know that I want to crush you with my body every time you're this near to me." Bulong niya saka muling sinalakay ang labi ko.

"I'm leaving." Napadilat na lang ako nang magsalita siya. Kanina pa pala tapos. Namula naman ang mukha ko at tumayo na. Inihatid ko na siya pinto ng kwarto.

"May gusto ka bang ipaluto mamaya para sa dinner?" tanong ko.

"No. I'll take you on a restaurant at dinner." Sabi niya. Napangiti naman ako at tumango. Tumingkayad ako at ginawaran siya ng masuyong halik. Tipid siyang ngumiti saka tuluyang umalis. Nang makaalis siya ay nag-ayos na rin ako. Kahit papaano ay may pagbabago na sa ugali ni Neien. Kahit papaano ay bumait na siya kahit na likas na siyang masungit at maharot. Minsan ay talo pa ang bata kapag nagta-tantrums.

Paalis na ako nang mapansin ko ang cellphone niya sa taas ng drawer. Kinuha ko 'yon at binuksan. Buti na lang at walang password. Magte-text sana ako kay Darin na sabihin kay Neien na naiwan niya ang phone niya nang may mag-pop up na bagong message.

'T, I'll come to you later. Wait for me. And... oh... be ready for me. See yah. Hugs and kisses. Rawr!

-Ylena.'

Nagsalubong naman agad ang kilay ko. Sino naman 'to? Ang malanding 'yon! Ang daming babae! Akala niya nakakagwapo 'yon?! Ni-replay-an ko nga.

'I'm not available today. Maybe some other time.'

Send! Wala pang isang minuto ay nag-reply agad siya.

'No, honey. You're always available for me. Cancel all your meetings and prepare yourself.'

Lalong kumulo ang dugo ko sa sinabi niya. Hindi na ako nag-reply. Akmang ibabato ko na ang cellphone niya ng mapagtanto ko kung bakit ako naiinis. Pinakalma ko muna ang sarili ko at huminga ng malalim. Ano ba 'tong ginagawa ko?! Ugh! Idadaan ko na nga lang muna sa maharot na 'yon ang cellphone niya.

"Ano bang pakialam ko sa affairs niya? I'm just his baby maker." Bulong ko sa sarili ko. Pakiramdam ko ay kumirot ang bahagi ng dibdib ko. Agad akong napailing.

"Hindi. Hindi. Si Yul ang mahal ko." Sabi ko sa sarili ko hanggang sa kumalma ako. Idadaan ko na lang 'to sa opisina ni Neien. Binura ko na rin ang conversation namin ng babae niya. Bahala siya.

---

Annyeong!

Sabaw! TT_TT. Wala ako sa tamang huwisyo ngayon eh.

Mianhae. (gYuY)9

Bukas ulit!

HAPPY 5K READS! THANK YOU!

Enjoy reading and keep voting!

#TDBM

The Betrothed Maiden (THE DEVIL'S BABY MAKER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon